Eljay ❤️ Reema II

19.3K 174 35
                                    

After 2 years

Eljay's POV:

Megan and I decided to transfer here in manila at subukang manirahan dito. Mahigit isang taon na rin kami ni Megan na magka relasyon, she was there with me all the time. She knows about my heartbreak dahil nandun sya nung nangyari ang pag amin kong yun. After that she never leaves my side, she help me through it all hanggang sa makapag move on ako kay Reema. And later on na realize kong I'm falling for her na rin pala.

Nung nalaman ni Kris at Rain na mag on na kami, at first nagulat sila at di makapaniwala pero tinanggap rin nila ang relasyong meron kami.

Mag aanim na buwan palang kaming namamalagi dito sa manila, pero until now hindi pa rin ako nakikipag kita kay Reema. Nawalan na kasi kami ng communication sa isa't isa, pero sigurado naman ako na kapag magkikita kami ulit ay parang kahapon lang kami di nag kita.

"Luv, nasan na raw sya?" Tanong sakin ni Megan.

"Kakababa nya palang sa plane Luv." Sagot ko dito.

Nasa airport kasi kami ngayon para sunduin si Kris, gusto nya raw kasi kami makita ni Reema. Kaya dumayo talaga sya sa luzon, ang sweet lang eh. Di nya na raw naisama si Rain dahil baka manganak ito ng wala sa oras, sa aming apat kasi nauna na syang mag asawa. Si Kris naman may long time relationship rin, si Reema hindi ko alam kung ano ng stado nya sa buhay. Kahit papano gusto ko rin syang makita, sila lang kasi ni Kris ang may contact sa isa't isa.

"Jaaaaaaay!!" Tili ng isang babae at patakbong lumapit samin.

Walang iba kundi si Kris.

"Hooy ang ingay mo!" Sita ko dito ng makalapit sa kinaroroonan namin.

Mahigpit akong niyakap nito.

"Ikaw naman, namiss lang kita eh." Saad nito ng matapos naming mag yakapan.

Bumeso rin sya kay Megan at kinumusta ito, pansin kong kanina pa palinga linga si Kris.

"May iba pa bang susundo sayo dito?" Tanong ko.

"Oo, kaso di ako sigurado kung susunduin ako ng baklang yun." Sagot ni Kris.

Si Reema?

"Ahh... Tawagan mo nalang, tapos kung di sya makakapunta dumiretso nalang muna tayo sa bahay." Suhistyon ko.

"Okay, sige." Sagot nito at kinuha ang kanyang phone para idial ang number nito.

Ng mapagawi sa likuran ko ay bigla nalang itong tumili.

"Reema!" Tili nito.

Excited rin akong napalingon sa likod, si Reema nga. Ang laki ng pag babago nito pumayat ata sya, at humaba ang buhok. Sa bagay ilang taon rin kaming di nag kita.

"Luv, bat di mo lapitan? Wag mo kong alalahanin, naiintindihan ko." Saad nito at kinindatan ako.

Ngumiti ako dito, isa sa mga rason bat sobrang minahal ko si Meghan dahil napaka open minded nito at sobrang understanding.

Lumapit ako sa dalawa, tinawag ako ni Kris para mag group hug. Pero hindi man lang ako tinignan ni Reema, parang napaka cold neto sakin. Nag karon na ba kami ng gap?

"Hi Ate, kumusta?" Tanong ko dito.

"Ayos lang, ikaw ba?" Balik tanong nito pero halatang pilit ang ngiti.

"Okay na okay..." Sagot ko at ngumiti.

"Tara na girls, gutom na ko." Sabat ni Kris sa usapan.

Bat parang napakalaki ng wall na pagitan saming dalawa?

𝐒𝐇𝐎𝐑𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 (𝙶𝙻/𝙸𝚗𝚝𝚎𝚛𝚜𝚎𝚡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon