Dove

33 1 0
                                    


Nakasakay lang ako sa Jeep. Naghihintay na umandar na ito paalis. Anong oras na rin kasi, kanina pa ito nakatigil dito para mag hintay ng mga pasahero na pupuna sa mga bakanteng upuan. Buti na lang at puno na. Paalis na sana ito nang may babaeng hingal na hingal na tumapat sa pintuan ng Jeep.

"Kuya, kasya pa!?"
Sigaw nito sa Barker.

Napatingin ako sa paligid at wala ng mauupuan.

"Kasya pa tatlo dyan neng!"
Aba, ampotek. Mga barker talaga.

Madali itong umakyat at tumingin sa paligid.

"Gago kasya pa raw, ampots."
Banggit nya sa sarili nya pero narinig ko iyon dahil nakatapat na ang muka nito sakin.

Nagulat ako nang sa harapan ko pa talaga sya sumiksik na maupo.

Kinse pesos rin binayad ko! May karapatan ako na medyo bumukaka pero hayop talaga.

Ang sikip na!

Dahil hindi na ako makagalaw masyado at feeling masusuffocate, binuksan ko ang bintana ng Jeep para manlang may hangin na pumasok.

Napansin nya 'yon. Bigla nya ring mas sinagad pa yung bukas ng bintana papunta sakanya kaya nung umandar yung Jeep ay ang lakas-lakas ng hangin. Potek!

Ang mas nakakainis pa, sumabog sa pagmumuka ko yung basa-basa pa nyang buhok na halatang dove ang ginamit na shampoo. Hayop na 'yan talaga.

Tinatry kong hawi-hawiin yung buhok nya paalis sa muka ko.

Pero yung babae, feel na feel pa talaga yung pag tangay ng hangin sa buhok nya. Akala mo na sa commercial ng Palmolive. Damn dis shit.

"Ate--asfhj."
I'm planning to approach her, pero sisimulan ko pa lang ay nangunguya ko na ang buhok nya. Hindi pa naman ako kumain, hindi ko akalain na ito pala ang aalmusalin ko. Petengena.

Hanggang sa pumara sya. Ah, dyan ka pala nag-aaral ate ah. Isang kanto lang ang agwat sa  University na pinapasukan ko.

Pababa na sya, at sa inis ko ay hindi ko napigilang purihin sya.

"Ate, salamat! Nabusog ako sa buhok mo, kaya mo na akong buhayin!"

Halos nag tawanan lahat ng tao sa Jeep sa isinigaw ko.

Nakababa na yung babae at halata ang gulat sa mukha nya. Napangiwi rin ito.

Hindi pa nakakalayo ang jeep ng may isinigaw ito pabalik sakin.
"Walang ano man, future Eng. Indigo!"

Oh, focc. Alam nya pangalan ko. Pati ang course ko. What the hell?

~ * ~

I can still remember that day. Kung paano ko unang nakilala ang asawa ko. Swerte nya sakin, crush nya napangasawa nya hahaha! Sinabi ko pa sakanyang kaya na nya akong buhayin, pero ako talaga ang bumubuhay sakanya ngayon. Lols. Isa na rin akong ganap na engineer habang sya naman ay isang nurse.

Pumasok ako sa pinto at sumalubong sakin si Denim na nakasimangot habang may dalang tuwalya.

"Eto na nga eh."
Inabot ko sakanya yung Dove na binili ko sa tindahan.

Agad nya sakin 'tong kinuha at nag lakad papunta sa may CR.

"Sama ako."

"Gusto mong sampalin kita ng Dove?"
Huling sabi nito at sinarado ang pinto ng CR.

I don't believe in the tagline na, It's not love, it's Dove. Binago ko ito at masasabi kong, "When there is Dove, there's love." Oo putrages sige, magpakain na rin kayo ng buhok pagsasakay kayo ng Jeep. Pero siguraduhin nyong Dove ang shampoo nyo para mabango, masarap talaga kainin. Para magkajowa na rin kayo! HAHAHA.





Cuentos CortosWhere stories live. Discover now