This is a work of fiction!!
-------------------------------------------------------------------
"Clear!" Kasabay ng pagpatong ko ng apparatus na ito sa katawan ng aking pasyente ngayon ang pagtaas ng kaniyang dibdib. I tried really hard to save this person's life but then...
"Time of death; 11:36 pm." Everyone in this room sighed but me.
Pagkalabas ko ay agad tumakbo sa akin ang isang medyo matandang babae na humahagulgol. "Doc, kamusta po... na-naligtas niyo naman po ang nanay ko ano po?" Napasinghap nalang ako dahil simula ng pumasok ako sa trabahong ito, ilang tao na ang nakasalamuha ko na umiiyak at sasalubungin ako. Tinitigan ko lang siya at nang napagtanto niyang di ako sumagot, mas lalo pang lumakas ang hagulgol niya.
Iniwan ko nalang yung babae at dire-diretso akong sumakay ng elevator papuntang rooftop. Ang bigat bigat sa puso. Napahawak ako sa dibdib ko at hinahabol ang aking hininga. Ang pinakamahirap na parte ng trabaho para sa akin ay ang sabihin sa mga taong sabik malaman na ligtas ang kanilang minamahal na kabaligtaran ang nangyari sa kanilang inaasahan.
The elevator signals that I am already at the rooftop. Tumakbo ako papunta sa pinakadulo nito at kitang kita ang malawak na siyudad ng Maynila. I'm really thankful for this rooftop in my workplace so that no one could see my weak spot. I may be strong and fierce but whenever I remember what happened back then, I can't stop having this ache in my heart and it really burdens me! I want to forget! I thought that for years of focusing myself to study hard, it will remove the painful memories but I guess I was wrong. For just a simple cry of others, this is how I am affected.
Pagtapos kong umiyak ng tahimik ay pinunasan ko na agad, then I get my phone to see my reflection on it and look, I'm already a mess. Habang inaayos ko ang buhok ko at mukha sa harap ng phone ko ay biglang nagring.
"Maxine!!!!!"
"Aray ko naman te, ang sakit sa tenga ng boses mo!"
"Oops.. sorry na, eh kasi eto na nga, invite kita sa party tomorrow night dito lang sa bagong nightclub malapit sa condo ko, yung tinanong mo sakin last time noong nadaanan natin. Ano, game? See you gurl mwuah!"
"Hoy teka-" Bastos na babae 'to, di manlang ako hinintay makasagot at pinatay agad yung call. I'm not even sure if I'm free tomorrow night eh. Pero sabagay, ang dami ng iniyak ko din kanina baka it's time for me to unwind. And tagal na din simula nung last nakaattend ako ng party dahil sa sunod sunod na emergency.
After 10 mins ay nakarating na agad ako sa condo ko. Di naman din kasi kalayuan sa hospital na pinagtatrabahuan ko ngayon. Pagkalabas ko ng aking Sedan ay dumiretso na agad ako papunta sa aking unit. Feeling ko isang linggo akong walang tulog sa sobrang pagod at sakit ng katawan na nararamdaman ko. Medyo nagdadalawang isip tuloy akong sumama bukas sa party, parang gusto ko nalang magpamassage.
Nagising nalang ako sa ingay ng alarm ko. It's already 9:00 in the morning and I still have 1 and a half hour before I have to be in the hospital. May meeting din daw kasi mamayang 4 pm dahil may mga bagong doctors daw na ipapakilala at sasabihin din yung ibang changes from the director.
BINABASA MO ANG
White and Bright
RomanceMaxine Giuliana Clemente is a Doctor. She can get almost anything she wants but not long when something unexpected happened. How can she face all of the unexpected things when she was raised with having everything she needs and knowing what people w...