Followed
Lumipas ang isang lingggo at naging normal lang naman ang mga araw na dumaan. Papasok, magaaral, magbobonding kasama si Mau, maiinis si Doc. Ganun lang naman. Dumaan din ang weekends at napag-isipan ko na lang na maglaro ng airsoft.
Pumunta ako sa Laguna kung saan ako laging pumupunta kapag nababadtrip ako. Well, hindi ngayon kasi wala lang naman akong magawa. Dito ko din nakilala sa The Ranger kung saan ako naglalaro ang kaibigan kong may-ari nito at ang mga kaibigan ko na mahilig din dito.
"Hey Max! Long time no see ah, busy?" Salubong sakin ni Jika, ang may ari ng The Ranger. Actually, magkaedad lang kami at nagtayo agad siya ng ganitong klase ng business dahil ito na din ang nagpapasaya sa kaniya.
Naalala ko ang unang punta ko dito. Iyon ay yung first time kong nakakuha ng 1.5 na grade dahil hindi ako sanay. Oo, maaaring sasabihin ng iba na napakababaw para mabadtrip ako. Pero mataas ang expectation ko sa sarili ako pati na din ng magulang ko.
Hindi ako sanay na hindi ko nakukuha ang gusto ko kahit kinakailangan pa yan ng sipag at tiyaga, gagawin ko. Kasi yun ang gusto ko. Hindi ako spoiled. Kasi pinaghihirapan ko lahat ng nakukuha ko.
"Jika, let's play! Where are Vin and Lexa?" Nakangiti kong sabi sabay bumeso sa kaniya.
"They're inside the shooting range. Nagpapagalingan na naman ang dalawa." Nagtawanan kami pagkasabi niya nito.
Nagpunta muna ako sa The Ranger restaurant para uminom ng wine lang naman bago magsimula.
Naglaro na kami ng airsoft pagtapos nila Vin at Lexa. Pagkatapos ay nagpunta na kami sa shooting range at tabi tabi kaming apat habang nakaharap sa aming target.
"Ready. 1, 2, 3..." Sabay sabay ang putok ng aming mga baril. At nang matapos naming ay pinuntahan agad namin an gaming mga target.
"Nice! Straight bull's eye na naman Max ah? Di pa din nagbabago kaibigan natin." Nginitian ko naman si Vin sa sinabi niya.
"Badtrip ka na naman siguro ano?" Nangaasar na sabi ni Lexa.
"Ay nako! Yun na nga eh, himala did aw siya badtrip ngayon, na-bored lang sa kanila." Sabat ni Jika.
Nagready na ako para umuwi at saka nagpaalam sa kanila. Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso ako para magshower at matulog na.
"Good morning class! We will be having our selection for our representatives this year for the upcoming intercollegiate quiz bee. Now, I have these questionnaires and the top 5 in the whole 2nd year will be gathered later to have the second round of the selection. Get one and pass."
Pagkatapos masabi yun ng aming prof ay nagbulung bulungan naman ang mga kaklase ko.
"Bakit di naman nila inannounce beforehand? Nakakainis! Gusto ko pa naman mag-join"
"Kaya nga e, di man lang tayo nakapagreview."
"Kaya naming ginawang surprise ito para malaman kung gaano na ang nalalaman niyo kahit wala kayong review." Sabay bigla ng prof naming na siguro'y narinig ang mga bulungan.
Pagtingin ko sa questions ay napaangat ang gilid ng mga labi ko. Dali-dali kong sinagutan ang mga ito at nauna nang magpasa.
Napatingin naman ang mga kaklase ko habang papunta ako sa harapan upang magpasa ng answers.
"Okay, you may go to your next class." Sabi ng prof pagkatapos kong ipasa.
Lumipas ang 30 minutes and Mau already went out from the class room. Nandito ko ngayon sa lounge malapit lang sa room naming kanina.
BINABASA MO ANG
White and Bright
RomanceMaxine Giuliana Clemente is a Doctor. She can get almost anything she wants but not long when something unexpected happened. How can she face all of the unexpected things when she was raised with having everything she needs and knowing what people w...