Zailey's POV
Tinahak namin ang daan pauwi ng tahimik at walang imikan... namumuo pa rin ang tensyon sa pagitan namin'Awkwarddd...'
'Mabuti na't ganito ang sitwasyon namin ngayon dahil wala rin naman ako sa mood na magsalita at parang hindi ko pa sila kayang kausapin. Sariwang sariwa pa rin yung sakit na nararamdaman ko ngayon at sa palagay ko'y hindi na ito mawawala pa, hindi ko alam kung anong gagawin ko para man lang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa nangyari, meron sa kaloob-looban kong wag maniwala na wala na talaga ang kakambal ko at parang hindi sapat ang mga imbidensyang nasaksihan ko kanina, kung pwede ko nga lang hukayin yung puntod kanina ginawa ko na-,-...Gusto kong alamin ang lahat, gusto kong malaman kung pano siya nawala...kung pano siya namatay at bakit?? T.T.... Pero parang hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang marinig ang dahilan tungkol sa pagkawala niya. Sa ngayon gusto ko munang ipahinga ang nasasaktan kong damdamin, I want to sleep, I want to rest...dahil ito lang ang alam kong paraan para makahinga man lang ako ng medyo maluwag..'
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at dun lang ako humugot ng lakas para makahinga at malabanan tong katahimikan dito sa loob ng kotse
'Hayyyyyyyyy'
Napapa buntong hininga nalang ako dulot ng katahimikan na namumuo dito
'Boplakingss para akong nabibingi >___<'
Gabi na nung makauwi kami ng bahay kaya medyo inaantok na ako at di man lang ako nakaramdam ng gutom ket ilang oras ang naging byahe namin.
'Gusto ko lang talagang magpahinga'
Bagsak ang balikat kong bumaba ng kotse at naglakad papunta sa compartment ng kotse upang kunin ang aking mga bagahe
"Ako na" nagitla pa ako dahil hindi ko napansing nasa tabi ko na pala si kuya na agad namang kinuha ang mga maleta ko. Pilit ang ngiting naisagot ko sa kanya at wala sa sariling naglakad
Bago ako makarating ng bahay ay bumungad sakin ang resto namin, nasa likod kasi ng resto ang bahay namin kaya madadaanan mo pa talaga muna ang resto bago ka makakapunta sa bahay, pero may gate naman sa gilid ng resto para makapasok ka ng bahay pero pwede ring namang dun ka dumaan sa kitchen ng resto kasi may pinto dun papuntang bahay
'Basta imaginine mo nalang-.-'
Bukas pa ang resto nung pagka uwi namin at madami pang kumakain, dumiretso naman si lola dun sa loob ng resto, at wala sa sariling sinundan ko siya. Hindi ko alam kung ba't ko sinusundan si Lola bagaman parang kino-kontrol ako ng sariling kong mga paa upang makarating sa resto ng wala pa rin sa sarili
'Dahek!? Bat ko pa ba sinusundan si lola ehy gusto ko ng matulog?! Amp *face palm'
"Good evening and welcome back Maam Zailey!----Mas lalo ho kayong gumanda maam huh..tsaka dalagang dalaga ka na ho talaga maam hehe" Masayang bungad sakin ng guard at saka pinagbuksan ako ng pinto. Bahagya pa akong nagulat dahil sa pagsalubong niya sa mismong harapan ko, ngunit mabilis naman akong nakarecover
BINABASA MO ANG
ZAI FOR ZAY
Teen FictionZailey and Zayley were born as fraternal twins, from an early age they promised that they won't leave each other no matter what. However, Zayley suddenly disappeared and popped like a bubble and it was because she was suffering from depression caus...