Tula 3

15 1 0
                                    

PAGBABALIK-TANAW

Kaysarap balikan ang mga alaala
Lalo na noong panahong tayo ay palaging masaya
Tila gusto nating iyon ay maibalik pa
Pero iyon ay hindi na mauulit pa.

Hindi sa lahat ng pagkakataon na tayo ay masaya
Kadalasan ay kalungkutan ang ating nadarama, tama ba?
Marahil ang pagkabigo't pagkakamali ang palaging nahihinuha
Pero huwag kang mag-alala dahil iyon ay nakalipas na.

Kaya ginawa ko ang tulang ito
Para maibahagi ko sa inyo ang napagdaanan ko
Na ang buhay ng tao ay hindi talaga perpekto
Kaya sisimulan ko na ang kwento ko.

Palaging nakatulala sa kawalan
Na hindi malaman ang dahilan
Pag napansin ng iba'y palaging napagkamalan
Isang taong may utak pero wala namang laman.

Lumuluhang mga mata
Na kada gabi ay palaging namumula
Sanhi ay wala namang kwenta
Hindi mapigilan kaya lalong bumabaha.

Nag-iisip ng kung anu-ano
Kahit ang nakaraan ay nahalungkat ko
Pati kinabukasan ay mayroon ng plano
Kapag ipinagpatuloy pa ay baka masiraan na ng ulo.

Sariling kakayahan ay pinagdudahan
Na pilit itinago sa isang malalim na libingan
Hindi maiwasan na baka magsisi sa hulihan
Kaya ito'y ginamit para mapakinabangan.

Kayod dito, kayod doon
Kahit ang alagaan ang sarili ay wala ng panahon
Basta magkalaman lang ang sikmura mo ngayon
Sapat na para makaahon sa buong maghapon.

Ngayon ay nalaman niyo na ang kwento ko
Pagbabalik tanaw ko sana'y maging inspirasyon niyo
Alam kong lahat ng ito'y naranasan niyo
Hanngang sa muli, paalam na mga kaibigan ko.

Tula Para SayoWhere stories live. Discover now