TTS 2

190 3 1
                                    

TTS 2

(December 23, 2014 10:26AM)

"Tatawag na lang ako if ano man. Mag ingat ka jan hu? Si Mama nga pala bumisita sandali sa kaibigan niya. Babalik naman daw agad, sinama niya si Marcus." pag papaliwanag ko kay TOP na kausap ko sa kabilang linya.

Nasa YG kasi siya ngayon dahil may meeting sila sa upcoming album na dapat na irelease nila sa susunod na buwan. Medyo nagiging busy siya dahil dun madali nang malowbatt ang telepono ko dahil halos minu-minuto kung tumawag ito.

Kabuwanan ko kasi na ngayon at alagang alaga na sila saakin. Si Mama dito na rin natutulog saamin. Si TOP naman kailangan ko na lang talagang pilitin para pumasok sa trabaho dahil ayaw niya talaga akong iwan. Ayaw ko rin naman din na sumama sa YG dahil mas gugustuhin ko pa talagang humilata sa kwarto.

"Okay, just remember to call me if anything happens. Pag may maramdaman kang masakit okay?" Nag aalala niyang sambit. May naring akong tuwa sa tabi niya. Pinulbusan naman niya ito ng mura na ikinatawa ko rin.

"Oh sige na, kakain muna ako. Ibababa ko na phone hu." Saad ko sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga niya. Gusto niya pa akong makausap.

"Okay. As much as I want to talk to you all day, masama na ang tingin ni Sajangnim saakin. We don't want him angry don't we? I love you Honeybaby. Call me okay?" Sabi nito.

"Oo na. I love you too!" Ibinaba ko na ang telepono bago pa man ito makapag open pa ng panibagong topic na mas lalong mag papahaba ng topic namin.

Tumayo ako mula sa pag kakahiga at nag tungo sa kusina para kumuha ng gatas at mga prutas. May nararamdaman naman na akong contractions ng konte at hindi ko pa ito sinabi sa kanila.

Base sa experience ko kay Marcus siguro bukas o sa susunod na araw pa ito. Patuloy din ang pag galaw niya. Gaya din nung kay Marcus, hindi na ako nag patingin kung ano yung gender ng bata. Gusto ko rin itong maging surprise, pumayag na din si TOP dito.

Nang nakuha ko na ang itinungo ko sa kusina ay nilapag ko ito sa coffee table sa harap ng TV at binuksan ito. Umupo ako sa couch at nag hanap ng magandang channel.

Halos lahat na ata ng channel na daanan ko na pero wala parin akong makitang magandang panoorin.

Inabot ko ang telepono ko at nagscan ng pwede kong tawagan ngunit ganon parin wala parin akong nagustuhan na tawagan. Ibinaba ko ito at ipinatong ang ulo ko sa sandalan.

Ipinikit ko ang mata ko at inisip ang lahat ng mga pang yayari sa buhay ko. Para naman nang nobela ang istorya ng buhay namin. Napapangiti na lamang ako sa mga pangyayaring iyon.

"Natatae ako." Tumayo ako at nag tungo sa banyo para na sanang umupo sa kubeta ng may tubig na bumuhos sa hita ko.

"Oh shit manganganak na ako."

---
Omg omg

The Told SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon