"Hay nako! Eto na naman 'tong mga badjao na 'to."Bulong ng babae na katabi ko dito sa jeep.
Meron lang kasing isang tao na gusgusin na may suot na jacket na nakahood ang sumakay at nag simulang mag bigay ng mga sobre.
Nang magbibigay na sya ng sobre dito sa katabi ko,
"Ano ba!"
Sumigaw ito at tinabig ang sobreng nakaabot sakanya.Parang nag init naman ang ulo ko at gusto na lang manadyak ng katabi at patalsikin sya dito sa jeep.
Nag patuloy sya at inabutan din naman ako ng sobre at hindi pinansin ang pambabastos ng babaeng katabi ko sakanya kanina.
Napatingin ako sa mga tao sa jeep at nalulungkot ako sa mga nakita ko. May ibang mga nakatakip pa ng panyo sa ilong at pinapakitang bahong-baho at diring-dire sila sa lalaki. May ibang naka-iwas ng tingin at walang balak lagyan ang sobre.
Bakit ganiyan sila?
Mas may mga pinag aralan tayo kay sa sakanila pero kung umasta tayo parang sinayang lang natin ang mga pinag aralan natin.
Diba nga kung may kakayahanan naman tayong makatulong wag natin 'tong ipagdadamot?
Hindi porket mas nakakataas tayo ay magmamataas na tayo. Dapat nga tinutulungan natin ang lahat ng mga nasa ibaba na maitaas din natin sila sa lahat ng ating makakaya.
Pero hindi.
Nakakalungkot lang..
Nilagay ko lahat sa sobre ang laman ng pitaka ko.
Mas nangangailangan yung tao. May allowance pa naman ako sa bahay.
Lumipas ang mga araw at lagi kong nakikita yung lalaki. Lagi ko syang nasasaktuhan na nasa jeep na sinasakyan ko at nag aabot ng mga sobre.
Hindi ako naiinis, infact ay natutuwa pa 'ko. Pero ang wallet ko hindi.
Gustuhin ko man makatulong at mag bigay ng mag bigay sa tuwing sasakay ito at mag-aabot, nangangailangan din ako.
May times na five pesos na lang ang naibibigay ko. For the sake na may maibigay lang ako dahil nakikita kong walang nag bibigay sakanya.
May ibang iilan.
Pero minsan lang.
Sige kahit ako na lang ng ako. Kahit mag lakad na lang ako.
Kasi 'yang taong 'yan? Wala naman yang hanap buhay eh. Hindi naman yan nakapag-aral. Ano bang natapos nyan? Alam naman natin na sa society na ito napakadaming mapanghusga. Pano sya tatanggapin kahit tagahugas lang ng pinggan sa isang karinderya?
Araw-araw yan nagugutom at tanging pagbibigay lang ng sobre sa jeep ang alam nyang kaya nya lang gawin. Worst, isipin pa natin na may iba pa syang pinapakain at hindi lang ang sarili nya?
Iniisip ko pa nga na kung kaya ko lang syang pakainin sa Mcdo ginawa ko na.. Kaso wala pa kong masyado pera. Pag talaga ako nagkapera pakakainin ko 'yan sa Mcdo, para naman matikman n'ya ang tunay na sarap.
Maswerte naman ako na pag-uwi ko sa bahay ay malaki ang sinuweldo ng mga magulang ko kahapon. Kaya natutuwa ako ngayon dahil malaki ang maibibigay ko sa lalaki.
Abang na abang lang ako at sa inaasahan ko nga ay sumakay ulit ang gusgusing lalaki na nakasuot ng hood at nakatungong nag bigay ulit ng sobre.
Pero sa pagkakataong 'to, saakin na lang sya nag bigay. Nag taka ako at napatingin sakanya pero nakatungo kasi ito lagi kaya hindi ko makita ang muka nya.
Siguro napapansin nya na ako lang naman lagi ang nagbibigay sakanya.
Lalagyan ko na sana ng pera ang sobre nang may nakita akong mga nakasulat.
Parang nanaba ang puso ko. Isipin mo na lang, yung taong tinutulungan mo nag bigay ng effort sayo na sulatan ka.
Naluluhang binasa ko ang nakasulat.
“Pwede ka bang i-date?”
Parang hinigop ang luha ko at nag balikan ito sa loob ng mga mata ko.
Gulat na tiningnan ko yung lalaki, at saktong kabababa pa lang nya ng jeep. Dinungaw ko sya sa bintana at kita ko ang pag alis nya ng kaniyang hood sa ulo at tumambad saakin ang isang lalaking presko ang pagmumuka at ngumiti pa saakin.
Sira ulo ba sya!?
Halos gusto kong sumigaw sa gulat at pagtataka. All this time!? Bakit ganitong setup pa talaga ang naiisip nya!? Lahat ng pera kong punyeta sya!
Pag nakita ko pa 'yon, tatadyakan ko talaga sya palabas ng Jeep. Ang dami-dami na ngang nagugutom! Napaka harot!
Gusto ko syang sampalin ng sobre!!!

YOU ARE READING
Cuentos Cortos
Short StoryCompilation of my short stories. Read 'em if you are bored. God bless!