Nakatulala ako sa board nang may biglang sumipot na muka sa harapan ko at agad akong mabilisan na hinalikan."Arzen!"
Gulat na sigaw ko at hinampas sya sa braso nya. Tatawa-tawa naman ito.Nakakahiya lang dahil ang kapal ng muka nyang manghalik sakin, sa room pa talaga namin. Pinapayagan na nga syang pumasok-pasok dito eh.
"Sorry babe, uhm.. Dun sa nakita mo?"
"Na kasama mong babae sa canteen? No it's ok. Alam ko naman na wala lang 'yon."
Pagpapatuloy ko sa sasabihin nya. Wala lang 'yon? Yes. Magsinungaling ka pa.Ngumiti sya sakin.
"Sabay tayo mamaya."
Tumango na lamang ako sakanya at lumabas na sya ng room namin.Sinundan ko lang sya ng tingin. He is slowly slipping away from my grasp. I can feel it. Ramdam ko na gusto nya si Jalenne. Yung babae sa canteen? Hindi lang kasi yun basta babae 'lang' that girl is Jalenne Garcia. 'Yong sikat na ideal girl ng lahat ng mga lalaki. Hindi ako tanga para hindi makaramdam.
I have a boyfriend. But my boyfriend's love is slowly fading.
"Ayan! Kaya mahirap pag ang jowa ay gwapo at sikat eh!"
Panunumbat sakin ng kaibigan ko na katatabi pa lang sakin. Pati si Britt, nahahalata nang may mali.Pero anong magagawa ko?
Weeks had passed, minsan na lang mag paramdam sakin si Arzen. Palimit na din ng palimit ang pagkikita namin. Natitiis ko na hindi sya imessage. Kasi kahit yung last message ko sakanya hanggang ngayon hindi nya pa rin narereplyan.
Natitiis ko na hindi sya nakikita. Natitiis ko yung mga sinasabi ng iba sa kaganapan kay Arzen na may bago na raw sya at kung ano-ano pa.
Pero ano ba ulit ang magagawa ko?
"Luz, huy nakikinig ka ba?"
Naglalakad na kami pauwi ng mga kaibigan ko. Kanina pa ata sila nagsasalita pero wala naman akong maintindihan. Nakakapanlutang kasi."Ano ba yon?"
Tanong ko saka tumawa.Inirapan ako ni Britt at binatukan naman ako ni Shan.
"Topic namin kayo ni Arzen! Susko ano ng balita sa jowa mong 'yon?! Bat parang okay ka lang dyan! Martyr tayo?"
Sigaw ni Britt sakin."Okay lang."
Sabi ko at tipid na ngumiti. Yun lang yung mga kaya kong sabihin. At yun lang naman ang dapat kong laging maramdaman."Tangek ka talaga. Pano mo natitiis boyfriend mong 'yon? Boyfriend mo pa ba yon?"
Galit na sabi naman ni Shan.Hindi na lamang ako nag salita at hinayaan sila ng hinayaan na sermonan ako hanggang sa may nakita kami na hindi namin inaasahan.
"Shet! Si Arzen at Jalenne ba yan?!"
Gulat na tanong ni Britt.Kita namin ang dalawa na nag-uusap at todo ang pang-aalo ni Arzen sa umiiyak na si Jalenne.
"Langyaa."
Mapang-insulto na turan ni Shan."Tara na guys. Please."
Sabi ko. Ayokong makita pa ko ni Arzen. Pero ang mga kaibigan ko. Sila na talaga yung naiinis para sakin.Ano ba ang dapat kong maramdaman? Selos? Galit? Yes I feel those. Pero alam nyo rin siguro na pag ang tao nag mahal nagiging tanga. I so love Arzen to the point na ito yung mas nangingibabaw. Mas gusto ko syang intindihin kahit alam kong mali nang intindihin sya.
Napa-iwas ako ng tingin nang mapadako ang mga paningin ni Arzen samin. Gulat ang rumehistro sa muka nya. Kita kong may sinabi sya kay Jalenne bago tumayo at naglakad papalapit samin.
"Hey.."
Bati nito sakin pag lapit. Kita ko ang pag-irap ng mga kaibigan ko sakanya."Uy."
Mahinang tugon ko naman."Kasi ganito, Luz, Jalenne has a big problem. And I'm the only one who's here to comfort her. I'm sorry."
Paliwanag nya. Natawa ako sa isip-isip ko."Talaga? Okay lang uy haha. Kawawa naman pala si Jalenne. Naiintindihan ko, Arzen. Sige na. Uuna na din kasi kami nila Britt eh."
Alinlangang ngumiti si Arzen.
"Namiss pala kita."
Sabi ko dito. Ginulo na lamang nya ang buhok ko at lumapit na ulit kay Jalenne."Sos! Ponyeta. Boyfriend mo ba yan oh boyfriend ni Jalenne!?"
"Pano mo natitiis boyfriend mo? Harap-harapan ng may mali, Luz oh!"
"Nandito ang girlfriend at nasasaktan, pero ibang babae ang kinocomfort. Mali 'yon boi!"
"Takte!"
Lahat ng sinabi ng mga kaibigan ko totoo...
Kaya eto na 'ko ngayon. Na sa harapan ni Arzen. Weeks na lang ang kinailangan para pala makipag hiwalay sya at aminin saking si Jalenne na. Hindi na ako.
"But still, thanks for everything, Luz. You deserve better."
Pag m-monologue nito sa isang bulok na linya."Stay strong sainyo."
Sabi ko at ngumiti.Napahilamos naman sya sa muka nya at napamura.
"Shit lang. Luz, ganiyan ka ba talaga? Hanggang ngayon pinapakita mong di ka apektado? Natitiis mo lahat ng kagaguhan ko?"Gusto kong matawa sa pagkainis nya. Ewan. Baliw na ata ako? Pero dun nag simulang pumatak ang mga luha sa mata ko. Siguro ngayon ko na kailangang ilabas lahat ng 'to.
"Arzen."
Pag tawag ko sakanya na parang tanga.Kita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya para sakin.
"Oh?"
Pag papanggap nyang naiinis."Madami na saking nag tatanong at nagsasabi kung pano ko daw natitiis lahat. Kung pano ko natitiis na hindi ka itext. Hindi ka tawagan. Hindi ka makita.. At m-makita kang kasama ng iba."
Pumiyok ako kaya medyo napatigil ako para patahanin ang sarili. Saka ko itinuloy."Natitiis ko. Pano? Natitiis ko pero it doesn't mean hindi na ko nasasaktan. Malaki kasi yung tiwala ko sayo, pero sinayang mo 'yon."
Doon ko na sya iniwan. Hindi porket natitiis namin, hindi na masakit. Kadalasan pa nga yung mga nagtitiis ang mga mas pinaka nasasaktan.
Tiniis ko ang lahat dahil sa tiwala ko sakanya. Kasi kung mahal ka naman ng tao hindi nya hahanapin ang pagkukulang mo sa iba.

YOU ARE READING
Cuentos Cortos
Kısa HikayeCompilation of my short stories. Read 'em if you are bored. God bless!