𝐌𝐲 𝐁𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥 𝐍𝐞𝐢𝐠𝐡𝐛𝐨𝐮𝐫 (1)

1.1K 18 1
                                    

𝐓𝐚𝐧𝐢𝐚

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


𝐓𝐚𝐧𝐢𝐚

Ako nga pala si Tania, 25 years old strong at independent nangungupahan kami sa quezon city ngunit mag isa na lamang ako dahil umuwi ng province ang parents ko para asikasuhin ang lupa na iniwan ng yumao kong Lolo't Lola.

Nag paiwan ako dahil ayokong bitawan ang trabaho kong pagka ganda ganda ng pa sweldo. Secretary kasi ako sa isang kompanya, kung saan nag bibigay sila ng incentives at commisions every time na ri-reach namin ang quota ng monthly sales.

At masasabi ko namang life is quiet good, hindi naman kami mayaman pero may extra budget kami para mag saya kahit papano.

Ang kaso nga lang, sabi ng karamihan you can't have it all sa buhay. I may have a good career pero, wala naman akong love life.

Nag ka boyfriend ako nung college mga 2 years din, pero nag break din shortly after ng graduation. At sinabi ko sa sarili ko... I will enjoy life, I will enjoy men, eh ang kaso naging mailap sakin ang boys. Wala akong makuhang matinong karelasyon, mga fling-fling lang kumbaga.

Pero mula nung mag hire ng new employee ang company, dun na ko nakakita ng masasabi kong matinong prospect walang iba kundi ang napaka gwapong si Liam.

Matangkad, medyo maputi, maayos manamit, at higit sa lahat malakas ang dating.

Nasa iisang company lang kami pero mag kaiba kami ng department. Pero dahil nga nasa iisang floor lang kami ay madalas kaming nag kikita, and somehow we found ourselves friends since madalas kaming sabay mag lunch kaya madalas rin naming nakakakwentuhan ang isa't isa.

"Tania..."

Narinig kong tawag sakin na kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Liam ang may ari ng boses.

"Oy Liam, bakit?" nakangiting tanong ko.

"Tara, kape." aya nito sakin.

"Wala pang breaktime ah." wika ko.

"Halika na, 5minutes nalang naman eh." giit nito.

"Oo na, eto na... mas mabuti pa mauna ka nalang sa pantry, i-sisend ko nalang to kay Sir." wika ko.

"Dalian mo, may iku-kwento ako." saad pa nito.

"Wow! Kelan kapa ba walang kwenento?"

"Basta, dalian mo na." tila excited na wika nito.

"Oo na, kung lumayas kana kasi dyan sa may glass door diba."

"Okay, dalian mo ha? Aalis na ko."

Tsss. Istorbo talaga tong si Liam, istorbo na nga sya sa utak ko. Istorbo pa in real life. Kung di ko lang talaga gusto to, naku di ko sya pag aaksayahan ng oras.

Pag pasok ko ng pantry, nakaupo ito roon habang may dalawang tasa ng kape ang nasa harap nito.

"Di naman halatang excited ka dyan sa ikukwento mo no." pang aasar ko.

𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 (𝙶𝙻/𝙸𝚗𝚝𝚎𝚛𝚜𝚎𝚡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon