PROLOGUE

17 0 0
                                    

He should be kind. He should be handsome. He should be skillful. He should be intelligent. He should be hot. He should be brave. He should be good at se—

"Requesting all students from psychology department you are all requested to report immediately at the Bunzel Building. Thank you." I heard someone announce as he enters the room. I was distracted because I was writing the ideal man I want to achieve in a story I'm about to write. Diba ganun talaga dapat ang mga ideal boys?

"Huy, Fayre, ano ginagawa mo?" my seatmate asked me.

"I'm writing things lang. Saan daw tayo pupunta?"

"May announcement na naman yata. Pupunta na naman siguro tayo sa north campus." Mika sighed. She is my roommate slash pinsan. Ayaw niya talaga pag pumupunta kami sa north campus, ako rin naman, ang hirap kasi sumakay pauwi.

My name is Fayre Abigail Bellerose, I'm a student here in University of San Carlos in Cebu. I'm having fun since the first semester, and naka dorm lang ako. I'm actually from Manila so hindi ako masyado marunong mag bisaya, dito ako pinag aral nila mama dahil dito rin sila nagtapos. My dad is French, and he works in Manila incase you're wondering bakit Bellerose surname ko. Kasalukuyan nasa Talamban Campus kami, I'm actually studying psychology as my pre-med here. It's not really what I want to pursue, I actually want to pursue law but my parents want me to take this course because of the "legendary med" family.

"Ah gwapa jud aning Fayre oy. (Ganda talaga ni Fayre)." Sabi ng kaklase ko na hindi ko naman talaga kinakausap.

"Ano raw?" Tanong ko kay Mika.

"Sabi niya, ang ganda mo raw. Hayaan mo na, kilala mo naman 'yan na palabiro talaga siya."

I ignored my classmate and continued to keep my things. I'm still adjusting in this school and aside from the language barrier, I find it hard to stay because I'm not familiar of the place. Masaya akong nandito ako sa paaralan na ito na kasama ang pinsan kong si Mika at thank you lord kasi kaklase kami. She made things easier for me.

"Ah inita jud diri sa siudad oy, huwat nalang ta sa beep aircon pato.(Ang init dito sa siyudad. Hintay nalang tayo ng beep kasi may aircon.)." Sabi ng katabi ko habang naghihintay kami ng masasakyan papuntang north campus.

"Ano ba ibig sabihin ng inita? At huwat? Nakakain ba yan?" I asked Mika who's actually texting someone right now.

"Inita means mainit, and huwat means hintay. Masasanay ka rin pag nag tagal." She smiled at me.

Siguro masasanay nga ako, pero kailan pa kaya?

"Pagod na ako... Gusto ko na umuwi..." Reklamo ni Mika habang kumakain kami sa Ayala. Dito lagi punta namin kapag galing kaming north campus.

"Reklamo ka ng reklamo, umayos ka nga." I said.

"Ay wow bagong buhay ka na? Eh diba kaya ka nga pinalipat dito ng mga magulang mo kasi gusto nila baguhin yang ugali mo?" She said.

"Don't ever talk to me like that."

"Sus, spoiled ka kasi kaya gusto ka turuan ng leksyon ng mga magulang mo. Truth hurts honey. Should I apply water to the burned area?" Tumawa siya.

I don't know why everyone calls me spoiled. Hindi naman ako spoiled, I just voice out my thoughts. Masama ba yun? Hindi diba?

"Tumigil ka nga, ayaw mo na ba may libre?"

"Joke lang yun apoy hehe!" At ngumiti na naman siya. Kung hindi ko lang talaga pinsan to ugh. She calls me apoy dahil daw ang "Fayre" ay malapit sa "fire" which means apoy, kaya tinutukso niya ako sometimes. Hayyyy.

"Bilisan na natin while its early pa. 7 pm pa naman, mahirap na sumakay pero kaya lang. Patience is the virtue!" Gigil na sabi niya at binilisan na naming ang pagkain.

"YES!!! Thank you Lord!!" Masayang sabi ni Mika ng dumating kami sa dorm. Tatlo kami dito sa dorm. Ako, si Mika at si Daisy. Si Daisy ay architecture yung course if I'm not mistaken hehe. Sinabihan ko na si Mika kanina na hindi siya dapat humiga na hindi nagpapalit pero ayaw parin makinig.

Nanny calling...

"Hi nay! Napatawag ka?" Sabi ko ng sinagot ko ang tawag sakin ni nanny.

"Gusto ko lang mangumusta, kumusta ba ang cebu?"

"Ayos lang nay, nag aadjust parin ako. Masasanay din naman ako." I told her happily.

"Ay sus, alam mo ba may binili akong journal para sa iyo. Magandang babae kasi nagbebenta, tas ang mura pa."

"Nay, diba sabi ko naman sayo mag iingat ka palagi at huwag kahit saan bumili?"

"Eh pag pasensyahan mo na ako anak, gusto ko lang naman pasayahin ka. Alam ko naman na hindi mo matapos tapos yang mga kwento mo."

"Hindi ko kasi gusto tapusin nay eh. Nawawalan ako ng gana sa kwento."

"Magaling ka magsulat anak, subukan mo nalang kaya? Eh pinadala ko nalang ang journal diyan. Nagpatulong ako sa driver ni ma'am para turuan ako mag deliver diyan." Masiglang sabi ni nanay.

"Oh talaga? Ano tinuro niya sayo?"

"Sikrit. Basta darating na sayo ang package nak, mag ingat ka palagi ha. Alabyu!"

"Okay po nay. Nakauwi na po ba sila mom?" I asked.

"Wala pa rin, kanina pa nga ako naghihintay baka hindi pa sila umuwi agad. May pasyente kasi silang dalawa ngayon sa ER." Pag kwento ni nanay.

"Okay po nay, mag iingat rin ho kayo. Magkikita pa tayo sa pasko ha?"

"Oo naman anak, ipagluluto kita ng paborito mong sinigang!"

"Sige nay, mahal na mahal kita." At binaba ko na ang tawag.

Nagpaalam muna ako kay Mika bago bumaba at tinignan kung mayroon bang package para sakin. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang package na naka pangalan sakin. Ngunit nakita ko ang isang tula na naka sulat sa package.

Sulatin ang damdamin

Sang ayon ang mga bituin

Tapusin ang kwentong masaya

Katapusang maligaya.

Ano yun? Riddle? Gets ko naman, pero grabe si nanay.. Mahilig na ba siya mag tula?

Bumalik ako sa kwarto at binuksan ko ang package. Nakalagay ito sa isang box na parang ang luma na, at ang journal na ito ay parang maluma na rin, pero ubod ng ganda.

"Nice, ang ganda naman ng journal mo ah." Sabi ni Daisy ng dumating siya.

"Ito? Bigay ng nanay ko." I said smiling.

Binuksan ko ang journal at may nakasulat sa unang bahagi nito.

Hindi pwede na hindi maganda ang katapusan ng kwentong isusulat, dahil kung hindi ito masayang katapusan tiyak na ikaw ang babago sa tauhang kapalaran.

Ang dami naman atang tula dito, saan ba 'to nabili ni nanay?

Sinulat ko ang unang draft para sa kwentong bubuuin ko. Naalala kong birthday ni nanay sa darating na pebrero, at gusto ko bigyan siya ng regalo. Alam kong magiging masaya siya kapag nalaman niyang nakabuo ako ng kwento for the first time!

Written MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon