Chapter 3

25 1 0
                                    

YEAR 2020

Sabi nila sa mata daw ng tao mo makikita kung nagsisinungaling o tapat sa pinadadama nya sayo. Hindi man kaya bigkasin ng labi pero kapag mata na ang nangusap wala na, talo na. Mga mata din ang nakakaintindi sa kung anong puso meron ka at mata lang ang hindi kayang magsinungaling sa tunay na nararamdaman mo. Pilitin mang magsinungaling ng bibig mo lalabas at lalabas sa mata mo ang tunay na gusto mong ipahiwatig.

"Hala sorry Trish! Nakalimutan kong nandyan ka din nga pala."

Napaupo ako sa hindi ko malamang dahilan, parang ang bigat bigat ng dinadala ko, parang anytime bibigay ako. Tapos itong sundalo na to lumapit pa sakin ng sobrang lapit p-para punasan yung m-mata ko kasi... May... L-luha?

"Bakit ako naiyak?"

"Trish alam naman naming masakit kaya nga hanggang ngayon willing kaming tumulong sa Inyo nila mom at dad."

"Hindi ko kayo maintindihan hindi ako si Trish!"

Napatayo ako sa pagkakaupo ko dahilanan para magulat sila

"Anak! Teka!"

Patakbong lumapit naman samin yung babae kanina sa bahay, parang nakita ko na sya di ko lang matandaan? Saan ko ba to nakita?

"Trish anak ko..."

Lumapit sya sakin at niyapos ako pero hindi yung ang ikinagulat ko. Kilala nya ako?! As in kilala nya talaga ako!

"...kamusta na Scarlet? Hindi mo ba ako natatandaan?"

Bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako mata sa mata. Hindi ko maipaliwanag kung nangiinis ba yung tingin nya o pinaparusahan nya ako Isa lang ang alam ko, pwede nya kong matulungan para makabalik sa amin.

"Rynan hijo sige na kami na ang bahala kay Trish"

"Naku tita gustuhin ko man pong hayaan na umuwi sya hindi po pwede eh, papagalitan mo ako ng commandant ko. Sa quarantine center po talaga sya didiretso."

"Ganun ba? Eh niyakap sya baka naman pwedeng sumama na din ako dun para naman may kasama ang... Maganda..."

Tumingin sya sakin at hinawi ang buhok ko sa may Tenga sabay ngiti. Grrr

"...para lang may kasama sya"

Tapos lumingon na sya kay Capt. Rynan Suarez. Mukhang nagiisip pa si Capt. Suarez kung papayag pa sya o ano.

"Sige po tita."

Tumawag sya sa radio nya pero bakit parang updated yung radio nila kesa dun sa mga body guards sa bahay? Maya-maya pa may dumating na na sasakyan ano ba to? Patrol sa baranggay yata to eh.

"Please wear this for your safety Trish."

Bakit nya ko inabutan ng face mask?

"Bakit? Para saan? Mukha ba akong may sakit?"

"Hangga't hindi pa natin sure mas magandang magsuot ka muna nito kasi baka carrier ka."

"Wala naman akong sak-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana ng biglang so Capt. Suarez na nag nagsuot ng face mask sa akin. Problema nito? Wala na akong nagawa nakasuot na eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon