Ikalawang Bahagi

292 81 164
                                    

"Ano... A-ah... G-gusto... Gusto kita, S-Seira."

Pagkatapos mong sabihin 'yon ay natahimik tayong dalawa.

Wala na. Wala na talaga. Feeling ko magco-collapse na ako ng time na 'yon. Buti nalang at hindi nangyari. Feeling ko kasi sumabog na ang puso na nakakulong sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito.

Hindi ako nakapagsalita. Gusto kong magsalita pero 'pag ibubuka ko na ang bibig ko ay walang lalabas na salita mula rito. Nangilid rin ang tubig sa mga mata ko. Hindi kasi ako sanay na may magtatapat sa 'kin nang ganito. Kadalasan kasi ang nagtatapat sa 'kin ay idinadaan sa love letter o text message.

Akala ko'y isang tutor lang ang turing mo sa'kin na lalapitan mo sa t'wing may kailangan ka.

Simula ng araw na 'yon, naging close tayo sa isa't-isa. Lagi kitang ginagawan ng assignment at pinagtatakpan kapag nahuhuli ka ng teacher natin sa Math na nangongopya. Naging open ka sa 'kin at naging open rin ako. Palagi tayong nagkukuwentuhan, nag-aasaran, at nagtatakipan.

Mas naging close tayo nang sabihin ng teacher natin sa Economics na bagay tayo. Malaking bagay yun sa mga classmates natin kaya inasar ulit nila tayo. Ini-ship nila ulit tayong couple kahit wala namang tayo.

Naalala mo pa ba na sa sobrang close natin, muntik ka ng magpasama sa 'kin sa cr? Nakalimutan mong babae ako. Gusto mo ring isama ako as a member sa basketball team niyo. Eh hindi ko naman hilig ang basketball.

Lagi tayong sabay umuwi. Inihahatid mo ako. Inililibre mo ako lagi ng street foods. Sa break time naman, tayong dalawa lang ang gusto mong nasa table. Yung tipong kunwari nagde-date, ganun. Gustong-gusto mo no'n eh. Minsan pa nga eh napagkakamalan tayong mag-on, diba? Tapos ang katwiran mo,

"Hindi ko po siya girlfriend. Asawa ko siya."

Minsan naman 'pag nanonood tayong sine, mas sweet pa tayo doon sa mga couple. Minsan tuloy napaisip ako. Ano ba talaga tayo?

Araw ng recognition day, sobrang saya mo noon diba? Nakapasok ka kasi sa top students. At dahil yun sa 'kin! Lahat kasi ng assignments mo sa akin mo inaasa!

Araw rin no'n ng recognition day, tinanong kita.

"Jeric, wala kaba talagang balak mag-girlfriend?" Naagaw ng tanong ko ang atens'yon mo.

"Girlfriend? Syempre, meron. Ayaw ko namang tumandang binata 'no!" 'Yan ang sagot mo.

"Eh bakit wala ka pang nililigawan?" Tanong ko pa.

"Eh ayaw niya naman ata magpaligaw eh. Bakit? Gusto mo bang ligawan ko siya?" Tumango ako sa tanong mo.

"O, edi sige. Seira, puwede bang manligaw?" Nagulat ako sa sinabi mo. Akala ko noong una nagbibiro ka. Pero hindi. Seryoso ka sa sinabi mo.

Sa tanong mong 'yon, syempre pumayag ako. Eh gusto rin naman kita, eh. Nanligaw ka sa akin nang apat na buwan. Sinusulatan mo ako, palaging tine-text at tinatawagan, niligawan mo ako sa harap ng mga magulang ko, hinarana, at araw-araw binigyan ng mga bulaklak.

Nang tayo'y tumuntong sa fourth year high school, sinagot kita. Naging tayo. Sobrang nagulantang ang mga former classmates natin. Lalo na ang mga former teachers. Kumalat agad ang balita. Mag-kaklase pa rin tayo, may mga classmates rin tayo na classmates pa rin natin noon.

Syempre, sino ba namang hindi magugulat? Dati, inaasar-asar lang nila tayo. Akala pa nga nila na-friendzoned kita. Tapos, tayo na? Can you imagine, na ang dating sini-ship na couple sa classroom, nagkatuluyan?

Sobrang natuwa ang mga classmates natin. Maging ang mga teachers natin noon.

"Naku, magbi-break din kayo. Walang nagtatagal sa young love." 'Yan ang sabi ng iba. Bitter, diba?

Pero ito ang sabi ng isang teacher na pinakatumatak sa utak ko.

"Wag muna seseryosohin ang love ha? Bata pa kayo. Baka pagdating ng panahon, baka siguro after 3-5 years, hindi rin kayo ang para sa isa't-isa." Sa una, naniwala ako do'n. Na baka nga katulad lang ng lovestory ng iba. Na after 3-5 years, wala rin. Naghiwalay rin. Kasi nga, bata pa.

But who would've thought? Na magtatagal tayo nang isang dekada? Yes, 10 years tayo nagtagal. Akalain mo yun? 16 years old pa lang ako nang naging tayo. But look at us. We were already 26 years old. Fashion designer na ako, samantalang engineer ka naman.

Sa loob ng 10 years na 'yon, minahal natin nang sobra ang isa't-isa. Hindi tayo naghiwalay kahit isang beses. Siguro cool off lang.

Kahit anong dumating sa 'ting pagsubok, or misunderstandings, agad natin iyong nalalagpasan. Matibay tayo eh. Malakas tayo. Ilang beses tayo sinubukan ng tadhana pero wala, hindi niya tayo kayang gibain at tibagin.

Dumaan man ang bagyo, o kahit anong trahedya, nanatili pa rin tayong malakas. Sa loob ng sampung taon nating pagsasama, hindi maiwasang may maging antagonista o maging karibal ko sa'yo o karibal mo sa akin. Pero kahit ganoon, eto pa rin tayo. Matibay ang kongkreto. Siguro dahil sobrang laki ng tiwala natin sa isa't-isa. Sobrang laki ng pagmamahal ko sa'yo, ganun din sa 'kin.

Hindi kasi ikaw yung tipo ng boyfriend na nakakasakal. Hindi ka seloso at sobrang understanding mo.

Napaka-perfect ng relasyon natin 'no? For 1 decade, we've been together. Napaka-perfect na rin ng buhay ko. Plano rito, plano roon. Wala na akong mahihiling pa. Kuntento na ako sa buhay ko.

Pero...hindi pa rin maalis sa isipan ko no'ng mga panahong yun kung hanggang kailan kaya tayo?

Paano kung isang araw paggising mo ay hindi mo na ako mahal? O kaya ay may mahal ka ng iba?

Hindi malabong mangyari yun dahil isang dekada na tayo. Alam ko naman sa sarili kong hindi tayo nagkakasawaan. In fact, parang mag-asawa na ang turingan natin.

Kahit comfortable na ako sa relationship natin dahil sa walang hanggan mong reassurance na binibigay sa 'kin, hindi pa ring maalis sa isip ko ang mga tanong na hanggang saan? Hanggang kailan?

Hanggang saan tayo dadalhin ng isang dekada nating relasyon at hanggang kailan mo ako kayang mahalin?

Isang Dekada (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon