She's My Boss I

17.4K 115 9
                                    

Dedicated to:
Shingain

Ann Colis as Jade

I'm Jade 21years old graduating sa kursong Business Ad, scholar and at the same time working student. Di naman ganun ka bigat ang trabaho ko, naatasan lang akong pag silbihan at ireport lahat ng ginagawa ng kababata kong si Shine. Well kung iniisip nyong close kami, big no! P.A lang talaga ang tingin nun sakin. Never nya kong tinuring bilang kaibigan. Oo nga mag kababata kami pero anak ako ng isa sa mga katulong nila at sya naman ay apo ng may ari ng hacienda.

Kaya sobrang layo ng agwat namin langit sya at lupa ako.

Likas na maganda si Shine, idagdag pa ang pagiging matangkad nito at pagiging maputi. Para syang isang model, actually girl crush ko sya simula nung mag dalaga kami. Pero it doesn't mean na may gusto ako sa kanya. Hanggang pag hanga lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya, pero bukod sa pagiging maganda nito. Napaka sungit din nito.

Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa labas ng condo nito. Past 6pm na pero wala pa rin sya hanggang ngayon, hindi kasi nya ko binibigyan ng spare key ng condo nya. Baka raw kasi mag nakaw ako, masakit man pero iyon ang tingin nya sakin. Ewan ko ba dun kung bat ganun nalang ang tingin nya sakin.

Sumasakit na ang mga paa ko kakatayo mag iisang oras na rin kasi ako dito. Maya maya ay may lumabas na isang babae sa kabilang pinto na kasunod sa condo unit ni Shine.

"Hi... anong ginagawa mo dyan?" natatawang tanong nito.

Napanganga ako dahil sa taglay nitong ganda. Actually may kahawig syang korean actress, yun nga lang di ko alam ang pangalan.

"Heeey." tawag ulit nito sakin.

"Ahh S-Sorry. Akala ko kasi artista ka..." nahihiyang sagot ko.

"Wow! Ganun naba ako kaganda para pag kamalang artista?" nakangiti nitong tanong.

"Maganda ka naman talaga..." mahinang tugon ko. Na mas lalong ikinangiti nito.

"Nakuuu.... bolera ka." sabi nito.
"By the way may inaantay kaba?" muli ay tanong nito.

"Hmmm Oo di pa kasi sya dumarating." nahihiya pa ring sagot ko.

"Ahh... boyfriend mo?"

"Naku hindi. She's my boss." sagot ko.

"Ahh... actually kanina pa kita napapansin dito, nahihiya lang akong lumapit kanina. Kaso mukhang pagod kana kaya nag lakas loob na ko." nakangiti nitong pahayag.

Di ako makapaniwala sa sinabi nito.

Di ko alam kung ano ang isasagot ko.

"What I mean is... baka kasi gusto mo pumasok sa loob? Dun mo nalang sya antayin. Alam ko kasing na ngangawit kana dyan." nakangiti nitong paanyaya.

Sa tingin ko ay mabait ang taong to, and mas lalo syang gumaganda dahil smiling face ito di gaya ni Miss Shine na laging cold ang treatment sakin.

"Ahhmm.. Gustuhin ko man pero baka kasi dumating na sya tapos hanapin ako." pag tanggi ko dito.

"Ahh ganun ba? Sige... ay wait lang ha?" biglang ay sambit nito tsaka pumasok sa loob.

𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 (𝙶𝙻/𝙸𝚗𝚝𝚎𝚛𝚜𝚎𝚡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon