TTS 1
(12/12/14 4:32PM)
"Wag ka ngang malikot pakiusap lang Mr. Choi." ayan na naman siya at nag rereklamo. Ilang gabi na to ah.Kung hindi siya mag rereklamo na kesyo magalaw daw ako o kaya ang tahimik ko daw. Naloloko na ako sa mga reklamo niya sakin. Kung di lang to buntis pinaulanan ko na to.
"Wala na nga akong ginagawa eh. Honeybaby naman matulog na ttayo. Si baby gusto na matulog eh." sabi ko ng mahinahon sa kanya. Nag susungit siya kaya wag daw sabayan ang kasungitan. Ganyan na daw talaga ang buntis.
"Eh pano ako makakatulog mahal kong hari kung galaw ka ng galaw jan. Ang laki laki ng tiyan ko di na tayo mag kasya." sabi niya. Napabuntong hininga na naman ako, naawa ako sa kasama nito nung pinaglilihi si Marcus. Ang kulit niya. Napangiti na lang ako at hinagkan siya.
"Oh ano na naman yan? Nag lalambing ka na naman matapos mo kong di patulugin." sabi nito. Itinapat ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya. Ginagalaw ko ang labi ko ng maramdaman kong sumabay na siya.
Di ko alam kung ilang minuto kamig nagpalitan ng halik ng tinigil ko na dahil baka di na siya makahinga, ayaw kong mangyari yun. Nakasimangot siyang humarap sakin.
"Bat mo ko hahalikan kung ititigil naman na din pala." sabi niya. Lalo akong napangisi at muling sinakop ang labi niya. Sumusunod na talaga siya mukhang takam na takam hanggang siya na ang bumitaw.
"Tama na dosage nun, okay na ako. Matulog na tayo." sabi niya at saka kinuha ang kamay ko para ipatong sa maumbok na niyang tiyan na laman ang anak namin. Nakatalikod siya saakin at nakaakap ako mula sa likod niya.
"Halik lang pala katapat mo Honeyababy eh." hinlikan ko siya sa buhok at naring ko ang maliit niyang hagikhik. Ayan, makakatulog na kami.
BINABASA MO ANG
The Told Secret
FanfictionThis is a compilation of random updates in connecting to TOP's Secret. Updates are not scheduled.