Naisha's POV
I'm currently in the midst of debating in my mind if I should wear this comfortable dress or a casual attire. Suddenly, I heard a knock outside my door and was shocked to see Terrence. I glanced at the wall clock and saw that it was already 5.
"And yes, you're not yet ready, Love"
Pinagtawanan pa niya ako.
"Or you're gonna wear your robe?"
"Ugh! Shut up, Love. Help me pick please" with matching pa-cute face pa.
"You should wear the dress, Love. I know it will look good on you."
And me, being the obedient girl I am, took the dress and went to the bathroom to change.
Pagkatapos ay lumabas na ako at kumuha ng flats. Nakita ko si Terrence sa sala kasama si dad. Ipagpapaalam niya ako kasi gusto ni dad na siya mismo ang kausapin.
Pagbaba ko ng hagdan, napansin naman agad ako ni Terrence at sinabing mag-aantay daw siya sa labas at kakausapin muna ako ni dad.
"Nak, mag-ingat ka ha. Wag kang hihiwalay kay Terrence." Paalala naman ni dad.
"Opo dad. Alis na po ako." Hinalikan ko siya sa pisngi bago lumabas at puntahan si Terrence.
Nakaabang siya sa may gate at dala niya yung sasakyan niya.
"Saan ba ang punta natin love?" Pagtatakang tanong ko sakanya habang pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Secret na yon love. Ako na ang bahala sayo."
Pagpasok niya sa kotse, sinuot niya muna sa akin yung seatbelt ko tapos magsuot din siya ng sakanya.
Nang makaalis kami, napansin ko namang pamilyar ang daang tinatahak namin. Hindi ko lang maalala kung kailan ko nakita to pero alam kong pamilyar ito at nadaanan ko na.
"Teka love. Pupunta ba tayo sa park?" pagtatakang tanong ko sakanya.
"Yes love. Kung saan tayo unang nagkita"
Pagkarating namin sa park, naalala ko kaagad kung paano nga ba kami unang nagkakilala.
Flashback
Typical morning. Naglalakad sa park at naghahanap ng makakain. Well, marami namang pagkain dito pero yung hinahanap ko talaga is yung kwek kwek at fishball. Buti nalang marami ngayong nagbebenta rito.
Hinanap ko si Kuya Lito. Sakanya kasi ako bumibili ng streetfoods. Masarap kasi tapos mabait pa siya. Malinis din yung mga paninda niya.
40 years old palang siya kaya marami ring bumibili sakanyang mga babae. Makisig rin siya at gwapo ang mukha. ‘Yan din yung dahilan kung bakit maraming suking babae.
Bukod din sa kakisigan, makakausap mo rin siya tungkol sa mga basketball, football, soccer at volleyball. Maraming alam ‘yan pagdating sa mga sports. Updated din kung sino na yung nanalo sa last game.
May mga payo rin siyang nalalaman. Mapapayuhan ka niya pagdating sa pag-ibig, pamilya, buhay, at kung anong mga technique ang magagamit sa panliligaw. Pati na rin sa mga laro, marami rin siyang mapapayo.
Nakita ko siya malapit sa stage. Kakarating lang din niya.
Nang makalapit na ako sakanya, bigla na niyang prinito yung dalawang kwek kwek at isang fishball. Hindi ko na siya kailangang sabihan kasi alam na niya yung bibilhin ko.
“Niluluto ko na po, madam. Antay ka lang po ha.” mapagbiro niyang sabi sakin.
“Okay boss. Salamat ha.” sagot ko naman sabay kindat sakanya.
YOU ARE READING
When Dreams Do Come True
RomanceI'm the darkness || He's the light I'm death || He's life I'm the imagination || He's the reality I'm his || He's mine Not an ordinary girl with a perfect life. Si Naisha ay isang babaeng magulo ang buhay. Ang tanong na lang ay kung ano ang totoo at...