Chapter 2

5 1 0
                                    

Waking up and starting a new day. Typical day. Punta sa bathroom, do all that morning stuff and go downstairs for breakfast with my "lovely" family.

"Goodmorning darling!" my stepmom greeted me while placing a "feathery" kiss on my cheeks. And yes, you guessed it right. Andito si dad kaya "anghel" siya ngayon.

"Goodmorning" I just simply said.

Hindi na rin ako nagtagal sa bahay at umalis na papunta sa bahay nina Jin. Magpapractice daw kami para sa event ngayong gabi.

You're probable wondering what event am I talking about. Well, may bar na malapit sa mini stage namin and they invited us to perform for the night. Malaki rin ang pasahod nila so we gladly accepted their offer. Every Saturday lang kami mag peperform sa bar and we can have free drinks and foods.

After about 5 minutes of walking, nakarating na rin ako sa bahay nina Jin. And ofcourse, dahil nga may kaya sila Jin, kailangan munang dumaan sa guard house nila for security purposes. Tapos ipapasundo sa nagpapunta sayo.

"Kuya, kay Jin po." diretsong sabi ko sa guard na nagbabantay.

"Pangalan" walang emosyong wika nito.

"Naisha Grey"

"K"

Natawa nalang ako sa sinabi ni kuya at hinintay si Jin. 2 minutes later, nakita ko na si Jin na tumatakbo. May sira ata 'to. Napakarami nilang kotse tapos tinakbo niya lang mula sa bahay nila.

"Pasok ka na, anjan na si sir" sabay ngiti ni kuya guard. Napansin kong biglang nagbago yung mood niya. Kung kanina, napakaseryoso niya na parang may dalaw, ngayon naman ay parang anghel na siya. May dalaw nga ata si kuya.

"Salamat"

Saktong pagkasabi ko ng salamat ay inirapan naman niya ako. Confirmed! May dalaw.

Hinila na ako ni Jin papasok at patakbong pumunta sa mini studio nila. Take note, hila hila niya pa ako. Muntik na akong sumubsob sa simento.

"Piste! Jin! Yung mukha ko! Muntik na makipaghalikan sa simento niyo!" galit na sabi ko sakanya.

"Sayang. Dapat tinodo ko na yung paghila at pagtakbo para naman may maka-french kiss na yung simento namin. Ikaw na rin yung magiging first kiss niyan" natatawang sagot naman ng mokong.

Binatukan ko nga.

"HAHAHAHAH, Jin, akala ko ba ako yung magiging first kiss ng simento niyo, ba't nauna ka?" naluluhang sabi ko pa sakanya at namimilipit na ako sa kakatawa. Paano ba naman, nung binatukan ko, may nakaharang pala na bato sa dinaraanan namin kaya sumubsob.

Tumayo nalang siya at hinila ako papunta sa mini studio. Kitang kita mo kung paano mamula yung tenga niya dahil sa hiya. Natapos na rin ako sa kakatawa at nakita ko na yung mga kasama namin.

Si Jim, nagsimula ng mag set-up. Tinulungan na siya ni Andrew at Jash.

Prinactice na namin yung tatlong kantang ipeperform namin mamaya. Hindi ko napansing hapon na pala kaya umuwi na ako para magbihis. Nagkulitan pa kasi kami kaya hindi namalayan yung oras.

Nagkita kaming lahat sa mini stage at sabay na pumasok sa bar. Hindi raw makakarating si Terrence kasi may ginagawa na about sa business nila. Namimiss ko na tuloy yun.

Pag akyat namin sa VIP place kung saan kami pinatuloy nung manager ay magsimula na akong mag vocalize at nagpractice pa ng kaunti kasama sila Jin.

Tinawag na kami ng manager at sabay kaming umakyat sa stage habang dala dala nila yung mga instruments nila. Habang nag seset-up sila, nahagip ng mata ko ang isang pigura. Naka t-shirt lang na puti at itim na pantalon habang pinapaikot yung mga susi niya sa kaniyang mga daliri.

When Dreams Do Come TrueWhere stories live. Discover now