"Ibig mong sabihin galing ka sa malayong lugar at ipinadala ka dito para tumulong sa negosyo namin?" Tanong nito sakin. Naagad kong tinanguan."At sinasabi mo na malayong kamag-anak karin namin?" Muli ko siyang tinanguan.
Kung ano ano ng istorya ang sinabi ko maniwala lang sakin si Don Enrico.
Alam kong matalino siyang tao at kaya niyang basahin kung kaaway ba ang nasa paligid niya kaya sinigurado kong hindi ako gagawa ng hakbang na magpapakumplikado ng lahat para sakin.
"Ganon nga po, hindi ko naman po ipinipilit sainyo kung maniniwala kayo sakim o hindi. Wala rin po akong masamang intensyon sainyo odikaya sa kayamanang meron kayo. Kung hindi parin po kayo naniniwala pwde naman po akong umalis." Mabigyan sana ako ng award sa matindi kong pag-arte dito.
"Sandali" tawag niya sakin ng akmang lalabas nako ng bahay.
*sigh* Mabuti nalang tinawag niya ako. Malapit nakong mawalan ng pag-asa.
Isama mo pa ang takot ko na baka wala akong matulugan ngayong gabi sa kadramahan ko.
Dibale pwde naman akong bumalik kina victoria kung sakali hehe.
"Bakit po?"tanong ko.
"Mukha ka namang katiwa-tiwalang tao. May pagkakahawig karin sa anak ko kaya maniniwala nako na malayong kamag-anak nga kita kaya pwde ka ng manatili dito."
Yeahey! Ayos mga ackla!!
"Anong nangyayari dito Ama?" Tanong ng bagong dating nasi lolo.
Wow ang pogi niya pala noong kabataan niya.
"Sorry po hehe." Paghingi ko ng paumanhin kay Don Enrico sabay kalas ng yakap sakanya.
"Ayos lang. Nga pala ayesha siya si bonifacio ang anak ko. Bonifacio siya si ayesha malayong kamag-anak natin galing sa malayong syudad. Siya rin ang tutulong sayo sa paghawak ng ating negosyo"
Napatingin naman sakin si lolo este si boni pala.
Tinitigan niya lang ako mula ulo hanggang paa na animoy kinikilatis kung masamang tao bako o hindi.
Gantong ganto din siya noong dinala ni mommy si mom sa bahay eh.
Lumayas kasi si mommy para lang magpakasal kay mom kaya medyo malaki na kami noong nakilala namin si lolo.
"Hello boni."
Oo na, ako na ang pinakawalang galang na apo. Wakayongpake.
"At nagsasalita karin ng Ingles tunay na magkadugo nga tayo."
Ay ang hangin ah.
"Oo, turo ng mommy ko."
Hindi ko masabing natuto ako sa paaralan. Hindi ko kasi alam kung nakakapag-aral na ba ang mga babae dito? Sabi kasi sa history class namin may period/era na hindi accessible sa mga babae ang school.
Mabuti ng nag-iingat.
"Napakatalino siguro ng nanay mo kung ganon."
"Syempre mana sakin." Flip hair ko.
"Haha may pagkakumidyante ka pala."
Mukha bakong nagbibiro?-_-
"Boni anak pakipasyal mo naman si ayesha sa lupain natin ng malaman niya ang nangyayari sa ating negosyo" utos ni Don Enrico rito.
"Masusunod ama. Halika na ayesha." Tumango ako sakanya at sabay nakaming naglakad palabas.
"Ano ba ang estado ng negosyo natin lolo este boni"
BINABASA MO ANG
The Journey Of Ayesha Delmundo Reyal (GxG) (UNDER EDITING)
Fantastik"Asan ako? Anong lugar to? Bakit..parang nasa ibang panahon ako?" "Tabi!" "Ay kabayo!" Shemay muntik nakong masagasaan ng kalesa! "Hoy manong kung hindi po kayo marunong mangabayo mas mabuti pang kayo nalang ang maging kabayo!" Susmaryosep muntik n...