Ikaapat na Kabanata

3 0 0
                                    

2 weeks passed by and the same routine kami ni Rocco. He would pick me up at MWF dahil same sched naming 7 am. Tapos binibigyan niya ako ng breakfast. Sabay din kami nag aaral with some stuffs and palagi niya akong pinapakain ng tapsilog dahil new favorite ko na rin to. Hehe!

Kinuwento ko sakanya ang buong araw ko, tas nag kwento rin siya. Patuloy parin kaming tinutukso ng mga classmates ko kasi huhu ewan ko sakanila. After ng tapsilog date (naks! Date talaga haha) ay bumalik na ako ng dorm.

Masaya akong bumalik sa dorm dahil malapit ko matapos ang kwento. Next week na ang birthday ni nanay kaya kailangan ko ng tapusin ang kwento hehe tiyak na happy ending ito!

Nagulat nalang ako dahil biglang nag vibrate ang phone ko.

Mommy calling...

"Ma?" I answered the call.

Pero ilang Segundo ay tahimik parin ang kabilang linya.

"Ma?" I asked again.

"Anak... k-kailangan mo umuwi ngayong w-weekend..." Sabi ni mom habang basag ang boses niya.

"Uuwi naman po ako next week para sa birthday ni nanay. Bakit po kailangan this week din? May exam kasi ako after this week end—"

"W-wala na s-si nanay... H-hindi naman siya k-kayang g-gisingin.." Naiiyak na sabi ni mom sa kabilang linya.

Nabitawan ko ang ballpen na hawak ko na gagamitin ko sana sa pagtapos ng kwentong sinusulat ko. Pero.. wala na ang taong naging dahilan na makakabuo ako ng masayang kwento.

It was that exact time when I stopped writing the happy ending I wanted the story to be...

Written MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon