Sampal ng katotohanan

1.9K 79 2
                                    

"Magandang umaga po" pagbati ko sa mga trabahador namin dito sa palayan.

Nagpaalam ako kay boni kung pwde akong tumulong na magtanim ng mga palay at gulay, mabuti nalang at pumayag siya kaya andito nako ngayon.

Kahapon mapagod ako sa palakad lakad sa bayan para lang hanapin yung bwisit na libro.

Nakakahiya pa kay victoria dahil nadamay ko pa siya sa mga kalokohan ko.

Kahit sabihin niyang ayos lang at masaya siyang tulungan ako ay nakakahiya parin.

Desenteng babae si victoria at ang umuwi ng gabi mula sa kung saan ay hindi magandang tignan sa kahit na sinong babae.

Sinabihan narin ako ni boni kanina na kung maari ay wag ng masyadong lumalabas ng gabi dahil kahit nakalaya naraw ang bayan sa kamay ng mga spanish ay nadala na nila ang cultura nito.

Humingi rin siya ng tawad tungkol sa sinabi niya pero hanggat maari ay pigilan ko parin daw ang nararamdaman ko kay victoria dahil baka anong gawin sakin ng mga gonzales...

Na labis koring ikinababahala.

"Magandang umaga din po senorita, senior" bati nila saamin.

Ngumiti ako sa mga ito at kumaway. Ayokong maramdaman nilang andito ako para mang-utos. O dikaya umarte na parang mayordoma na kung makapag-utos ay parang nagmamay-ari ng bahay gayong trabahodor lang din naman ako kagaya nila.

Gusto kong maramdaman nila ang pagiging friendly ko. Naniniwala rin ako na ang sucess ng isang kumpanya o ang matatag na pamamahala ay nagsisimula sa mga nasasakupan.

"Ngayong araw ay makakasama niyo si ayesha sa pagtatanim.  Kayo na muna ang bahala sakanya rito. Ituro niyo sakanya ang tamang pagtatanim ng palay at iba pang gawain na pwde niyang gawin. Wag niyong hahayaan na may mangyaring di kaaya-aya sakanya dahil alam niyo na ang mangyayari." Pahayag ni boni.

Pakiramdam ko tuloy binantaan niya yung mga trabahador. Bad boni. Bad.

"Masusunod po senior." Wika ng isang lalakeng may katandaan na ng konti.

"Dito po tayo senorita" magalang na usal nito sakin.

Tuluyan naring nagpaalam si boni dahil may mahalaga paraw siyang gagawin.

Habang ako heto kinareer ang pagtatanim.

"Ganito lang po ang gagawin rito seniorita." Dala ang mga maliliit na palay ay denemo sain ni kuya ang tamang proseso ng pagtatanim.

"Kukuha lang po kayo ng isang palay tapos ilalagay niyo lang sa lupa. Huwag pong masyadong madikit sa isat-isa dapat po ay may pagitan ng konti kung hindi ay baka mamatay po ang palay. Kailangan niyo lang din pong sundan ang palay na ilalagay niyo hanggang sa makabuo kayo ng diretsong linya." Pinag-aralan kong mabuti ang mga itinuturo niya sakin.

Ang galing talaga ng gawa niya dahil tuwid tuwid yung pagkakatanim ng palay.

Mapapakanta kanalang talaga ng ang magtanim ay di biro.

"Sige po ako ng bahala rito sa mga natira. Maramin salamat sa pagtuturo." sabay kuha ko ng mga palay sakanya.

Akala ko noon binhi ang ginagamit nila sa pagtatanim ngayon pala ay maliliit na palay na parang damo.

Ilang ulit kong ginawa yung technique ni kuya pero kahit anong gawin ko medyo lumihis talaga ng landas ang akin.

Hindi naman kasi ako tuwid kaya baliko din ang gawa ko duh.

"Ayesha!" Sigaw ng kung sino.

Paglingon ko sa may dikalayuan ay si victoria pala.

"Hello!"Kinawayan ko siya mula sa lugar na kinatatayuan niya at dahan dahang lumapit.

The Journey Of Ayesha Delmundo Reyal (GxG) (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon