Zailey's POV
"What about the bully students?" tanong ko kay kuya matapos kumawala sa pagkakayakap ni lola. Unti-unti na akong kumakalma pero pakiramdam ko'y nanghihina pa rin ako
"They received a suspension and expulsion in two to three weeks"
"What?!! Yun lang? Bat di pa sila kinick-out ng school?!... Di pa sapat ang expulsion kuya--laban sa ginawa nila kay Zayley! It's so unfair!! Ang dapat sa kanila'y makulong!!" Hindi makapaniwalang usal ko
'I can't believe it! Napaka walang kwenta ng mga expulsion at suspension na yan kung iilang linggo lang din silang di makakapasok sana'y pang habang buhay na silang magdusa dahil sa pangbu-bully nila sa kapatid ko! Nekneng manok na pula! Kulang na kulang pa yan!!! Depungee!!'
"But they're not at the legal age pa Zailey! Gusto man naming ipakulong sila ay di rin namin magagawa dahil hindi pa ganun ka-mature ang pag-iisip nila, they're just only teen, like you"
"I know, pero ganun nalang ba kadali yun kuya? Suspension lang ng ilang araw tas di pa sure kung naexpulsion ba sila, ganun? Ehy sila nga ang dahilan kung ba't nawala si Zayley!!--- Nakapatay sila ng tao kuya, not physically but mentally! Ehy kung pina kick out nalang kaya lahat ng nang-bully kay Zayley..Pshhh" inis na singhal ko
"Edi buong class ang mapapa kick-out?!" Sarkastikong aniya at nagitla pa ako dahil sa sinabi niya
O___O
'Nekneng kambing!! Buong class?? Buong class ang nang bully ke Zayley?? Yewe!! Seriously??
"W-What?!! D-Do you mean buong class ang nagbully sa k-kanya?" Di makapaniwalang naiusad ko
"Oo, kaya nga pinasuspend ang buong klase dahil sa ginawa nila kay Zayley at yung sa expulsion nama'y nagbotohan ang lahat ng students kung makakapasok pa ba sila o ipapakick out sa school, pero madami namang students na nagvote sa kanila upang mag stay pa sa school kesyo isang year nalang daw at gagraduate na sila ng highschool, kaya napag desisyunan ng school na wag na ituloy ang expulsion sa kanila lalo na't mga Class A pa ang mga iyon at sila ang panglaban sa lahat ng mga school programs at kung anu-ano pa.....Labag man sa kalooban namin pero pinili nalang naming manahimik Zailey lalo na't di rin basta-basta ang mga pamilyang pinanggalingan nila!" Mahabang paliwanag ni kuya at napakunot noo naman ako
"Pero kuya, Zayley need's justice!! Hustisya para sa pagkawala niya...alam kong hindi matatahimik ang kaluluwa ni Zayley hangga't di niya nakukuha ang hustisya sa pagkamatay niya!! Kaya dapat lang na maparusahan ang mga taong iyon" Madiing pagkakasabi ko
"Zailey hindi nga ganun kadali yun, hindi natin basta-bastang masisi ang mga batang iyon lalo na't wala pa sila sa tamang edad, at kung makukulong naman sila'y makakapag piyensa sila kaagad dahil nga may kakayahan ang mga iyon" mapaklang aniya "Zailey...alam kong galit ka samin dahil di man lang namin nagawang maipaglaban ang karapatan ni Zayley, pero tulad nga ng sinabi ko hindi basta-basta ang mga taong kakalabanin natin, kung makapangyarihan ang pamilya natin ay makapangyarihan rin sila....Hindi lang ikaw ang nawalan Zailey kami rin! Kami rin!!... Masakit para samin na wala man lang kaming nagawa, pero pinili nalang naming manahimik para na rin sa kapayapaan ng pagkawala ni Zayley" nanggagaral ang boses na tugon niya sakin
BINABASA MO ANG
ZAI FOR ZAY
أدب المراهقينZailey and Zayley were born as fraternal twins, from an early age they promised that they won't leave each other no matter what. However, Zayley suddenly disappeared and popped like a bubble and it was because she was suffering from depression caus...