Hindi ka lumaban

19 2 0
                                    

"Have yourself a partner, kailangan ito para sa activity n'yo."
Here we go.

Tumingin ako sa kabuuan ng room. At ayun. Ayun na naman sya sa may isang sulok at mukang nagmumukmok.

Sya yung tipo ng tao na kahit masaya ata, muka paring nagmumukmok ang muka.

It-try ko ulit.

Lumapit ako sakanya. Hindi pa nya nai-aangat ang mukha n'ya pero nag salita na ito.
"I don't want to be your partner."

Pisteng Erwin, nahulaan agad na ako yung na sa harapan n'ya.

"Problema mo? Needed 'to, napakachoosey. Aasa ka pa ba sa no choice na partner?"
Nang gigigil na saad ko.

"I rather be."

"Ako pa rin 'yung no choice mo!"
Sa huli wala syang magagawa kung hindi ako ang maging partner dahil kahit madaming mang a-alok sakin, tatanggihan ko sila. Para ako ang maging no choice n'ya.

Wala rin naman kasing gustong maging partner sya, hindi ko maisip kung bakit napaka arte nya pag dating sakin.

Ilang beses na nya ako laging tinuturn down.

Hanggang sa matapos ang klase na kami nga ang naging mag partner. Halatang sa buong oras ay hindi nya nagustuhan na ako ang kapareho nya.

Ang kapal talaga! Maganda ako, matalino, gusto ng lahat at paniguradong swerte para sa mga katulad nya na pangit.

Oo tama kayo ng nabasa. Pangit si Erwin. Hindi na nga gwapo pero saksakan pa ng suplado. Kaya rin walang lumalapit sakanya, hindi ko alam sakin at ipinagpipilitan ko ang sarili ko sakanya.

Hindi sya mabangong tao, amoy surf lang talaga ang damit nya. Hindi sya maputi. Hindi rin naman sya mapimple pero sarat ang ilong nya.

Takte. Iba talaga pag tinamaan, kahit ano pang estado oh itsura mamahalin mo basta sakanya tumibok ang puso mo.

Matalino sya, yun lang ata ang puntos nya sa ibang mga kalalakihan.

Sinusundan ko sya ngayong papalabas ng school.

"Erwin!"
Pag tawag ko sakanya.

Tumigil naman sya at nilingon ako. Putek, kahit ano talagang mangyari ang pangit nya.

"Ano na naman? Tigilan mo nga ako, Finez."
Inis na usal nito. Pangit na nga sya mas pinapapangit nya pa ang itsura nya pag naiinis.

"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Sinabi ko na sayong gusto kita 'di ba?"
Saad ko.

Ngumisi naman sya. Pag ganitong ngumingisi sya ay mga masasakit na salita lang naman ang binibitawan nya kaya kumirot na agad ang puso ko hindi pa man din sya nakakapagsalita.

At isa pa, muka kasi syang manyakis pag ngumingisi.

"Ano bang gusto mong marinig sakin? Hindi porket maganda ka, lahat magkakandarapa na sayo. Ano kung gusto mo 'ko? Gusto mo bang ipag sigawan ko na ang swerte ko naman kasi gusto ako ng isang magandang babae na 'to! Ang swerte ng pangit na tulad ko!"
Huminto sya bago ulit tumingin sakin pero seryoso na.
"Gusto mo 'ko pero hindi kita gusto."

Parang naapakan yung pride ko sa sinabi nya.

"Bakit hindi mo 'ko magustuhan?! Ginagamit mo ba 'yon para mag mataas ka! Kasi maganda yung naghahabol sayo!? Ang kapal naman pala ng mukha mo!"

Hindi na lang inis at galit ang nakita ko sa ekspresyon ng mukha nya. Para rin syang nasaktan.

"Tangina adi inamin mo rin. Na pangit ako. Pag pangit ba dapat wala kaming choice? Pag pangit ba swerte na dapat pag may lumapit na maganda? Tanginang basehan 'yan. Mas lalo mo lang pinatunayan sakin na hindi dapat kita magustuhan dahil tulad ka lang nila. Nakakaawa ka."

Cuentos CortosWhere stories live. Discover now