YEAR 2002
"Party!"
"Happy birthday Scarlet!"
"Girl this is the best party ever!"
"Happy birthday girl!"Puro ganito ang mga naririnig kong salita sa lahat ng tao pumapasok sa bahay namin. Well masayang masaya sila kasi ako pa lang sa batch namin ang nag birthday na may party at swimming, 1st time nila karaniwan kasi cotillion kaso ayaw ko nun kasi masyadong makaluma. If your asking me if they are my friends well I really don't know, hahahaha I invited whoever I want since this is my party right? Anyways, all of them are my schoolmates. Are they trustworthy? I guess so. Well nevermind. I just want to enjoy I'm already 18!
May mga nagsasayaw sa gitna, may mga nagsuswimming sa swimming pool, may mga nagwawala na sa kalasingan, may mga sumusuka kung saan saan, may kumakain, may namamapak ng chips, at may mga katulad ko, observant. Sa sobrang pagiging observer ko meron akong napansin na sana pala hindi ko na lang tiningnan. Bakit sila? Of all people bakit kayo? Kung nakakapatay lang ang tingin malamang sa malamang patay na tong dalawa na to. Hindi pala lahat ng tao dito trustworthy, nagkamali ako sa dalawang to. Bakit ang sakit? Hindi naman dapat ako nasasaktan kasi una pa lang FAKE din naman ako sa kanya. Pero kasi yung ego ko eh!
Pinilit kong wag na lang silang intindihin at mag enjoy na lang but there's some word na nakapagpapihit sakin na harapin sila
"How about Scarlet? When will we tell her?" Nina said.
"She used to it Love. Remember, all the people who around her always leave. Kaya sanay na yun, kaya wag ka ng mag-alala dapat nga magpasalamat pa sya kasi hanggang ngayon nandito tayo eh"
How dare you Zac? Konting pigil pa, konti na lang.
"But Love I'm her best friend at ikaw yung boyfriend nya. Masasaktan sya"
"Trust me Love she not might get hurt. Nagkwento sya sakin before na hindi na sya nasasaktan kung bigla na lang akong mawala sa tabi nya kasi sanay na sya. Kasi ganun din ginawa ng mama nya sa kanya. Tsaka diba anak naman sya labas ng papa nya so what's the point?"
"Really? Oh my God! I can't believe this! Bakit hindi ko to alam?"
"I told you she's really into me"
And then my boyfriend kiss my best friend. I can't take this lalapitan ko na sila.
"Nice view huh"
Their both shock.
"Scarlet let me explain, this is not what you think"
Zac explain that it's an accident. Pinigilan naman daw nila yung feeling nila kaso wala eh mahal na daw talaga nila ang isa't-isa. Pinilit daw nilang maglayo pero lagi daw silang nagkikita accidentally na parang they are destined to each other. Fuck you! Kung pinigilan nyo sana eh di hindi naging kayo ngayon! Mga bobo! Hays!
"You expect me to believe you?"
"Scars please I'm sorry" sa tingin ba talaga ng babae na to maniniwala ako sa kanya? Huh!
"Nina napakabobo mo talaga! Hahahahahahhahaha talaga bang gusto mo yung mga basura ko?"
"W-what?"
"Zac is my trash! Pareho kayong basura magsama kayo!"
Lumapit sya sakin at sinampal nya ko. What the?!
"Basura? Kami?! Eh nagtyatyaga lang kaya kami sa ugali mo? Ikaw tong may patapon na ugali!"
Hindi kami naririnig ng iba gawa ng tugtog kaya wala pa samin ang atensyon ng lahat. I think I want an attention.
"Gusto si Zac ha Nina? Eh wala namang bayag yan! Do you think hindi nya kayang gawin yung ginawa nyo sakin? He's a cheater and he always be!"
Gigil ko pero hindi ko expected ang sumunod na nangyari. Nilapitan ako ni Zac at sinampal ako ng malakas na nagdulot ng pagkatumba ko. Nang nasa sahig na ako napansin ko na nakuha na namin ang atensyon nung iba Pero kulang pa, I want more.
I smiled bitterly. Yes I smiled. I taste my blood on my lips and it makes me feel so overwhelmed.
"I'm not a cheater! Sadyang mas mahal ko lang si Nina compare sayo and I will not do the same thing that I made to you!"
Napatigil ako sa sinabi nya Pero hindi lang ako pati mga tao sa paligid ko. Finally, nakuha ko na ang atensyon ng lahat. Nagsimula na akong umiyak. Umiyak ako hindi dahil nasasaktan ako, well siguro konting pain lang sadyang gusto ko lang talagang mapahiya tong dalawang to.
"Oh my God!"
"He cheated!"
"What a cheater!"
"Sa kaibigan pa talaga nya ah!"
"Kapal ng mukha nila parehas"
"Ang Sama nya!"
"Why he hit a girl?"
"Look Scarlet is bleeding"
"Is she okay?"Yan ang mga salitang pumalit sa saglit na katahimikan kanina. Ha! Hindi ko na to papalampasin.
"S-so you admit... You a-admit that you... C-cheated on me?"
Lahat nakatingin samin naghihintay sa mga sagutan namin. Let's start the acting!
"Look, Scarlet.."
Lalapitan pa nya Sana ako kaso lumayo ako.
Ha! Pagalingan sino mas magaling umarte oh!
Lalaban ako hindi pwedeng hindi. I touch my bleeding lip.
"Sinaktan mo ko? I can't believe na hindi lang pala emotionally mo ko kayang saktan pati pala physically."
Awang awa ang lahat sakin, hindi nila alam tawang tawa na ako sa isip ko.
"I am so sorry Scarlet"
That was the last words of Zach before he leaves with Nina. Pathetic! Bagay nga sila, parehas ilang lunod lunod sa idea ng pagibig. Wala namang naidudulot na maganda ang pagmamahal eh, lahat ng nagmamahal na sasaktan kasi lahat ng nagmamahal nabubulag, at nagiging tanga. Ayokong maging stupid.
Tumayo ako at lahat sila tinatanong kung okay lang ba ako, nagaalala daw sila sakin. Concern my ass! Concern lang naman kayo kasi mayaman ako tsaka sikat sa school eh!
"I'm fine."
Sagot ko sa lahat ng tao na nagtatanong sakin. Kainis!
Umalis ako samin. Nagdrive ako papunta sa kung saan since I'm 18 meron na akong sariling sasakyan. Gift to sakin ni dad kanina. Test drive! Actually di ko alam kung saan ako pupunta nagpatugtog ako ng kanta ng galing sa radio ng sasakyan ko. Saan kaya pwedeng makapunta? I don't have an idea! Hays!
Isang oras at Kalahati na din pala akong nasa byahe, wala na akong masyadong makita na buildings puro puno na at maliliit na bahayan ang nakikita ko. Nasan na kaya ako?
"Your mean"
"Holy sh*t!"
Agad akong napapreno dahil sa nakita ko sa salamin. May tao sa back seat ko!
"W-who are you? Pano ka napunta dyan?"
Tanong ko kahit di ko pa sya nililingon.
"Ako si Helen ang guardian angel mo."
Wait? What? Baliw yata tong babae na to!
"What? Baliw ka ba?"
This time nagulat ako nung humarap ako sa kanya. Bakit? Bakit magkamukha kami?!
Author's note:
Bago lang po ako sa story making, reader lang po ako before and hindi pa sanay sa pagsusulat. Pagpasensyahan nyo na po yung mga errors lalo na yung mga wrong grammar hehehehehez.
BINABASA MO ANG
Unexpected Meet
Fiksi UmumEarthquake, typhoon, grass fire, volcanic eruption. Ilan lang ito sa mga natural disaster pero ang isang pandemic matagal bago matapos, galing kaya sa nakaraan ang makakaresolba nito? Anong nangyayari sa mundo? bakit ang daming namamatay? may gera b...