BEN'S POV
Napabalikwas ako ng maalala ko naganap na usapan kahapon sa restaurant. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung bakit pamilyar sa akin si Mr. Mandresa.
Nakatitig ako ngayon kay Mr. Mandresa at inaalala kung san ko nga ba nakita ang kaniyang mukha dahil tila pamilyar sa akin iyon. Napabuntong hininga nalang ako ng mapagtanto kong kahit saang anggulo ko ito tignan ay wala parin akong maalala
"Do you agree Ms. Sera? Are you alright?Ms. Sera?"
"Oh?" Nabalik ako sa ulirat ng sikuhin ako ng boss ko , hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatunganga
Bumuntong hininga naman si Mr. Mandresa, " As what I am saying, mas maganda rin kung a-attend kayo sa opening ng branch namin sa Quezon City for documentation, makakatulong yun for both of us"
"Of course sir. We are willing to witness another milestone of yours, right Benneth?"
"Oo naman po, mas magkaroon po kami ng malawakang pang ideya sa inyong successful business"
"So I guess this will be settled then" saad ni Mr. Mandresa habang sinisipat ang folder na inabot sa kaniya ni Sir Carl kanina,"And we will be working with her right?" dagdag nito habang nakatingin na ito kay sir
Nagpatuloy ang pag uusap nila dahil maraming ibinida si sir na magiging benefits nila para hindi na mag bago ang isip nito, tumatango lamang ito habang nakikinig sa mga sinasabi, ang nagsasalita para sa kaniya ay ang sekretaryo nito at malimit lamang kapag ito ay umimik
Mabilis lamang na natapos ang meeting namin kahapon kaya pagkatapos nun ay dumeretso nalang ako pauwi dahil considered na OB yung time ko sa work ngayon
*Official Business in which employees who are ask to work outside the workplace.
Bihis nako nako at handa na para pumunta sa opening ngayon sa ng SW Bar sa Quezon City. Tinitignan ko ang aking kabuuan habang sinisipat ko ang aking sarili sa malaking salamin kung saan kita ko ang aking buong katawan
"Di ka pa ba aalis anak? 6:23 na baka malate kapa" saad ni mama habang naka silip ito sa aking pinto
Dali dali ako lumabas ng kwarto namin ng kapatid kong natutulog pa, araw ng sabado ngayon at nasa ikatlong taon na sya sa kolehiyo kung saan kumuha eto ng Nursing degree, tinutulongan ko si mama sa pagpapa aral sa aking bunsong kapatid dahil matagal nang pumanaw ang aking ama nung edad sampu palang ako
" Ma , alis na po ako" habang inaayos kong isuot ang aking sapatos sa kaliwang paa ko ay bigla namang inabot ni mama ang isang itim na payong, tumayo ako at takang napatingin doon
"Oh magdala ka ng payong baka umulan na naman sa pagkaka alam ko ay may bagyong paparating ngayon"
Tinignan ko naman ang payong na itim, ito ay may malagintong disenyo sa kaniyang hawakan at naalala kong ito ay ang payong na naiwan ng ma-ma nung minsa'y umulan at naghihintay ako ng bus sa isang bus stop malapit sa aking pinagtra trabahuan.
Saktong sakto ang pagdating ko sa Quezon City, 7:04 nadin ng makarating ako dahil sa sobrang trapik at magsisimula naman ang opening ngayong 8:30 at napag pasyahan kong tumambay muna sa isang coffee shop, maaga palang ay marami ng tao na tanaw ko mula sa dito sa loob ng coffee shop habang iniinom ang aking americano na aking pinag sisisihang bilhin dahil sa presyo nito.
Habang iniinom ito ay agad ko namang ipinaalam kay sir Carl na hinihintay ko nalang mag simula ang opening at pupunta ako sa opisina. Nag reply din naman to agad at sinabing pinapunta si Sabrina upang kumuha ng litrato sa event.

BINABASA MO ANG
My 7th And Last
RomanceONGOING! They say that if he is meant for you, and both of you were meant for each other nothing can stop for both of you to end up for lifetime. But they also say it takes two to tango. How much can you endure for the person you love? What ways wi...