Zailey's POV
'Pagkatapos nung nangyari sa Z Room ay lumipas ang dalawang araw na puro tulog at iyak lang ang nagawa ko, at kinukulong ang sarili sa kwarto, lumalabas lang ako kapag kumakain...Tulog--Kain--Iyak---Kain--Tulog---Iyak--Kain, paulit-ulit!!
'Nakakapagod ng umiyak araw-araw, hanggang ngayon kasi ay di pa rin ako maka move on sa pagkawala niya.
'Sariwang sariwa pa rin kasi yung sakit ehyy:(('Dalawang araw ko ring hindi kinakausap sila lolo, lola at kuya although nagkakausap naman kami pero puro bati lang, like "Good morning!, Let's eat!! Good night" something like that...Pshh parang feeling ko nga ako nalang mag isa dito sa bahay dahil napakatahimik, araw- araw rin kasi silang wala dito sa bahay dahil busy sa mga kanya-kanyang gawain nila...Si Lola Eli ay nasa resto nagbabantay o di kaya'y makipagkita sa mga clients niya, si Lolo Ram naman palaging nasa Office dahil isa siyang government employee dito sa Manila, at si Kuya Vann naman ay nasa Tondo dahil inaasikaso yung pinapagawa niyang cafe at resto doon, at ako naman andito lang sa bahay nakatunganga. Actually gusto nilang ipasyal ako pero umaayaw naman ako dahil nga wala pa ako sa mood na gumala at maglakwatsya.
At ngayo'y Sabado na, sa lunes ay pasukan na and until now hindi pa rin ako nakakabili ng mga gagamitin ko sa school dahil sa tinatamad pa nga ako'
"Zailey! Kain na!" Biglang anas ni Ate Sally kaya nama'y nakabalik ako sa ulirat
'Si Ate Sally ang pangalawa naming kasambahay dito anak siya ni Naynay Ermina na kasambahay rin namin. Matagal na sila Ate Sally at Naynay na nagta-trabaho samin at pamilya na rin ang turing namin sa kanila. Si Ate Sally naman ay scholar siya ni Lola Eli, sagot na ni Lola lahat ng gastos sa pagkokolehiyo niya at next year ay gagraduate na siya ng kolehiyo sa kursong Business Ad.'
Kakarating niya lang galing sa Davao dahil doon sila nakatira at si Naynay nama'y bukas pa makakabalik dito samin.'
"Aahh..opo ate" nasa dining area ako ngayon at kakagising ko lang.
"Okay ka lang ba,beh?" tanong ni ate Sally sakin habang nilalagyan ng juice ang baso ko
"Ahh..ehy kasi ate, pwede niyo ho ba akong samahan mamaya? Bibili ho kasi ako ng mga school supplies ko" napag-isipan kong kailangan ko ng bumili ng mga gamit dahil isang araw nalang at pasukan na, kaya kailangan ko na talagang mamili kahit na tinatamad pa rin ako
'Di ko man lang pala naenjoy ang natitirang araw bago magpasukan dahil sa katamaran ko...tss'
"Aba'y syempre naman, pero tatapusin ko lang muna ang paglalaba bago tayo umalis ah" sagot niya at inilapag ang baso sa mesa katabi ng plato ko
"Sige po" sabi ko sabay tango at nagsimula ng kumain
"Ohh sya sige..maglalaba muna ako.. Eat well" saad niya at nginitian ko nalang siya at tumungo na siya sa laundry room
'Ang boring kumain ng mag isa...pfft'
Napabuntong hininga nalang ako at tinuloy na ang pagkain
Sa kalagitnaan ng paghabhab k o ay bigla kong naalala ang sinabi sakin ni Gabo nung huling makausap ko siya, pagkatapos nung mangyari dun samin sa Z Room
~Flaskback~
"Alam mo masayang masaya ako dahil nakabalik ka na dito... Tas kanina di pa kita halos makilala dahil ang puti-puti mo na pero mukha ka pa ring munchkin hahaha" tatawa-tawang usad ni Gabo habang ako nama'y nakatingala lang sa langit
BINABASA MO ANG
ZAI FOR ZAY
Teen FictionZailey and Zayley were born as fraternal twins, from an early age they promised that they won't leave each other no matter what. However, Zayley suddenly disappeared and popped like a bubble and it was because she was suffering from depression caus...