Part 11: Lower Your Pride
"masyado kang obvious C-an." natatawang sabi ni Phia.
"bakit mo naman kasi naisipang picturan si ate Angel?" tanong pa niya.
"hindi ko alam e. May sarili atang utak yung kamay ko" sabi ko. Natawa siya.
"kung gusto mo talagang malaman kung interesado siya sayo, una dapat mo siyang iwasan. Huwag na huwag mo siyang tinitignan. Isipin mo wala lang siya." sabi niya.
"pangalawa. Sa akin ka lang magfocus" napatulala ako sa kanya.
"para kung nariyan man siya o wala. Makita man niya o hindi, nasa akin ang focus mo. Tapos, ako ng bahalang tumingin sa kanya, ako titingin sa reaksyon niya." dagdag niya.
Napatango tango ako sa ideya niya.
"okay! Okay! Let's start again" sabi nung baklang instructor ng sayaw.
"magpractice muna kami ulit. After this, simulan na nating gawin yung plano." sabi niya at umakyat na muli sa stage. Pinanood ko lang siyang magpractice pati si Niel.
Sinimulan nila mula sa pinakaumpisa ang pagpapractice. Mula sa pagrampa't pagsayaw, pagpapakilala at pagrampa rampa ulit. 30 girls and boys ang representative, 5 sections per grade level kasi. Hindi naman kasali dito ang elementary students at hindi sila kasali sa foundation day and night. No classes lang sila pagdating ng araw na iyon.
Ilang beses pa silang umulit muli sa umpisa hanggang sa malapit na nilang maperfect.
"okay that's all for today. Ikaw, lambutan mo pa. Ikaw naman lagyan mo ng awra. Kailangan niyo pa lahat mag improve. Bukas dapat perfecter na yan." sabi ng bakla. Natawa naman sila sa word na perfecter even though sadya naman iyon ng bading.
Lumapit naman sa akin si Phia pati si Niel.
"owww" kantyaw pa ni Niel.
"o sige na dre. Enjoy your labing labing. Punta muna ako sa teammates ko" sabi niya't nagjogging palayo.
"tara na?" patanong na aya ni Phia.
"where?" tanong ko.
"cafeteria. Naroon si ate Angel with kuya Mike."
"kuya Mike? Kinukuya mo rin?" tanong ko.
"mas matanda e" natatawa niyang sab habang naglalakad kami papuntang kantina.
"e bakit ako? Mas matanda ako sayo ah?" tanong ko naman.
"hindi ako sanay tawaging kuya ang taong mahal ko" natahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Nakaramdam muli ng awa.
"ahh. Phia?" tawag ko.
"hmm?"
"ayos lang ba talaga sayo itong ginagawa natin? Sabihin mo lang kung hindi. Kaya ko naman mag isa e" sabi ko.
"ayaw mo na ba akong makasama?"
"ayaw ko lang na masaktan ka" sabi ko.
"edi mahalin mo ako" sabi niya.
"joke" dagdag niya't natawa.
"malakas fighting spirit ko. Matiisin rin naman akong tao" sabi niya. Pagpasok ng cafeteria ay agad hinanap ng paningin ko sina Angel. Naroon sila ni Mike sa dulong parte. Naroon din si Niel kasama ang mga kateammates niya.
BINABASA MO ANG
[C-an] Love Encounters : #1 Blind Love (ON-HOLD, UNEDITED)
Teen Fiction[Don't read yet! Dugyot pa 'to! Hahaha] A womanizer's 1st Love. Sino ang unang iibigin ni Kyle? Ang babaeng pinagkakainteresan niya? O ang babaeng tutulong sa kaniyang makuha ang interes ng babaeng nakakuha ng atensyon niya? Anong klaseng pag-ibig k...