Chapter 2

23 1 0
                                    

Babe

Tinuon ko ang sarili ko sa pagrereview at paghahanda para sa Return Demo namin. Sa isang araw naman ay duty na ulit sa hospital na affiliated sa CIU. Ni hindi ko na namalayan ang oras at 3 am na pala. Di ko pa sigurado kung kaya ko na ba pero ang pinanghahawakan ko nalang eh nakaya ko naman yung iba.

"Ah pucha! Nakalimutan ko magsuot ng stockings. Kakaasar naman talaga." Malapit na ko sa Univ at kukulangin yung oras kapag bumalik pa ako sa bahay.

To Maureen:

Mau, I forgot to wear stockings, are you at school na? Do you have extra?

Agad din namang nagreply si Mau sa 'kin.

From Maureen:

What the hell! I don't have any extra and I'm already here na. Bili ka nalang. See ya!

Napakamot nalang ako sa ulo at napapikit. Napagdesisyunan ko na maghanap nalang ng malapit na convenience store, feeling ko meron dun eh.

Pagkalabas ko ng sasakyan ko at sinarado ang pinto, may isang pamilyar na mukha akong nakita. Palabas siya ng hospital at sumakay sa nakapark na sasakyan katapat nito.

Napakunot ang noo ko habang inaalala kung saan ko siya nakita.

"Ah, yung mayabang kahapon." Pabulong kong sinabi then I rolled my eyes.

I walked inside the convenience store and search for the stocking I need. Nagsquat ako para tingnan ang mga stockings na nasa babang part.

"Ha! There it is!" After I got the stockings, I went to the cashier to pay for it. 

Binuksan ko ang wallet ko at naghanap ng cash pero wala, so kinuha ko na lang yung card ko. "Ah, here."

"Maam, di po kami tumatanggap niyan dito. Cash lang po pwede." Sabi nung lalakeng cashier na grabe kung makangiti akala mo nananaginip.

"Eh pano yan? Kailangan ko na 'to? Babalik na  lang ako mamaya pero kukunin ko muna 'to!" Inis na sabi ko dun sa cashier kasi naman konti na lang male-late na ako. 

"Kung gusto niyo miss bigay mo nalang number mo, tapos sa'yo na yan." Nakangising sabi niya habang tumataas-baba yung kilay niya. NAKAKAKILABOT.

Biglang may bahagyang umubo kunwari sa likod ko na siyang nagpalingon sa akin. "Ako na magbabayad." Sabay abot ng 1k dun sa nakakakilabot na cashier.

Hindi naman sa first time ko pumasok ng convenience store, siguro 3rd time ko na pero ngayon ko lang naexperience yan!

"U-uh, thanks!" Naka-taas noo kong sabi at nginitian ko yung mayabang na nagbayad. 

"No prob, tagal mo kasing magbayad, ang daming napeperwisyo oh." Ngumisi siya pagkasabi niya nun. Napatingin naman ako sa dami na ng taong nakapila. Nakakahiya!

"Ha! Wag kang mag-alala babayaran kita." At tinalukuran ko na sila pero napatigil ako nung maalala ko na di ko alam paano ko siya mababayaran. 

Lumingon ulit ako sa likod at nakita kong tapos na din siya magbayad. "Hey! Put your phone number here." Inabot ko sa kanya yung phone ko. 

"Ang bilis mo naman miss." Here comes his smirk again. Anong mabilis dun? Napakamalisyoso talaga.

"Wag kang malisyoso at ilagay mo na number mo para mabayaran kita." Walang gana ko naman sagot sa kaniya.

Kinuha naman din niya yung phone ko at nag-type. Ngingisi ngisi naman siya habang nagtatype. Bwisit. Kung 'di lang mataas ang pride ko dahil dun sa nangyare kanina!

White and BrightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon