Simula

160 11 0
                                    

Simula

"Jade Bernardino?" tanong ng delivery guy nang magpunta ako sa front door ng bahay.

Itinaas ko agad ang kamay ko sa kaniya, animo'y gustong magrecite sa isang classroom set-up.

Tinignan niya agad ang suot kong damit. Nakalas na pala ang suot kong robe at nakalitaw na for his entertainment ang manipis na silk nightgown ko.

Kung sinusuwerte nga naman ang hunghang, at wala pa akong suot na bra.

"That's me." madiin kong sambit at kinawayan siya upang tanggalin ang titig sa mahubog kong katawan.

He blinked several times at saka ay bahagyang napangiti sa akin. Awkward ang pagkataas niya ng labi. Halatang nagsisi sa ginawang pag-check-out sa akin, dahil nahuli ko siya.

Inabot niya ang clipboard sa akin at saka ay agad ko naman iyong pinirmahan. Naghintay ako sa bulaklak na iaabot niya.

"Thanks, Madam." huling sambit ng lalaki at ibinigay na sa akin ang malaking bouquet ng red roses.

Binigyan ko siya ng matigas na ngiti bago ko isinarado ng malakas ang pinto sa mukha niya.

I stomped my feet on the floor wearing my bunny-ear slippers. Nilingon agad ako ni Cobalt, ang bakla kong pinsan sa side ni Dad. Wala naman kasing anak ang kapatid ni mama, kung kaya't wala akong iba pang pinsang buo. Swerte ko lang na may Cobalt ako.

"Pinadalhan ka na naman ni Owen ng bulaklak?" nanunuya ang boses niya habang ngumangata ng crackers.

Pinanggigilan ko ang handle ng bouquet. Gusto ko na lang itong ihampas sa tiled floor. Kung hindi lang nagugustuhan ni Nana Helen ang mga bulaklak na pinapadala niya, kanina ko pa ito hinagis sa labas ng bahay.

"Naiinis na ako sa kaniya!" I ranted out, "Ilang beses ba niya gustong mapahiya sa public, just so he would stay away from me?!"

Humalakhak si Cobalt sa akin at saka bumangon sa pagkakasalampak sa couch. Kanina pa siya ganiyan, at nanonood ng available movies sa telebisyon.

"Hot naman si Owen, a?" sambit ni Cobalt at saka ako nginisian, "Patusin mo na."

"Gago." madiin kong sagot sa kaniya, "Jutay, sis! Ayaw ko!"

Lalo siyang humalakhak. Tumunog ang cellphone niya at doon lang siya napaayos ng upo. May tumatawag sa kaniya. Sinagot niya iyon agad at pinalapit ako sa kaniya habang pinapakinggan ang kausap sa cellphone niya.

Naupo ako sa tabi ni Cobalt sa sala. Inilapag ko ang bouquet sa table at inangat ang paa ko upang ipatong sa tabi no'n.

"Legit?" gulat na tanong ni Cobalt sa kausap.

Medyo tumaas ang tono niya. Tila nagulat sa narinig. Inabot niya agad ang remote sa tabi ng paa ko at saka nilipat ang channel ng pinapanood niya. Inilipat niya sa balita.

Nag-appear agad ang isang lalaking macho na nakasuot ng casual tux sa harap ng media. He was so pretty.

Dirty blond ang buhok.

Halatang Fil-Am.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita siyang tumayo. His length was hard and bulking. I immediately wondered how perfect and fit his underwear is to him. Dinilaan ko ang ibaba kong labi sa pantasiya ko.

Agad kong minasahe ang pupulsuhan ko. Ito na naman ang desire ko. Kapag hindi ko napigilan, ay sasabog ito.

One of our oriental doctors recommended that I massage the middle of my wrist in circling motions whenever my sexual disorder attacks. I'm always doing that ever since. In order to fight myself back. So far, I'm doing great.

The Fetishist (Paraphilia Series, 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon