"Magandang umaga victoria" bati ko rito at hinalikan ang likod ng palad niya.Bumisita nga pala ako dito sa bahay nila buryong na buryong na kasi ako sa bahay.
Maliban sa black and white na tv na kasing laki ng projector ay puro puno nalang ang nakikita ko.
Baka di maglaon maging puno narin ako."Magandang umaga rin naman ayesha" naks ngiti palang nakakainlove na. In love na nga pala.
Pasimple akong tumingin sa likuran niya kung nasaan ang living room nila.
Mabuti naman at wala ang kumag rito kundi masisira talaga ang araw ko kapag mukha niya nanaman ang makikita ko.
Kulang nalang ipahila ko siya sa towing truck para lang mailayo siya kay victoria.
"Wala ba ang manliligaw mo?" Tanong ko pa.
Gusto ko lang makasiguro para alam ko kung kailangan ko na bang ilabas ang calibre ko.
"Sinong manliligaw naman ang tinutukoy mo?"
May amnesia kaba at nakalimutan muna kaagad ang pagtataksil mo sakin kagabi?
Pagtataksil amputa. Feelingera!
Lakangpake!
"Alam mo sa lugar namin masama ang alak kaya dapat iniiwasan ang isang yon." Binigyan niya naman ako ng pagtatakang reaksyon.
"Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan." Tipid akong ngumiti dito at umiling.
"Wala kalimutan muna. Gusto mong mamasyal...kasama ako?" Biglang sumilay sa labi niya ang isang ngiti parang naexcite siyang niyaya ko siya.
"Oo naman. Sino ako para tanggihan ang isang delmundo na ilang dekada ng tumutulong saamin." Lumukot naman ang mukha ko.
"So sasama kalang dahil isa akong delmundo? Hindi dahil sa gusto mokong makasama?"
Grabe ha ngayon lang ako naisantabi ng ganito.
"Silly, of course I want to be with you, sasama ba ako kung ayaw kitang makasama?" Nagkibitbalikat ako.
"Ewan. Baka napilitan kalang kasi---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng pahintuin ako ng hintuturo niya.
"Kahit kailan ay hindi ako napilitan na samahan ka. Masaya ako kapag kasama kita kaya bakit ko pipilitin ang sarili ko kung alam kong masarap kang kasama."
Alam kong namumula na ko ngayon.
Naknang kinilig ako putek.
Tuluyan na kaming lumabas ng bahay nila. Nagpaalam rin muna ako kay carmela at baka hanapin niya si victoria.
Nakasakay nga pala kami sa kalesa na pagmamay-ari nila at ngayon naglilibot na kami sa bayan.
Ang daming magagandang damit akong nakita, may mga prutas sa daan, at iba iba pang mga gamit na pwdeng pakinabanggan.
Ganito pala noon parang nasa ibang bansa kalang. Walang traffic masyadong traffic at taong namimili.
Hindi kagaya sa mall na halos dumugin. Akala mo may blockbuster
movie palagi."Manong pabili nga po dalawang piraso ng mansanas niyo" pagbaba ko palang ng kalesa ay ito agad ang nakita ko.
Natakam ako kaya bakit hindi ko subukang kumain diba.
Agad niya itong ibinigay kaya agad din akong nagbayad.
BINABASA MO ANG
The Journey Of Ayesha Delmundo Reyal (GxG) (UNDER EDITING)
Fantasía"Asan ako? Anong lugar to? Bakit..parang nasa ibang panahon ako?" "Tabi!" "Ay kabayo!" Shemay muntik nakong masagasaan ng kalesa! "Hoy manong kung hindi po kayo marunong mangabayo mas mabuti pang kayo nalang ang maging kabayo!" Susmaryosep muntik n...