She's My Boss III

11.2K 119 23
                                    

Dangerous_Violetly
loveaddict29
Miss_CursedLove
reffiekevol

Continuation...

Kinabukasan maaga akong bumalik sa condo ni Ma'am Shine, nag taka ako dahil hindi naka lock ang pinto. Naabutan ko si Ma'am Shine na nanonood ng tv, himala at napaka aga nyang nagising.

Napansin nya marahil ang presensya ko kaya nilingon nya ko.

"Bat di ka umuwi?" cold na tanong nito sakin.

"Akala ko kasi ayaw mo ng istorbo." sagot ko dito.

"Ang sabi ko gumala ka muna di ko sinabing matulog ka kung saan saan." saad nito pero ibinalik na ang atensyon sa telebisyon.

"Nakauwi na po ba bisita nyo?" pag iiba ko sa topic at dumiretsyo sa kusina.

"After you left, pinaalis ko na sya." sagot nito.

Di makapaniwalang tinignan ko ito.

"Matutulog na ko, kumain kana lang kung gusto mo. Nag prepare na ko ng breakfast." saad pa nito, pinatay ang TV at humakbang papunta sa kwarto nito.

"Di ka ba papasok ngayon Ma'am?" tanong ko dito.

"Absent." sagot nito. "Di rin naman ako makakapag focus sa school dahil baka antukin lang ako."

"Bat di ka natulog?" tanong ko dito.

"I'm waiting for you." saad nito at pumasok na sa kanyang kwarto.

Ano raw? Inaantay nya ako?

Parang bigla atang lumukso ang puso ko dahil sa narinig ko.

Ano ba Ma'am?! Wag ganito marupok ako.

Sinundan ko ito sa loob ng kanyang kwarto.

"Ahmm b-bakit nyo po ako inantay?" Tanong ko dito ng makapasok na sa loob ng silid nito.

"I just want to make sure na uuwi ka, kaso parang mas nag enjoy ka sa kabila. Dun ka nalang kaya tumira?" Mataray na sagot nito.

Naku! Sana pala di nalang ako nag tanong.

"Ay wag po di ko na magagawa ang trabaho ko nyan." Sagot ko.

"Ang bantayan ako? Eh umalis ka nga diba sumama ka sa ibang babae, so papano mo ko babantayan?!" Patuloy pa rin ito sa pag susungit.

Hala! Parang nag seselos na jowa lang ahh.

"Sorry na po Ma'am, di na po mauulit." Sinubukan kong ngumiti dito baka sakaling madala.

"Really?" Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.

"Opo... Promise." Saad ko.

"Okay, matutulog muna ako."

"Sige po Ma'am, sleepwell po." Tugon ko at aktong lalabas na ng pigilan nya ko.

"And where do you think your going?" Pag tataray ulit nito.

Ano nanaman ba ginawa ko?

"Sa labas po, mag lilinis." Sagot ko ng may pag tataka.

"No, lay down beside me." Diretsahang sabi nito.

"Po?" Parang ayaw kasing rumehistro sa utak ko ang mga sinabi nito.

She rolled her eyes at tumingin sakin.

𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 (𝙶𝙻/𝙸𝚗𝚝𝚎𝚛𝚜𝚎𝚡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon