Ikatlong Bahagi

228 72 142
                                    

Nawala ang pangangamba ko sa relationship natin nang mag-propose ka. Sign iyon na tayo na talaga ang itinadhana ng Diyos para sa isa't-isa habang buhay.

Wala na talaga. Wala na akong maihihiling pa kay Lord. You filled the blank and spaces in my heart. You completed my incomplete life. You were my life. My soul was already into you.

Naging engaged tayo. Fiance ko na ang lalaking pinakamamahal ko. Nag-book na rin tayo ng kasal natin sa St.Fatima Church. February 14, 2012. 'Yan ang magiging date ng kasal natin.

Pero ika-15 ng January, kung anu-anong company ang nag-offer sa akin. Isa kasi ako sa mga sikat na designers ng time na 'yon sa Pilipinas.

Tatanggihan ko na sana pero sabi mo, "Tanggapin mo na. Ang laki ng offer sa'yo oh. It's your opportunity, sweetheart. 'Wag mo ng pakawalan."

"Pero paano ka, sweetheart?" Tanong ko. Kailangan ko kasing pumuntang New York kapag tinanggap ko yung offer.

"Okay lang ako, sweetheart. Dati nga eh sa Canada ka pa, diba?"

"Eh ilang buwan lang naman ako do'n eh. Eh ngayon 4 years ako do'n. Paano yung kasal natin?" Tanong ko.

"Edi sa New York tayo magpapakasal," sabi mo tapos niyakap mo ako mula sa likod.

"Huh? Eh paano yung sa St.Fatima? Ipapa-cancel mo?" Tanong ko pa.

"Oo."

Napangiti ako. Maaari nga namang sa New York nalang tayo ikasal.

"Bakit kasi hindi ka nalang sumama sakin sweetheart eh..." Pagrereklamo ko.

"Sorry sweetheart," tapos kiniss mo ako sa cheeks.

"Alam mo namang sobrang galing kong engineer diba? Ang daming ino-offer sa 'king buildings, condominiums and hotels. Sobrang galing kasi ng magiging asawa mo," pagmamayabang mo pa no'n.

"Tss. Ang yabang mo!" Sabi ko.

"Mahal mo naman," sabi mo tapos kiniss mo ulit ako sa cheeks. Yeah, mayabang ka nga pero mahal kita. Mahal na mahal.

Isang taon ang lumipas na nasa New York ako. Kahit malayo tayo sa isa't-isa, hindi ka pumalya sa pag-contact sa 'kin. Palagi mo akong pinadadalhan ng email at palagi rin tayong nagi-skype. Palaging laman ng mensahe mo ang mga kuwento mo sa kung ano ang nangyari sa 'yo sa loob ng isang linggo. Kinukuwento mo rin ang mga babaeng nagkakagusto sa 'yo na pilit mong iniiwasan dahil sabi mo, may asawa kana. Kahit malayo ako sa 'yo, palagi mo pa rin pinapaalala sa akin kung gaano mo ako kamahal. Kaya wala akong dapat ipangamba.

Na-delay nang nadelay ang kasal natin na dapat ay noong 2012 pa. 2013 na pero hindi pa rin tayo naikakasal. Hanggang sa sinabi mo na pag-uwi ko nalang sa Pilipinas, tsaka tayo magpapakasal. Hindi ko rin alam ang dahilan mo no'n.

September 26, 2013, nang mawalan tayo ng communication sa isa't-isa. Hindi na tayo nakakapag-usap. Nahinto ang pagmemessage at pagtawag mo sa 'kin. 'Di kita ma-reach 'pag kino-contact kita. Ginawa ko ang lahat para bumalik ang communication natin. I've never stopped sending you messages. Pero ni isa wala kang naging reply. Hindi kita matawagan at deactivated din ang Facebook account mo. Hindi ko na alam ang nangyari sa'yo ng mga panahong 'yon. Nakaka-paranoid kasi wala man lang pasabi. Wala rin akong makitang dahilan.

At dahil busy ako sa trabaho at sa kung anu-anong offer at designs na ginagawa ko, nawalan na rin ako ng oras para kontakin ka pa. Basta ang alam ko, tayo pa. Tayo pa rin. Matatag pa rin tayo. Kahit wala na akong balita sa'yo, kaya pa ring magdugtong ng mga puso natin kahit ilang milya pa ang distansya natin sa isa't-isa. Naniniwala kasi ako na kahit hindi na tayo nakakapag-usap, hindi mawawala yung tayo. Hindi naman 'yan nasusukat kung gaano kayo kadalas mag-usap diba? Alam ko naman na kailanman hindi mo ako lolokohin. Hindi mo ako ipagpapalit. Hindi ka titingin sa iba. Sa loob ng sampung taon na kasama kita, alam kong ako lang ang minahal mo at naging laman ng puso mo. Buo ang tiwala ko sa 'yo. Mahal ko eh.

Naniniwala rin ako na kahit gaano pa tayo katagal hindi magkita, hindi lalayo ang loob natin sa isa't-isa. Ako lang. Alam ko 'yan. Walang-wala ang tagal ng hindi natin pagkikita sa tagal nating magkasama.

Lumipas ang pasko ng 2013 na hindi man lang kita na-contact o nakausap. Nagdaan ang bagong taon.

Hindi ko namamalayan, apat na taon na ang nakakalipas simula nang huli tayong nagkita. Nang huli tayong nagkausap. 2015 na pero wala pa rin. Wala pa rin akong balita sa'yo.

Palagi kung itinatanong sa sarili ko kung asan kana kaya? Kumusta kana? Ipinagpalit mo na kaya ako?

Pero syempre, alam ko namang hindi mo magagawa 'yon.

One time, na-contact ko ang mommy mo. Nabalitaan ko na nasa Europe ka pala. May in-offer din daw sa'yo. Noong panahong 'yon, 3 years ka ng nag-istay doon. Tuwang-tuwa ako no'n dahil kahit papaano, may nasagap akong balita tungkol sa 'yo.

Bago dumating ang araw na uuwi ako sa Pilipinas, na-contact kita gamit ang cellphone number na binigay ng mommy mo. Finally.

[Hello?]

Halos mapaiyak ako nang marinig ko ang boses mo sa kabilang linya. Halos mapalundag ako sa tuwa no'n. Sobrang na-miss ko ang boses mo. Sobrang na-miss kita, Jeric.

"Jeric," sabi ko.

[Yes, Jerico Arcilla speaking. Who's this?]

Nadurog naman ang puso ko sa narinig ko.

Tandang-tanda ko ang unang beses na nasaktan ako dahil sa 'yo. Iyon ang unang beses na nasaktan mo ako nang sobra.

Alam mo yung pakiramdam na excited akong makausap ka? Pero hindi mo ako nakilala.

Isang Dekada (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon