TTS 5

157 3 0
                                    

Ilang araw ko rin siyang di masyadong pinansin ngunit di ko talaga siya matiis. Isang halik niya lang sa batok ko lahat ng galit ko naalis. Nakakainis alam na alam na niya talaga kahinaan ko.

Andito kami ngayon sa sasakyan niya papuntang club na pag dadausan ng party ni GD. It'll be my first party after giving birth. Nagtalo pa kami ni TOP dahil ayaw ko talagang sumama sa mga party-party na yan dahil hindi nga kami match ng mga lugar na ganon pero pinipilit niya talaga ako. Sabi niya na hindi daw siya mawawala sa paningin ko.

"Sino-sino yung nasa party?" Tanong ko sa kanya. Pinahiran ko ang pawis niya habang abala siyang nag mamaneho.

"Hyungs of YG, some Models, and some friends of his from Japan." Sabi nito. Tumango ako.

"Diba nag away sila ni Dara-unnie? Okay na ba sila?" Tanong ko rito. Kitang-kita ko ang pag kibit balikat niya.

Sana di sila mag hiwalay. They were my otp, and still my otp.

Dumating kami sa club at naramdaman ko agad ang amoy na di ko kelan pa masasanayan. Biglang umurong ang sikmura ko. Namiss ko tuloy mga baby ko. Kasi naman tong Tatay nila kailangan pa akong isama.

Iginaya niya ako papasok at dumaan kami sa daan na walang masyadong tao. Binabati niya ang mga nakakakilala sa kanya at ngumingiti rin ako rito.

Ilang sandali lang ay narating namin ang lounge kung saan kami mamamalagi sa gabing iyon. Puno ng mga di ko maintindihang magsalitang tao ang kwarto na marahil iyong kaibigan ni Jiyong-oppa from Japan. MaoOP ata ako dito. Nilinga ko ang paningin ko para maghanap ng pwede kong makausap ng may tumapik saakin .

Nilingon ko iyon at nakita si Bessy na nakangisi saakin hawak ang isang shot. Ibinigay niya ito saakin. Kinuha ko ito. Wala naman akong balak na uminom or whatsoever. Para may mahawakan lang ako at isipin nila na I also beling here. I looked at my side where TOP is standing at nakita kong tiningnan niya ang hawak kong shot.

"And what is that baby? You'll drink?" Tanong niya.

"Hahawakan ko lang. I'll give it to you later." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at iginaya na akong umupo. Umupo din sa tabi ko si Bessy.

"I'll get you something to drink. And give me that. Teddy no alchohol for that lady." Kinuha na niya ang baso sa kamay ko. Ang sabi ko sakanya ay ibibigay ko naman kinuha agad.

"So, Bessy who are this people?" Pabulong ko sa kanya. Inilibot ko rin paningin ko sa paligid at mukha talaga akong unknown dito. Ang gagara ng mga damit nila eh. Eh ako black dress lang na ayaw pa sana payagan ng asawa ko kasi maliit daw pero sinuot ko lang. Ang tagal ko nang di nakapag damit ng ganito.

"Some music people that Jiyong are friends with. Kaibigan din yan ng Talalabs mo." Sabi nito. Tumango naman ako inilinga ko ang mata ko sa lugar at may nakita akong nakatingin saaking lalake. Di ko siya mamukhaan pero masasabing hindi siya taga Japan or taga Korea. Ngumiti siya saakin, ngumiti ako pabalik. Iniba ko na lang ang tingin.

"Mag siCR lang ako." Tumayo si Bessy. Tumango lang ako rito at umayos ng upo. Nang makaalis na si Bessy ay kinuha ko na yung cellphone ko para matingnan ang picture ng mga anak ko. Namiss ko na sila.

"Hi." May nagsalita sa harap ko. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko iyong lalaking ngumiti saakin.

"Hello." Sagot ko naman. Inabutan niya ako ng shot. Ayaw ko sanang kunin dahil di ko naman na to iinumin pero kinuha ko parin para naman di ako maging bastos. Umupo siya sa tabi ko. Inilinga ko ang paningin ko para hagilapin sa dagat ng mga tao ang asawa ko. Alam ko ang pakay ng lalaking to.

"I'm Diplo. You are?" Tanong niya. Diplo..Diplo..Diplo. Oh naalala ko na. Isa tong sikat na DJ. May mga naging collaborations na siya with GDTOP before. Iniabot niya kamay niya para kamayan ko. Iniabot ko naman ang akin.

"Lara." Sagot lamang. I don't want to give something that'll give him a wrong idea. Duh, may asawa akong tao at nasa bahay ang dalawa kong anak ngayon pa ako lalandi?

"You're friends with GD?" Tanong niya. Bago pa man ako makasagot ay may sumagot na para saakin.

"Yeah she's friends with GD and married to me. Bro meet my wife." Saad ng boses na kumuha ng atensyon namin. Finally dumating na siya. Tumayo ako para ipulupot ang mga braso ko sa beywang niya. Binigyan niya ako ng matamis na halik. I know that kiss, he's marking his property. Napangiti ako doon.

"Oh I see. She was alone and I figured maybe she needs company. Well since you're here now. I think I should head out first. Nice meeting you Lara. Bye Bro." Nagpaalam na si Diplo. Mas lalong lumaki ang ngisi ko ng iharap ako ng asawa ko para magkasalubong ang mga mata namin.

"Kindly remind me to never leave you alone?" Nakanguso siya at magkasalubong ang mga kilay. Gusto kong matawa sa inaasal niya.

"And you're making fun of me eh?" Tanong niya sakin. Dinampian ko siya ng halik at ngumisi ng napakalaki.

"Oh how I love it when you're this jealous." Sabi ko sakanya. Iling lamang ang ibinigay niya saakin. Hinagkan niya ako na para bang wala ng bukas.

"Get a room will you!" Narinig kong saad ng isa sa mga tao sa loob ng lounge. Binitiwan na niya ang labi ko. I mouthed I love him, he mouthed I love you back.

"Sayaw tayo." Yaya ko sa kanya. Bahagya pa siyang nabigla sa naging saad ko. I want to enjoy this night with him.

Narating namin ang damce floor with Diplo on the DJ table busting the speakers with his beats. Ang lapit ni Talalabs saakin, ganon din ako sa kanya.

Bawat indayog namin ay nagbibigay ng kakaibang sensayon na marahil nararamdaman din niya. Parang nawawala ang mga tao sa paligid sa bawat ngisi niya saakin. Kami lang. Kami lang ang nasa dancd floor.

Halos mag aala-una na ng napag desisyunan na namin na dalawa na umuwi.

"Look." May tinuro si Talalabs saakin at sinundan ko naman ng tingin iyon. Sa isang couch ay halos di na magkahingahang nag hahagkanan si GD-Oppa at Dara-Unnie. Nabigla ako sa mga nakikita ko.

"Come tayo naman." He covered eyes and dragged me out of the club. Natatawa siya habang ginagawa iyon sakin. Pumipiglas ako sa bisig niya pero ang lakas ng mokong.

Pagkadating namin sa kotse ay pinasok na niya ako rito.

"That's what you call making up. I'm still waiting for my own making up." Sabi nito habang mayabang na nakatingin sa malayo. Ipinilig ko ang ulo niya saakin at sinakop ko agad ang labi niya.

I love the taste of him. I placed my arms dangled in his neck. As he pulls me close, the intensity rises up.

"You...are...the...best...in...making...up...Honeybaby." Halos singhap niya sa bawat salitang sinasabi niya sa bibig ko habang magkadikit parin ang mga labi namin. Oh how I love this man so much. I can't stay way from him for so long, pero if naman ganito ang nagiging result ng bawat away namin, I can also make up something to tense up things.

Bumitaw na siya sa halik at nakangisi lamang sakin.

"Sorry for ruining your lipstick Hon. You look like a mess, a beautiful and sexy mess." Marahan niya ulit akong halikan.

Nakarating kami sa bahay na hindi naghuhubad ng kahit na anong damit.

Kasalukuyang nasa loob ng bathroom si Talalabs at naliligo. Tapos na akong naligo at handa nang matulog. Narinig ko ang pagpihit ng pinto. Ibinaling ko ang tingin ko roon at nakitang nakabihis na siya.

"Halika na matulog na tayo. Maaga ka pa bukas." Sabi ko sa kanya. Unti-unti siyang tumabi saakin at nakisali sa pagkakakumot ko. Hinagkan niya ako at pinadako ito sa kung saan-saang parte ng mukha ko.

"Laway mo lagi moisturizer ko Talalabs. Buti na lang di ako nagkakapimples." Sinakop ng dalawa kong kamay ang mukha niya para pigilan sandali ang pag haharass niya sa mukha ko. Imbyerna, kakatapos ko lang kayang mag serum.

"Ang bango nakakaadik Honeybaby." Dumako naman sa leeg ko ang mga halik niya.

"Diba sabi ko matutulog na tayo? Ano tong ginagawa mo?" Sabi ko sakanya. Nakikiliti ako pero ipinipilig ko ang ulo ko para mabigyan siya ng space sa pag explore sa leeg ko. Landi!

"Goodnight kiss ko." I held his head to my chest. Naramdaman ko ang pagbigay niya ng maliliit na halik dito.

"I love you." Sabi ko.

"Mas mahal kita."

----------

The Told SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon