Chapter 2

41 3 0
                                    

YEAR 1985

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


YEAR 1985

"Buntis ako Oscar."
"Anong sinasabi mo Lena?"
"Buntis ako, nagpapulso ako kay Kakang Ipe at ang sabi nya buntis nga ako."

Hindi na kapag salita ang lalaki, natameme at waring nabinge sa sinabi ng babae.

"Mukhang hindi mo gusto ang bata na ito, ako din naman eh... Kaya napagpasiyahan kong ipalaglag to."
"Ano? Nababaliw ka na ba?!"
"Oscar may asawa ka at may anak kayo! Ako naman hindi ko to mabubuhay dahil wala akong kakayahan. Anong gusto mong gawin ko?"
"Ikasisira ng pangalan ko yan bilang doktor... Atsaka isa pa anak ko naman yan... Buhayin mo ang bata at ako na ang bahala sa Inyo."

Mabilis na lumambot ang puso ni Lena at agad na hinagkan si Oscar. Alam nila parehas na Mali ang pagiibigan nila dahil pamilyado na si Oscar ngunit anong magagawa sa bugso ng pagibig? Panahon na ang nagtakda, utak na ang nagpasya at puso na ang nasunod.

Sa paglipas ng mga buwan pinilit nilang magkita kahit na bantay sarado na si Oscar sa asawa nyang si Veronica na nakakahalata na sa mga ikinikilos na kakaiba ng asawa. Pilit nyang inalam kung saan nagpupunta ang asawa at kung anong pinagkakaabalahan pagkatapos ng duty sa ospital bilang doctor. Hindi nagtagal ay nalaman nya ang lihim na relasyon ni Oscar at Lena kaya ginawa nya ang lahat upang maputol ito.

Sa kabilang banda naman ay nanganak na si Lena, wala si Oscar sa tabi nya ng sya ay nganak tanging mga pangako lamang ng lalaki ang pinangkapitan ni Lena, pinagbawalan ito ni Veronica na pumunta kanila Lena kaya minabuti nyang pakalmahin ang lahat kahit gustong gusto nya na makita ang anak nya at si Lena. Makalipas ang isang linggo mula ng manganak sya ay tsaka pa lang nagpakita si Oscar.

"Lena kukunin ko ang bata."
"Anong sinasabi mo?"
"Hindi mo sya kayang buhayin Lena isipin mo na lang din ang kinabukasan nya kung hahayaan mo syang sumama sakin."
"Nawala ka ng matagal tapos kukunin mo ang anak ko? Eh niwala ka nga nung nanganak ako eh!"
"May karapatan ako sa bata dahil ako ang ama nya"
"Semilya lang ang sayo pero ako ang naghirap."

Buo na ang desisyon ni Oscar na kunin ang bata kay Lena kasi walang kakayanan na buhayin ni Lena ang bata dahil sya ay hindi naman nakatapos ng pag aaral at walang alam na trabaho bukod sa trabahong bahay.

"Gusto din ni Veronica na makilala si Scarlet."
"Ha! At nakaisip na talaga kayo ng pangalan ha! Kristine ang ipapangalan ko sa kanya at hindi Scarlet. Pwede ka ng umalis kung ayaw mong panagutan ang anak ko ako na ang bahala."

Niyapos ni Lena ang anak nya habang wala syang kaalam alam na huling yakap nya na pala ito. Umalis si Oscar na may bigat na dala dala sa dibdib, gustuhin man nya kasing makasama ang anak nya at pinagbawalan na sya ni Lena. Walang kaalam alam si Lena at Oscar na may plano pala si Veronica. Palihim nyang kinausap ang pinakamalapit na kapitbahay ni Lena na kapag nakaidlip ito ay kunin ang bata at ilayo ito, kapalit ng malaking halaga.

Unexpected MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon