Ikalimang Kabanata

5 0 0
                                    

Umuwi ako ng Manila pag weekend. I told Rocco already what happened and I know he understands na kailangan kong bumalik ng Manila this weekend and be with nanay. Sinundo ako nila mommy sa airport at hindi ko na napigilan umiyak habang yinayakap nila ako. Wala na ang isang taong nakasama ko simula bata pa ako. Wala na ang nanay ko na palaging nandiyan para sakin. Wala na ang aking nanay Linda..

Habang nasa sasakyan patuloy parin ang pag iyak ko, hindi ako naka focus sa exams kasi sarado ang isipan ko. Gusto ko na umuwi at makita si nanay. Nagbabakasakali na hindi totoo ang lahat ng ito. Na buhay si nanay. Huminto ang sasakyan sa isang chapel at nakita ko sa malayo ang malaking letrato ni nanay na nakangiti, sobrang ganda ng ngiti niya at para bang kinakausap ako at sinasabing siya ay makakapag pahinga na.

Hindi ko kayang lumapit sa kabaong ni nanay dahil nasasaktan parin ako. Kung alam ko na ganito ang mangyayari sana ay umuwi ako ng nakaraan. Sana mas kinausap ko pa siya. Sana mas yinakap ko siya sa huling pagkikita namin. Nagsimula ang misa at patuloy parin ako sa pag iyak. Nahihirapan ako sa sitwasyon.

"Anak, nakita namin itong liham na naiwan ni nanay sa kwarto niya. Mukhang sinulat niya ito isang linggo bago siya pumanaw." Sabi ni mommy sakin habang binigay niya ang liham.

Naknak ko,

Maraming salamat dahil tinanggap mo ako ng buong buo. Alam ko naman na spoiled ka at maarte pero hindi ko naramdaman na isang kasambahay lang ako sa tahanan ninyo. Hindi mo pinaramdam sakin na wala akong anak dahil sayo ay nakita ko ang sarili kong anak na matagal na kasama si papa God. Galing ako sa hospital para kumuha ng resulta ng check up ko ng nakabili ako ng journal sayo.. at nalaman kong may sakit nga ako at hindi na ako magtatagal. Makakasama ko na ang anak ko at si papa God. Nak, sana naman huwag kang magtanim palagi ng sama ng loob sa puso mo. Sana palagi kang maging matapang at masayahin. Salamat dahil hindi mo lang ako binigyan ng kaligayahan, binigyan mo rin ako ng dahilan para ipagpatuloy ang buhay. Mahal na mahal kita naknak ko. Ako ang nakaisip ng Fayre mo eh kasi mahilig ako sa apoy. Chika ko lang.. chikadora parin si nanay kahit sa huling mga oras na lamang. Lagi mong tatandaan na andito lang ako palagi at hindi kita pababayaan. Mag ingat ka palagi ah? Kahit sa hangin mo nalang ikwento ang mga nararamdaman mo asahan mong aabot yan sa akin. Labyu nak,..

Akala ko naubos na lahat ng luha ko kakaiyak kanina, pero hindi pa pala. Mas lalo akong napaiyak ng natapos ko na mabasa ang sulat ni nanay. Kahit sa huling sandali ako parin ang iniisip niya.

Kailangan ko ng bumalik sa Cebu dahil may pasukan pa, umuwi ako Linggo ng umaga. Ililibing na si nanay sa Martes, at nakapagpaalam na ako sa kanya at lumapit na rin ako sa kabaong ni nanay. Habang buhay ko siyang pasasalamatan dahil sa pagmamahal na binigay niya sa akin. Nalulungkot parin ako dahil hindi ko man lang naibigay ang kwento ko sakanya.

Dumating ako sa dorm at lutang na lutang talaga ako. Nag aalala sila Daisy at Mika pero sinasabi kong ayos lang ako. Sinabihan ko rin sila Cybele na ayos lang ako. Kinuha ko ang journal at dinala sa may canteen ng dorm. May plano na akong tapusin ang kwento. Ngunit hindi ko kayang maging masaya ang ending ng kwentong ito.

Hindi ko na nabigyan ng iba pang detalye, pero natapos ko ang kwento na pinatay si Keanu Zyair sa kwento at hindi nagkaroon ng hustisya. Alam kong hindi makatarungan na tapusin ang buhay ni Keanu sa kwento, pero alam kong yun lang ang kaya kong gawin.

Rocco is calling..

"Bellerose?" He said as I answered the call.

"Hey.. I just got back sa dorm." I said habang pababa ako at pabalik na sa kwarto.

"Are you okay? Papasok ka tomorrow?" He asked.

"Yeah, exams pa rin namin." Sabi ko hanggang sa nakarating na ako sa kwarto.

"You can rest muna, the teachers will understand."

"No na, kaya ko." I said, assuring him.

"Are you sure?"

"Yes, okay lang." I said in a medjo jolly na tone.

Binuksan ko ang first page ng journal at nabasa ko ulit ang nakasulat noon sa package, ngayon ay nakasulat na sa first page..

Sulatin ang damdamin

Sang ayon ang mga bituin

Tapusin ang kwentong masaya

Katapusang maligaya.

Hindi pwede na hindi maganda ang katapusan ng kwentong isusulat, dahil kung hindi ito masayang katapusan tiyak na ikaw ang babago sa tauhang kapalaran.

"Bellerose? Fayre? Abi? Hello? Ayos ka lang ba---" Biglang naputol ang tawag ni Rocco sakin ng bigla akong nahilo at sumakit ang ulo ko, dahilan para matumba ako at mawalan ng malay...

Written MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon