This is a work of fiction! The names of the characters, places, or others is not basically what really is in reality. Enjoy reading :)
---------------------------------------------------------------------------------------
Matunaw
"Bye Dad! Bye Mom! I'll go na baka ma-late pa 'ko." Bumeso na ako sa kanila bago pa tuluyang lumabas sa malaki naming bahay sa isang subdivision.
"Maam Maxine sakay na po kayo, nang mahatid ko na kayo sa inyong eskwelahan." Masiglang salubong sa akin ng driver namin na si Kuya Jojo.
"Uh, kuya Jo, just give me the car key, I'll drive my way there." Nginitian ko siya at nagpapaamo ng mukha para syempre makumbinsi ko. Payag naman yung parents ko kapag sinabi kong kaya ko kasi bata pa lang ako, kung ano-ano na ang tinatry ko. Isa dun ang pagmamaneho ng iba't ibang sasakyan. Natatandaan ko pa noong grade 7 ako, may nakita akong truck na nasa labas ng bahay namin para sa mga nilipat na gamit mula office nila dad. Sumakay ako sa truck at sinubukan kong paandarin tulad ng nilalaro ko sa mga games.
"Sigurado po kayo maam? Oh siya, magiingat ho kayo." Nginitian ko lang siya nang iabot niya sa akin ang susi. Dali-dali akong pumasok at nilagay na ang mga malalaki kong libro sa shotgun seat.
Diretso lang ang tingin ko habang nagmamaneho at napapangisi dahil sa ngayon lang ako ulit nakapagmaneho. Tinamad kasi ako mag-drive sa loob ng dalawang linggo kaya nagpapahatid nalang ako. Ayoko magdrive lalo na pag wala ako masyadong tulog, nakakatamad.
Dumaan muna ako sa isang coffee shop para bumili ng coffee at bumalik na agad sa kotse ko pagkatapos. Nang makarating na ako sa parking, agad kong kinuha lahat ng gamit ko at naglakad papunta sa building ng College of Nursing sa University kung saan ang Great grandfather ko ang founder at si Dad ngayon ang President. Hindi nawawala ang Clemente International University or CIU sa top performing schools ng bansa ngayon sa larangan ng iba't ibang medical-related courses. Lumaki na rin ako sa school na 'to kaya napagdesisyunan ko na rin na maging doktor.
Paglabas ko ng aking sasakyan ay mga titig kaagad ng mga estudyante at empleyado ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung namamangha lang sila sa ganda ko o kinakabahan sila sa presensya ko. Well, they shouldn't dare to mess with me dahil hindi ko sila uurungan kapag alam kong nasa tama ako.
"OMG! Maxine, you're here na din!" Bumaba din si Maureen sa sasakyan niya. Isa sa mga tropa ko. Sinalubong niya ko agad at bumeso.
"Yeah, I'm here na." I mocked her.
Ngumuso siya at hinila nalang ang braso ko. "Let's go na nga! It's super hot na dito sa labas. Ugh!"
Dumiretso na kami sa room namin ng first subject. Super hectic 'tong sched ko ngayon! Tatlong Major subjects pinagsabay-sabay. WTH diba? Minsan nate-tempt na din akong gamitin yung pagkapresident ni Dad para ibahin yung sched ko eh, pero nevermind, ayokong gawin pa din yun. Gusto ko man laging nakukuha ang gusto ko, pero ang pinakaayaw ko ay magkaissue tungkol sa pagiging anak ko ng President ng University.
"Class, I'm reminding you to pass 100 medical terms that you're not familiar with and its meanings, and the deadline will be next week, same day, Tuesday. You have to write it on a small log book so that you can remember it in some way. Understand?"
BINABASA MO ANG
White and Bright
RomanceMaxine Giuliana Clemente is a Doctor. She can get almost anything she wants but not long when something unexpected happened. How can she face all of the unexpected things when she was raised with having everything she needs and knowing what people w...