Tula 5

11 1 0
                                    

MGA ALAALANG NAWALA

Sino ka ba talaga?
Kilala ba kita?
Kung ganoon, bakit hindi ko na maalala?
Mga katanungang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa.

Sa tuwing ako ay pipikit
Mukha mo ang palaging nakaukit
Isipan ko'y pinipiga ko ng pilit
Kahit masakit ay ginawa ng paulit-ulit.

Ang iyong tindig ay maihahalintulad kay Adan
Mukha mo ay napakaamong tingnan
Ang iyong tinig ay napakasarap pakinggan
Kabuuan mo ay napakagandang pagmasdan.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman
Puso ko'y kumakabog kapag ikaw ang nasa isipan
Kada pintig nito'y sinisigaw ang pangalan mong kahit ngayon ay isa pa ring palaisipan
Tila ikaw lang ang nakagawa nito kaya ito'y nasisiyahan.

Ngayon ay nahanap ko na ang dating ako
Alaala ko'y nagbalik na, napakasaya ng pakiramdam ko
Ikaw pala ang lalaking minahal ko nang husto
Kaya kahit sa panaginip ay dinadalaw mo ako.

Pero nasaan ka na ngayon?
Ako ay hindi mo na nilingon
Kahit sa panaginip ay di' ka na tumutugon
Ang daya mo naman, di' mo man lang ako binigyan ng isa pang pagkakataon.

Ngunit sa isang iglap ay nagbago ka na
Nahanap nga kita, pero umiibig ka naman sa iba
Sumuko ka na sakin, tama ba?
Alaala ko nga ay nagbalik na, pero ito naman pala ang aking napala.

Sana ay hindi na ako nakaalala pa
Siguro hanggang ngayon, ako ay nanaginip na
Kahit di' totoo, basta ako ay masaya
Sa piling mo, iyon ay sapat na.

05/27/20

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula Para SayoWhere stories live. Discover now