Simula bata pa lang ako, kasama ko nang lumaki si Louie. Kasangga ko sya sa lahat ng bagay. Partner in crime pa nga kami sa katuligan. Para kaming kambal na hindi mapaghiwalay.
Minsan.. Napagkakamalan din kaming mag nobyo. Na sana.. Hiniling ko na ganun nga.
Masaya ako sa mga ginagawa ko kasama sya.
Pero kung may gusto akong gawin kasama sya, meron din namang pinaka-ayaw ko..
At yun ay ang tulungan ko syang magkajowa. Oh maging tulay sa crush nya para maging mag close sila. Ako ang nagbibigay ng mga love letter sa natitipuhan nyang babae, gustong-gusto ko namang punitin. Ayaw na ayaw ko ang ginagawa ko, pero wala akong choice. Bestfriend nya lang naman ako.
Pano ba kami nagkakilala ni Louie? Simple lang naman. Bagong lipat kami non at nakatunganga lang ako sa mga batang nag lalaro nang habol-habulan o kung ano man ang tawag nila don. Nagulat ako ng niyaya nila ko. Nung una gusto kong tumanggi, pero sinabi ng papa ko na makipag laro ako sakanila.
Kaya ayun. Sinabi nila sakin ang mechanics at napag-alaman kong "Ice-ice, water" ang nilalaro namin.
Kung saan merong isang taya na mag sasabi ng "Ice" pag nahawakan ka at hindi ka pwedeng gumalaw. Pwera na lang kung may kakampi kang lalapit sayo at hahawakan ka saka sisigaw ng "water!" Makakagalaw ka na.
Ang saya ng laro na yon!
Kaso nung una nga lang lagi akong na i-ice.
Punyeta kasi akong laging pinupuntirya nung taya dahil mabagal ako tumakbo. Pero may isang tao na talagang tumatak sa isip ko.
Pag palagi akong naa-ice, sya namang may tumatakbong papalapit sakin na batang lalaki at iwawater ako.
Lagi akong naa-ice, pero lagi syang gagawa ng paraan para iwater ako. At ang batang lalaki na yon ay si Louie.
Hanggang sa tumagal nga. Nung natuto na ko sa larong yon, hindi na ko nagpapataya. Nakakaiwas na ako. Pero parang ang naging pinakagoal ko don, Mag survive at laging irevive si Louie. Hindi na ko natataya. Lagi lang din akong nakaabang kay Louie kung maa-ice sya. Ako naman ang tiga-water. Parang bumaligtad ano? Tuwing lalaruin namin yon, yun lang ang paulit-ulit kong ginagawa. Nakakahalata na nga yung mga kalaro namin.
At dahil nalaman nila ang taktiks ko. Sabay kaming na ice ni Louie non, punyeta. Nakahawak pa ko sa balikat non ni Louie nang bigla kaming e-ice ng bwiset na 'yon.
Inis na inis ako non pero tawa lang sila ng tawa. Pati si Louie natatawa, kaya nawala ang inis ko. Dun din nagkaroon ng time na kinausap nya ko.
"Bakit mo ko laging winawater?"
"Syempre na a-ice ka."
"Baliw. Ako lang kaya lagi mong winawater."
Namula ang muka ko non. Patay ka na Aris. Nakahawak pa ko sa braso ni Louie non. Nakakahiya!
"Anong gusto mong sabihin?"
Lakas kong mag tanong, grabe!"Wala. Ang kulit mo eh haha."
Dun natapos ang usapan.Hindi naging issue sakanya. Hindi nya nalaman na gusto ko sya. Hindi nya nahalata. Never ng lumantad sakanya. Pano ako nasigurado na never nya talagang nahalata? Si ugak akong laging inuutusan na mag bigay ng love letter sa mga crush nya.
Nung una syang nagkagirlfriend, sobrang sakit sakin.. Umiyak pa ko. Kasi punyeta ako din ang may dahilan kung bakit naging sila. Iyak ako ng iyak ng araw na sinagot si Louie nung babae. Naisip ko bakit hindi na lang ako? Akala ko kasi road to forever na sila. Nalimutan kong walang ganon. Kaya sobrang saya ko nung nag break sila.

YOU ARE READING
Cuentos Cortos
ContoCompilation of my short stories. Read 'em if you are bored. God bless!