Abala sila mama sa pakikipagkwentuhan sa mga matagal nya ng barkada na ngayon nalang din nagkita -kita. Reunion daw ito pero mukhang family gathering sa dami ng tao dito ngayon sa hindi ko malaman kung resort ba ito o bahay.
Andito din ang mga kaibigan ko at mga kaaway ng mga kaibigan ko, hindi ko alam kung paanong nangyaring magkakakilala ang aming mga magulang pero ayon kay mama, ay simula High School ay magkakasama na sila kaya hindi na ko nagtataka kung bakit sobrang ingay nila ngayon. Andyan ang kakantyawan at malalakas na tawa na maririnig mo sa buong sala nitong bahay na to.
Lumipas ang oras at hindi pa rin sila natatapos andito na ko sa labas at naka upo sa damuhan ng kanilang magandang hardin na katapat lang ay ang swimming pool na mukhang pambata. Malamig ang simoy dito ng hangin kaya't mukhang masarap lumanghap at magmuni muni dito twing gabi.
Nang mainip ako ay agad akong dumako sa kusina kung saan nanduon ang katulong nilang babae, nagseserve ng juice sa mga bisita na nanghihingi, kaya't lumapit ako at nanghingi ng tubig dahil uhaw na uhaw na din ako.
"Rih! There you are, come! Ikaw nalang hinihintay namin" bungad sakin ni mama, na ang laki- laki ng ngiti sa kanyang labi habang inaakay ako palapit kung saan sila nagtitipon tipon.
Sumunod ako ng may nagtatakang mukha sa kanya ngunit patuloy lang ang kanyang pag ngiti. Ano bang meron?
Ngunit...
Pati ako ay nabigla...
Akala ko sa palabas lang talaga nangyayari ang mga ganitong klaseng eksena pero talaga namang nangyayari pala ito sa totoong buhay.
"Starting on Monday you'll be joining them in the same roof"
"WHAT?!"
...
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are other products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
A/n: Am not a good writer but I'll try my best to write good story for you. Sana po ay magustuhan nyo, enjoy reading! ;-)
P.s: I created this story back from 2016, and got stuck from the preview due to schoolworks, kaya kahit mukhang jeje, post ko, this is the first story I had created.
...
YOU ARE READING
"ATTENTION" Girls and Boys
Teen FictionLove or hate? Ako o siya? Mahal ko o mahal ako? Love or friendship? Kaya mo bang pumili? Kaya mo bang i sugal ang lahat para sa taong tingin mo ay mamahalin o mahal ka? Kaya mo bang ipaglaban ang sayo? O susuko ka nalang na dahil iyon ang tingin mo...