Maaga akong nagising dahil araw ng linggo at magsisimba kami ng kapatid ko at ni mama. Dumeretso agad ako sa palikuran na nasa gilid lang ng kwarto namin.
Habang naghihintay kami ng jeep ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Ara na magkakaroon daw ngayon ng pa-party na gaganapin sa SW Bar dahil sa promotion na nakuha ni Jessica na ngayon ay magiging Head na sa panibagong team na binuo ng mga nakakataas. Si Jessica ay isa sa mga kasamahan namin na matagal na ring nagta-trabaho sa kumpanya at nasa edad apatnaput-syam.
Habang lulan kami ng jeep ay tila napansin kong walang kibo parin ang kapatid kong si Margareth na naka dungaw sa telepono nito.
Siniko ko ito dahil mukang matamlay parin ito.
"Huy! Anyayare sayo?"
Bumuntong hininga muna ito bago sinagot ang aking tanong
"Eh kasi naman kahapon sa oral na min sa biochemistry eh di ako nakasagot eh napahiya ako sa mga kaklase ko tska sa ibang seniors na kaklase ko sa subject na yon"
Napangiwi naman ako sa dahilan nito, " Sus eto naman, natural lang yan hindi naman sa lahat ng oras ay handa tayong sagutin ang mga katanungan lalo pa't dun sa mga hindi natin inaasahan ah"
"Eh yun na nga, okay lang naman ako eh nakita kasi ng ibang tao, nakita ng ibang blockmates ko"
"Eh? Hindi naman ito ang unang beses na hindi ka nakasagot ah? Baka naman--"
"Hindi ganun yon, wala naman akong gustong tao, sadyang masyadong pilyo ang lalaking mga kaklase ko kung kaya baka kako asarin ako pag nakita nila ako"
"Ahh--ang ibig kong sabihin baka naman hindi na nila maalala iyon" nagugulat ko pang sagot dahil sa tingin ko ay nahuli ko ang aking kapatid na ngayon ay nagkakagusto sa isa nitong kaklase
Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay hindi narin ito kumibo pa dahil narating na namin ang simbahan ng Saint Parish of Assisi Church sa Sariaya, Quezon na kung saan marami rami na ang tao
Tahimik kaming nakikinig sa sermon ng pari at nagdadasal
Natapos ang simba ng 10 ng umaga,dahil hindi pa kami nag agahan ay napag desisyonan ni mama na mag agahan muna bago kami umuwi ngunit nakita ni mama ang kaibigan nito at nagkakumustahan ang dalawa
Dahil bukas na ang kaarawan ng lolo kong pumanaw na ay naisip ko nararapat lang magsindi ako ng kandila, nagpaalam ako kay mama at sa kapatid kong panay tango dahil sa tingin ko ay kinakausap rin ito ng ale
Mula sa mga kandila na naroon ay binigyang sindi ko ang hawak kong kandila at inilagay ito lalagyan at taimtim na nagdasal
Panginoon sana po ay masaya na si lolo kung saan man sya ngayon, at binabati ko po sya ng maligayang kaarawan. Ngayon nalang po ako nagsindi ng kandila sapagkat bukas ay baka hindi nako maka daan at magagabihan po ako sa trabaho. Lord bigyan nyo po sana ng malakas na pangangatawan si mama sa pagtatrabaho at naway gabayan niyo po kaming pamilya parati. Sana po ay kung ano mang kirot sa puso ko ang naidulot ni Xian ay sa huli makuha ko po syang buong pusong patawarin dahil kahi papaano ay minahal naman po namin ang isat-isa, sana po mahanap ko narin po ang taong totoong magmamahal sa akin"
tatango tango ko pang dasal habang nakayuko ako at ang dalawang kamay ko naman ay nakahawak sa isat isa.
Napangiti ako ng ibuka ko ang aking mata at tumingin sa krus na nasa harapan ko tila biglang kumislap naman ito dahil natamaan ang ginto nitong altar sa sinag ng araw Is this the sign??
Nababaliw kana talaga Benneth napabuntong hininga nalang ako sa naisip kong kabaliwan at napangiwi ako dahil tila nasisiraan nako ng bait
Kinuha ko ang telepono ko ng maramdaman kong may nag text at nabasa kong si mama ito at hinihintay na nila ako sa labas ng simbahan sa malapit sa nagtitinda ng cotton candy

BINABASA MO ANG
My 7th And Last
RomanceONGOING! They say that if he is meant for you, and both of you were meant for each other nothing can stop for both of you to end up for lifetime. But they also say it takes two to tango. How much can you endure for the person you love? What ways wi...