Ikalawang Kabanata

4 0 0
                                    

The Sinulog week came by so fast, and weekend came and im still in the dorm and continues to write my story. I'm planning to add a romance in it.

Nanny Calling...

"Nay!!" Masigla kong bati as soon as I answered the call.

"Anak, hello.. goodmorning.." Sabi niya.

"Bakit hindi po masigla boses niyo? Hindi po ba kayo masaya na narinig niyo boses ko?" Pabiro kong sabi.

"Ikaw talagang bata ka.. Nalulungkot ako dahil miss na kita.." sabi niya na ikinatuwa ng puso ko.

Nanay has been with us since I was a baby. Medyo may katandaan na rin si nanay, pero she always treated me like her child and I'm always greatful to have her in my life.

"Nay, may problema ako.. Susulat na sana ako ng story pero wala akong maisip na pangalan ng bidang babae." I said.

"Eh kung pangalan mo gamitin mo iha?" nanay suggested.

"Ngek, ang weird naman nun nay."

"Weird sayo, maganda sa iba. Ang ganda ng pangalan mo.. (Name should be: bagong kapalaran)"

Napaisip ako. Since birthday gift ko naman sakanya next month, sige na nga lang.

"Sige nay, gagamitin ko nalang pangalan ko as bida."

"Yehey! Oh sige na iha, magluluto na ako ng agahan. Saan ka kakain ngayon anak?"

"Ah may fiesta po kasi dito sa Cebu nay. Hindi nga lang ako sumama sa iba kong mga kaibigan kasi may ginagawa ako ngayon. Pupunta po siguro ako sa isang mall sandali at kakain tapos babalik rin ako agad."

"Oki anak, magiingat ka!" Sabi ni nanay at binaba na ang tawag.

Naligo na ako at nag handa para pumunta sa mall. Ginugutom kasi ako at gusto ko kumain ng mcdo at uminom ng milk tea. Ugh, bakit ba ang takaw takaw kong tao huhu..

Biglang nag vibrate ang phone ko. It's a friend request.

Noah Rocco sent you a friend request.

This is the guy I met sa library na from engineering department. Hmm..

Accept.

Ting!

Wow, ang bilis?

"Hi, saan ka ngayon?" message niya sakin.

"Uhm, papunta ako sa Ayala." I replied.

"Andito ako sa Ayala ngayon, saan ka gagala?"

"Wala akong plano. Kakain lang kasi gutom. Uwi ako agad."

"Gusto mo sumama?"

"Wag na. Hindi kasi ako mahilig ng maraming tao." I replied.

Patuloy parin ang pag ting ng messages ko, pero I ignored it nalang. Gusto ko lang kumain huhu.

Hindi naman talaga ako mahilig sa mga gathering na ang dami ng tao. Nasasakal kasi ako, I'm more of the bahay lang type of person.

"Number 106" Tawag ng number ko sa counter.

"Enjoy your meal!" Masiglang sabi ng crew at nginitian ko na rin.

Patuloy akong lumilibot at humahanap ng pwedeng upuan kaso punuan na talaga. Puno na talaga kahit 12 pm pa lang?

"Psst! Fayre!" Narinig kong tawag ng isang tao sa gilid. Oh, si Rocco pala.

"Wow, what are the odds na magkikita tayo. Sa Mcdo pa talaga." Nakangiti niyang bati sakin.

Written MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon