Chapter 28

26 1 0
                                    

Comfortable

Sa sumunod na mga araw ay nilaan ko na lang ang buong oras ko kasama sila Mommy. We spent our time catching up and making up for the past year that we lost for they were not here beside us.

Ngayon na mas mahaba-haba ang stay nila rito ay talagang sinusulit namin ang bawat oras. Noong isang araw ay pumunta kami kanila Abuelo. Kinausap ako ni Mommy nang masinsinan when she learned I have a misunderstanding with the family, and so I decided to go there to apologize for my rude behavior.

But I didn't apologize for what they did to Lean. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kinahinatnan niya. Masasabi kong sa lahat ng aking mga pinsan ay siya ang pinakamalapit sa akin. At kung mangyari man iyon sa iba kong pinsan, I'd do the same.

Up until now ay hindi pa rin ako makapaniwala na engaged na siya sa kaibigan ko. At hindi ko lubos maisip kung paanong nakakaya niyang ngumiti sa harap namin na tila ayos lang sa kanya ang nangyari.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang gabing aksidente kong nakita si Leo. Hindi na ako nagtangkang pumunta pang muli sa lugar na iyon. I don't think I can still carry on if ever our path cross again.

Leaving him like the last time in his vulnerable state was so hard. Tila may mabigat na bagay na nakadagan sa puso ko.

I was busy browsing through the magazine when the door bell rang. It's Saturday morning and my parents were out to go somewhere. Dave went back to Manila to take care of some things (in which I know it's just his girlfriend) so basically, mag-isa lang ako rito. Jerem's with my parents. Himala nga at nahiwalay sa akin iyon.

Dahil wala naman akong ginagawa ay ako na ang lumabas upang tignan kung sino iyon. Lisa was half running all the way from the kitchen but I signed her na ako na ang lalabas.

Standing outside is none other than the famous and proud Xamiera Javier with her infamous smirk plastered on her bruised lips.

I went to open the gate. Isang hithit pa mula sa sigarilyong hindi ko pansin na hawak niya pala bago niya iyon binitawan at inapakan.

She blew the frigging smoke right in my face. Napaubo ako dahil doon. Iwinagayway ko ang aking kamay sa hangin, tinataboy ang usok. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya lang.

"If you're trying to kill yourself by smoking, wag mo kong idamay. I don't wanna die from secondhand smoke, you bitch." I said annoyed.

I don't really like people who smoke. I grew up in an environment wherein my family doesn't smoke. Or if ever they have that kind of vice, I never saw them.

Smoking is one of the easiest way to death.

"What brought you here?" tanong ko habang naglalakad kami papasok. Nasa likod ko lamang siya at nakasunod sa akin.

"You sound like you don't want me here."

"I was just asking, okay?" I turned to her. "Ilang linggo kang walang paramdam. No text. No calls. I can't even reach your phone. Di ko alam kung saang lupalop ka ng mundo napadpad." I said, a bit guilty.

It was true. Bigla na lang siyang nawala at wala akong ideya kung saan siya pumunta. I was too drowned with my own problem that I forgot to dig deeper about her whereabouts and that's what makes me feel guilty. Tapos bigla na lang siyang magpapakita sa akin as if walang nangyari.

At mayroon na naman siyang sugat sa gilid ng kaniyang labi! Oh well, ba't pa ako magugulat. Natural na iyan sa kanya.

"Wow naman, jowa kita girl?" She teased.

Napairap ako. "I'm your friend, just to remind you."

"Alam mo, pa-yummy ka. Parang dati lang ayaw mo pa kami maging friends tapos ngayon..." nang-aasar na ngumiti siya sa akin. "Didn't know you're clingy. Pa-kiss nga ako, isa lang. Torrid."

Chained MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon