Chapter 5

8 1 0
                                    

ELIKAI'S POV

Nakatutok ako ngayon sa side mirror ng sasakyan ko dahil kasalakuyan akong nag pa-park dito sa gilid ng SW Bar na aking pag mamay-ari.

Bumabaa ako ng maayos ko na itong naipark at isinilid sa bulsa ang susi. Pagbukas ko palang ng pinto ay agad na akong nilapitan ng isa kong empleyado

"Oh kuya Eli ba't kayo nandito? Di ba busy dun sa kabila?" Pagtutukoy nito sa bago kong branch ng SW Bar sa Quezon City.

"Medyo lang naman. Isa pa namimiss ko na kayo" nakangiti kong dagdag

Ang SW Bar na ito ang una kong business kung saan pinag ipunan ko ito ng hindi humihingi ng kahit piso sa aking pamilya. Kaya nung nakapag ipon ako habang nagtatrabaho kay daddy ay agad kong ipanaalam ang pagbabalak kong magtayo ng sarili kong negosyo at sa huli ay naabot ko din naman ito.

"Nako kuya Eli pagsabihan mo nga si Marco oh dapat hanggang 8 lang yan kasi may pasok pa yan sa school bukas" bulong nito habang nakatingin kay Marco na nagpupunas ng mga shot glass

Si Marco ay itinuturi kong bunsong kapatid. Siya ay anak ng dati kong driver na ngayon ay na stroke kaya ito muna ang nagtutustos sa kaniyang pag-aaral. Nang maitayo ko ito ay nagpumilit itong pumasok kaya agad ko din itong tinanggap bilang tulong. Pilitin ko man siyang pag aralin nalang ay mas gusto nitong magtrabaho kapalit ng pagtulong ko rito

"Marco, what did I told you last time?" Napalingon naman ito agad sa akin, "During Sunday ay hanggang 7pm ka lang dahil may pasok kapa bukas"

"Kuya, Ngayon lang naman dahil di na kami busy" nagpatuloy ito sa kaniyang ginagawa

"Okay fine, you can do whatever you want, but make sure to focus more on your studies" napabuntong hininga nalang ako at ginulo ang buhok nito

"Kuya! Alam mo bang ilang oras kong inayos yan" pagmamaktol nito

Agad naman akong pumunta sa kwarto ko na nandito sa second floor ng bar kung saan may isang kwarto run para sa headquarters at may isang pinto rin sa kwarto ko at isinuot ang puting polo at naglagay ng pin na may nakalagay na manager rito at itinali sa likod ang suot kong half apron

Kahit ako ang may ari ay nagtatrabaho parin akong barista rito ngunit di na ako nagse'serve. One of my passion is mixing drinks that's why I continue being on hand sa business ko. Isang linggo akong nawala dahil nga naging busy ako sa bagong branch nito.

Habang nag mi-mix ako ng drink ay napansin ko ang kumpol kumpol sa nag tatawanan sa kabilang side at namukhaan ko run Si Carl at si Benneth na nakausap ko tungkol sa pag fea-feature nila sa naturang success ko

"Sila ba? Nagpareserve yan kahapon taga Silo Mega Mag." Biglaang sabat ni Marco habang nakatingin ito sa mga mini-mix kong inumin

"Hinanap ka nga nila mukang di nila napansin na nandito ka. Dba sila yung kumpanya kung saan tayo i-fea-feature?" Sabi nito sabay kuha at tikim sa gawa ko tumango nalang ako at inabot sa kaniya ang isang baso

"How does it taste?" Tanong habang naka krus ang dalawang braso ko

"Nothing special" nakatingin ito sa baso habang sinasabi iyon. "Almost the same taste sa ginawa mo last time"

Tinikman ko naman ito at tama nga sya gaya lang din ito ng ginawa ko nung nagdaan

Napaisip naman ako at agad napagtanto kung ano ang dapat ko idagdag rito at inihalo ko agad ang ginawa kong bago sa isang cocktail shaker. I mixe it for 5 minutes at ibinuhos sa isang panibagong baso.

Kinuha ito ni Marco at agad tinikman ilang saglit pa itong nanahimik at tumingin sa akin

"Unbelibabol!"

My 7th And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon