YEAR 2020
"Panatilihin pong sa loob lamang ng bahay at ugaliing mag hugas ng kamay. At kung maaari lamang po eh umiwas sa madaming tao. Ang virus po ay nakukuha sa droplets, hindi po ito airborne, sa ilong o kaya naman sa bibig ito ng tao nadaan papunta sa baga. Ang sintomas ng virus ay..."
Pinilit kong pakingan yung sinasabi ng reporter sa t.v pero di ko maiintindihan. Anong virus? Nagpalingalinga ako sa paligid ko, nasan ako? Di ko yata to room. Kaninong kwarto ba to? Sh*t mukhang maid quarters to ah! Bakit naman dito nila ako pinatulog at hindi sa kwarto ko. Mga pasaway talaga! Isusumbong ko sila kay dad!
"Yaya, bakit sa room nyo ko pinatulog bakit hindi sa kwarto ko?"
Hindi pa man din ako nakakalabas ng kwarto eh nasigaw na ako. Patay talaga sakin tong mga to!
"Yaya ano ba! Bakit ba hindi ka nasa-"
Nasan ako? Hindi namin to bahay! Pagbukas ko ng kwarto para akong nasa ibang dimension. Ano ba to? Ang liit ng bahay. May taas nga sila pero ilang steps lang naman, nilingon ko yung kwarto na pinangalingan ko may kahanay pa pala yun na dalawa pa so tatlong kwarto lang meron ang bahay na to. Hindi naka tiles bagkus naka linolium. May maliit na living area, may malaking kusina at dining. Mas maganda ang interior design ng bahay nila kesa sa bahay namin, mas malaki ang bahay namin Pero mas maganda ang mga muwebles nila. Saan nila nabili ang mga ito?
Hindi na ko naka tapos ng lakad ko dahil may mga tao sa dining at nakain sila! Sino sila? What the? Why are they staring at me? Teka nasan ba kasi ako?
"Hoy bakit ka ba nasigaw?"
Sabi nung lalaki na siguro medyo may edad lang sakin ng konti."Aba! Ikaw ba'y nawawala?"
Sabi naman nung babae na medyo may mas edad sakin."Oo nawawala ko. Pwede bang tulungan Nyo ko makauwi, by the way what place is this?"
At tuluyan na akong bumaba sa hagdanan na may anim na steps lang.
"Hahahhaaha"
"Mama mukhang gutom na to eh!"
"Nalipasan yata to"
"Hahahahahha kaka-kdrama mo yan eh!"K-drama? Ano ba yun? Ano bang sinasabi ng mga to? Hibang yata to eh.
"Anyways, Napansin ko na iba na yung suot ko, it's not normal, where is my clothes?"
"Hahahhahaha"
"Eh di nasa damitan mo ano pa ba?"Bakit ba tawa sila ng tawa?! Naiinis na ako!
"That's expensive! 2000 pesos Yun duh! Nasan na ba kasi?"
Bakit ba ginagawa akong katawa tawa ng mga to!
"Nanay Sabi sayo na pakainin mo sa oras ang anak natin eh"
"Kumain ka na nga muna dito"
Naglagay sila ng fried rice tsaka itlog sa Isang plate tapos pinapaupo ako doon sa isang bakanteng upuan.
"Hindi ako gutom! Gusto ko lang umuwi! Sa Inyo na mga damit ko "
Nakakainis sila kaya dumiretso na lang ako sa labas ng bahay nila.
"Hooooy saan ka pupunta?"
"Bumalik ka dito!"
"Tatay ang anak mo baka mahuli wala yang quarantine pass!"
"Trish!"Baliw na.
Kung ano anong sinasabi nila. Sa iba na lang ako hihingi ng tulong pwede naman Yun eh. Hindi lang naman sila ang pwede ko hingan. Pano ba kasi ako nakapunta dito? The last thing that I remember is I drive my car and then someone appear on the back seat tapos kamukha ko daw sya. Tapos... Tapos...
BINABASA MO ANG
Unexpected Meet
General FictionEarthquake, typhoon, grass fire, volcanic eruption. Ilan lang ito sa mga natural disaster pero ang isang pandemic matagal bago matapos, galing kaya sa nakaraan ang makakaresolba nito? Anong nangyayari sa mundo? bakit ang daming namamatay? may gera b...