Ang libro

8.2K 154 1
                                    


"Aray! Naku sorry po hindi ko po sinasadya" paghingi ko ng tawad sa matandang nabangga ko.

"Naku Ineng okay lang hindi rin naman kita nakita" tinulungan ko siyang pulutin ang mga librong dala niya.

Nakakahiya talaga! Hindi ko kasi siya napansin kaya 'di ako kaagad nakaiwas.

"Pasensiya na po talaga" sabay yuko ko. Nakakahiya talaga ang dami na nga niyang dala nabangga ko pa siya ng dahil sa katangahan ko.

"Ayos lang yon ineng ano kaba haha. Ito oh, sayo nalang itong isang libro dito tutal tinulungan morin naman ako" inabot niya sakin ang isang libro na may pamagat na The journey mukha namang maganda ang libro dahil bago pa ito.

"Salamat po" sabay kuha ko ng libro.

Nagpaalam narin ako sakanya dahil may klase pako at ayokong mahuli.

"Bakit ang tagal mo yesh nalate ka sa 1st sub natin" bungad ni Abby kaibigan at classmate ko.

Hayy..ito na nga ba ang sinasabi ko.

"May nangyari kasi sa daan kaya di ako agad nakapasok" umupo kami sa upuan sa canteen at kumain muna.

"Ano bang nangyari?" Naalala ko naman ang librong bigay nung matandang nabangga ko.

"Ito libro bigay nung matandang nabangga ko kanina kaya ako na late" sabay pakita ko ng libro.

"Wow ang gandang libro bago pa at mukang mamahalin" kinuha niya ito sa kamay ko at trinace ang bawat gilid.

"Ano nga palang ginawa niyo kanina?" Tanong ko bago sumubo. Nagutom talaga ako ngayong araw.

"Nag discuss si sir kanina tapos nag pa activity narin role play lang naman" at ibinalik na sakin ang libro. Mamaya ko babasahin ito kauwi.

"May pupuntahan kaba mamayang tanghali?" Napatingin ako sakanya.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Meron kasing free concert mamaya sa plaza baka gusto mong sumama samin ni Aljon" si aljon nga pala ang boyfriend ni Abby.

"Hindi na baka makaabala pako" nakangisi kong sabi at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Paano, kita nalang tayo bukas ah" nasa labas na nga pala kami ng school dahil tapos na ang klase.

"Okay sige ingat" at tuluyan na siyang sumakay ng bus.

Nagsimula nakong maglakad pauwi. May sasakyan naman ako kaya lang malapit lang ang school sa bahay namin kaya mas gusto kong maglakad.

Love the mother earth. Stop pollution ses.

"Hello mom" bati ko kay mom ng makita ko siyang nagkakape sa sala. Tumayo siya at hinalikan ako.

"Hello anak how's school?" She asked habang nakayakap sakin.

"Okay lang po, si mommy po?" Tanong ko rito.

Meron nga pala akong dalawang nanay kung tatanungin niyo kung pano nangyari yon oh well they fell in love with each other at ako ang naging bunga at si Christy narin ng pagmamahalan nila by the use of IVF. Mas matanda nga pala sakin ng 2 years si Christy and I'm 19 right now.

"Nasa work pa anak maya maya uuwi narin yon" she said at bumalik na sa kinauupuan niya.

"Sa taas na po muna ako mom" I said at tuluyan ng umakyat ng kwarto.

Binaba ko ang bag ko at umupo sa study table ko. Kinuha ko ang libro at tinignan ito. Binuksan ko ito pero nagulat ako dahil wala namang nakasulat, binuklat ko pa ang ilang page pero puro blank page lang ang meron.

The Journey Of Ayesha Delmundo Reyal (GxG) (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon