Elgranda sa taong 1967

3K 111 4
                                    


"Excuse me may I know where am I?" Tanong ko sa isang taong nakasuot ng makalumang damit.

Hala siya tignan mo yon hindi manlang ako pinansin.

Snober pala ang mga tao dito parang crush mo.🤭

Kabababa ko lang sa lugar na pinanggalingan ko.

Sobrang haba ng nilakad ko mga beh makarating lang dito tapos wala manlang sasagot sa tanong ko kung nasan ako. Where's the manners people?

Nagtanong tanong pako sa ilang taong nadadaan ko pero ni isa sakanila wala talagang sumagot.

Out of reach yata mga ferson dito.

Ang bait naman pala ng mga tao rito kung totoo mang nasa nakaraan nga ako.

Tingin ko nga pinagtitripan lang ako ng Minervang yon pero yung damit kasi bakit napakamakaluma at nahahawig sa mga pictures ni lolo.

Baka kasi may shooting?

Inilibot ko nalang ang paningin ko baka sakaling may karatula o ano mang signage na makapagsasabi kung nasan na nga ba talaga ako.

Ay teka yun! may nakasulat... Bienvenido a Elgranda..

Ay wait! Yun yung lugar kung saan nakatayo ang bahay ni lolo ah.

So andito pala talaga ako sa panahon kung kailan nabuhay ang mga magulang ni lolo at pati narin siya?

So nasa 90's ako ngayon or 80's?

Ayos ah ano kayang itsura ng lumang bahay namin? Ganon din kaya ang itsura?

"Waaaahhhh!" Napasigaw nalang ako ng may paparating na puting kalesa sa kinalalagyan ko. Mamatay ba ako sa panahon nato? Jusko wag naman sana gusto ko pang makita ang mommy at mom ko..huhu

"Binibini ayos kalang ba?" Napamulat ako ng mga mata.

Nakita ang isang babae sa harapan ko.

Ang ganda niya naman..😳 nakasuot siya ng makalumang kasuotan kagaya ng mga nasa larawan ni lolo, kulot rin ang buhok niya at may hawak na pamaypay. Wow old fashion mameh~

"Ha?..ah oo ayos lang ako" muntanga lang ayesha seryoso?

"Sigurado kaba na hindi ka nasaktan o nagalusan manlang? Nag-aalala niyang tanong.

"Ang caring mo naman. Pwdeng magpaalaga sayo?" Wala sa huwisyon kong nasabi.

"Ano yon?" Doon ako natauhan sa tanong niya.

"Wala wala. Sabi ko po, sigurado ako" mabuti nalang di ako nautal shet.

"Alam mo ba kung nasan ako ngayon?" Well gusto kolang naman masigurado kung anong taon na ba ngayon.

Nabasa ko kasi sa dyaryo ay 1898? Tama ba tingin ko o naduling lang ako?

"Nasa bayan ka ng Elgranda at ang taon ngayon ay july 15 1967"

Aaminin ko, medyo nakahinga ako ng maluwag. Medyo slight lang. Kita ko kanina 1898 eh at least nasa 90's naman pala ito.

19 years old palang si lolo dito. March 15 2030 ang pinagmulan ko. It means 44yrs ago ang binalikan kong panahon...hihimatayin yata ako.

"Ako nga pala si Carmela mula sa angkan ng mga Flores, Ikaw ano ang pangalan mo?"

"Pangalan ko, ako si Ayesha Delmundo Reyal mula sa malayong lugar" Alangan namang sabihin kong mula ako sa hinaharap edi napagkamalan pakong baliw.

"Delmundo?" Tumango naman ako.

"Kilala mo ba ang pamilya ni Don. Enrico Delmundo?" Enrico delmundo?..hmm. Teka yun ang pangalan ng tatay ni lolo. Sapagkakatanda ko ha, minsan kasi may memory lost ako alam niyo naman normal sa mga kabataan ngayon hehe.

The Journey Of Ayesha Delmundo Reyal (GxG) (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon