Huling Bahagi

301 71 165
                                    

Nahihirapan akong tanggapin ang nangyari. Gusto kong isiping binangungot lang ako at balang araw ay magigising ako mula sa panaginip ko. Sobrang hirap pakawalan ng taong gusto mong manatili sa buhay mo. Tama nga sila, may mga taong mananatili sa puso mo, pero hindi sa buhay mo.

Matapos ang araw na 'yon, nagpunta ako sa St.Fatima Church. Halos manghina ang tuhod ko nang makita ang maraming tao.

Nando'n sila lahat. Mga former teachers, former classmates, colleagues, mga ninong at ninang. Hindi nga pala nila alam na kanselado na ang kasal. Nilapitan ko sila. Bihis na bihis silang lahat.

"O, Seira! Bakit hindi ka pa nakabihis?! Akala ko ba'y ngayon na ang kasal?!" Gulat na tanong ng mom mo.

"Sorry po. Inaksaya ko ang oras n'yo. Wala na pong mangyayaring kasal. Hindi na po kailanman matutuloy. Wala na kami. Hiwalay na kami," sabi ko sa kanila. Lahat sila gulat na gulat at hindi inasahan ang sinabi ko. Sino ba namang hindi magugulat? Isang dekada tayong nagsama at ikakasal na sana ngayon, tapos naghiwalay lang? Ano nga bang nangyari?

Pagkatapos ng araw na 'yon, agad-agad akong pumuntang New York. I really want to move on. But I don't know where to start.

Hindi ko akalain na hahantong tayo sa gan'to. Akala ko pang-habangbuhay na tayo. I thought one day we will bind as one. I thought I'll be walking in the aisle and you'll in tux. I thought we will have a ceremony in front of the altar. I thought I'll say these lines one day: "I, Seira Madrigal, take you, Jerico Arcilla, as my wedded husband. I promise I'll be true to you for better or for worse, in sickness and in health, till death do us part. I love you and honor you for the days of my life".

I thought you'll carry me after the wedding ceremony. I thought we'll have our honeymoon in Paris. I thought we'll have a one dozen of child. I thought we'll have a family.

But I was wrong.

I've never thought we'll end up like this. I've never thought that your last words to me will be 'I loved you'.

I've never thought you'll let go of me.

Tatlong taon ang lumipas na hindi kita nakikita. Sinubukan kong mag move-on. Well yes, happily, medyo limot na kita. Pero hindi pa rin sapat yung tatlong taon para kalimutan ka. Dahil nga sa isang dekada akong nasanay sa 'yo. Sa piling mo. Hindi naman talaga madaling kalimutan o bitawan ang mga bagay na nakasanayan mo na. Hindi ako sanay na wala ka, hindi ako sanay na walang Jerico Arcilla sa buhay ko.

Nang umuwi ako sa Pilipinas, akala ko tuluyan na akong walang matatanggap na balita mula sa 'yo. Ngunit nabalitaan ko na maayos kana. Naka-move on kana. Actually nga may fiance kana ngayon. Hindi ko akalain na engaged kana.

One day, nakita kita sa isang restaurant. Kasama mo yung bago mong mahal. Dito mo rin ako madalas idala noon.

Nakita ko kayo, ang saya-saya niyo, sobra. Noon ko lang muli nasilayan yung ngiti mong tunay. Ngiting inlove.

Nagkukulitan kayo, naglalambingan, halatang sobrang inlove kayo sa isa't-isa. Naka-move on ka na nga talaga.

Nakatingin lang ako sa'yo sa malayo.

Gusto kitang lapitan. Gusto kitang kausapin. Gusto kong marinig muli ang boses mo. Gusto kong tawagin mo ulit ako ng sweetheart. Pero alam kong imposible. Gusto kong kumustahin ka pero 'di ko magawa.

Parang kailan lang, tayo ang nasa table na 'yan. Parang kailan lang, tayo ang naglalambingan. Tayo ang nagkukulitan. Tayo ang nag-aasaran.

Ang sakit.

Akala ko, naka-move on na ako nang tuluyan. Hindi pala. Lumipas ang tatlong taon pero sariwa pa rin lahat ng alaala. Bumabalik lang lahat ng sakit. Lahat ng paninikip.

Ang unfair mo naman. Naka-move on kana samantalang ako, eto. Nakatingin sa 'yo sa malayo. Sa loob ng tatlong taon, walang taong binuo ang durog kong puso. Walang tao na pinunan ang patlang sa buhay ko. Walang taong dumating. Samantalang ikaw, ikakasal na? Hindi ba't ang unfair ng buhay?

Akalain mo na sa isang simpleng paglayo ng ating mga landas, doon tayo tuluyang magkakahiwalay? Akala ko pa naman kakayanin natin kahit anong pagsubok, kahit gaano kalayo ang distansya. Akala ko hindi tayo kayang paghiwalayin ng tadhana kahit anong mangyari. Akala ko sumuko na siya sa 'tin. Pero hindi pala. Pilit niya pa rin tayong pinaghiwalay. At bumitaw ka naman.

Ang ramot ng tadhana.

Bakit niya hinayaang umabot tayo sa gano'n?

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa. Na para ka talaga sa babaeng 'yon.

Kung iba siguro ang nasa posisyon ko ngayon, ay binawian na sila ng buhay. Baka nagpakamatay na sila.

Oo, syempre. Hindi maiiwasang isipin 'yon. Lalo na kung yung buong pagkatao't buhay mo, binigay mo sa kaniya.

Pero mas maganda rin pala kapag hindi mo binigay ang lahat sa kanya. Hindi mo idinepende lahat ang buhay mo sa kaniya. Para kapag iniwan ka n'ya, may matitira pa sa'yo. Na mabubuhay kapa rin dahil sa sarili mo. At hindi lang dahil sa ibang tao.

I don't wanna waste my life for the sake of others. Yes, I can't move on. I don't know how to move on. But I still have the reason to live. I still have a value.

Minsan nga eh napadalaw ako sa St.Fatima Church. Nagulat ako dahil may ceremony. May ikakasal.

Nakita kitang naka-tuxedo. Tapos kasama mo ako sa altar. Naka-wedding gown. Nag-iimagine na naman ako.

Pero... Hindi ako nag-iimagine.

Totoong nando'n ka sa altar. Totoong ikinakasal ka. Pero hindi sa 'kin. Hindi ako yung babaeng 'yon.

Kundi... siya.

Ikinakasal kana sa iba. Doon pa sa simbahan kung saan tayo dapat ikakasal.

For the nth time, tumulo ang luha sa mata ko. Ang sakit, ah.

At the same time, masaya.

Masaya na kasi akong nakikita kang masaya sa iba. Makita lang kitang masaya, masaya na ako. Makita lang kitang nakangiti, solve na ako. Totoo pala yung sinasabi nila na kapag nagmahal ka nang sobra, magiging martyr ka. Na kaya mong maging masaya dahil masaya yung taong mahal mo.

Now, at the age of 34, kahit tumanda akong dalaga, okay lang. Basta makita kitang naikasal sa iba. Basta nakita kitang nagmahal muli. Basta makita kong wala ng bakas ng sakit sa mukha mo.

Ganto ata talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Kaya ka n'yang gawing martyr.

Hindi pala talaga masusukat kung kayo talaga hanggang dulo sa tagal ng pagsasama niyo. Kahit gaano pa kayo katagal, katatag, o kahit planado na ang lahat, kasal na lang ang hinihintay, kapag dumating ang punto na nawala yung pagmamahal, hindi mo puwedeng ipagpilitan na mag-last kayo forever. Kasi sa isang relasyon, dapat pareho kayong kumakapit. Dapat pareho kayong nagmamahal. Hindi mo puwedeng pilitin na ikaw ang piliin niya hanggang dulo. Hindi mo mapipilit ang isang tao na mag-stay sa 'yo. You have to accept the fact that even the strongest one can be broken. Hindi ka puwedeng mag-stay sa isang relasyong toxic na dahil lang sa rasong matagal na kayong dalawa. It's unhealthy.

Hindi rin puwedeng ikulong mo ang taong hindi na ikaw ang minamahal. Learn the act of letting go. Because sometimes, letting go means love. Palayain ang tao dahil doon siya masaya, at dahil mahal mo siya.

Napakamapaglaro ng tadhana. Paaasahin ka n'ya. Pasasayahin ka n'ya sa maikling panahon. Kasi yung kaligayahan na 'yon hindi pang-matagalan. Pero kailangan kong tanggapin na gan'to ang kapalaran ko. At gan'yan ang kapalaran mo.

Nakatakda talaga sigurong maging tayo nang isang dekada, pero hindi tayo ang para sa isa't-isa.

Hanggang dito na lang...

See you when I see you, Jerico Arcilla. I love you, forever.

-SEIRA MADRIGAL, 2020

Isang Dekada (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon