Part 16 : NBSB
Kasalukuyan ako ngayong nasa labas ng dressing room. Hinihintay ko si Phia. Nasa loob kasi siya kasama ang mama't papa niya, inaayos nila sa loob ang mga gamit. Inaayusan na rin siya para raw mamaya ay damit na lang ang aasikasuhin. Biyernes ngayon at laban na nila mamayang 8am. 7am pa lang kaya maaga pa.
Dinala ko ngayon ang binili ko noon na make ups as a goodluck gift ko. Sinamahan ko na rin iyon ng kwintas. Mahilig daw kasi siya doon. Maya maya ay lumabas na siya. Napatitig pa ako at napangiti.
"mas umangat ganda mo" sabi ko. Napangiti siya. Nakasuot siya ng white printed shirt tsaka black jeans. Nakatapak lang siya ngayon dahilan upang matawa ako.
"okay na sana, kaso nakatapak ka" sabi ko. Tumingin pa siya sa paanan niya at natawa.
"hilig ko talaga magtapak" sabi niya.
"maghiheels na ako maya maya. Icheer mo ako ha." sabi pa niya. Nagngitian pa kami nang maalala ko ang ibibigay ko sa kanya. Kunot noo niya itong kinuha nang iabot ko iyon sa kanya. Napangiti pa siya nang makita kong make up iyon. Binuksan niya rin ang box kung saan naroon ang kwintas na napili ko.
Nakita ko ang mangha sa mga mata niya nang makita iyon.
"wao. Ang galing mo naman pumili. Ang ganda nito" sabi niya habang tinitignan ang kwintas. Napangiti naman ako dahil nagustuhan niya iyon.
"susuotin ko ito mamaya, sa laban" sabi niya pa. Habang hawak hawak ang kwintas.
"why don't you wear it rn? Asan, ako magsusuot" sabi ko. Nakita ko siyang namula nang iabot ang kwintas sa akin. Mas lumapit pa ako. Pinahawi ko sa kanya ang buhok niyang nakalugay at tinanggal ang lock ng kwintas bago ito isuot sa kanya. Lumapit pa ako para makita sa likuran niya ang lock tsaka lumayo't pinagmasdan iyon.
"it's my goodluck gift" sabi ko.
Tinignan niya ang kwintas na nakasuot sa kanya't napangiti.
"salamat. Babawi ako" sabi pa niya.
"nga pala, nasaan yung kwintas na suot mo? Yung bigay ng mama mo?" naitanong ko.
"ahhh, nasa loob. Kakahubad ko lang. May iba sana akong susuotin pero parang mas gusto ko itong ibinigay mo" sabi niya.
"anak, magsiayos na raw. Wear your accessories. Mas aagahan daw ng 15 mins. Ang start ng program" sabi ng mama niya't napatingin sa akin.
"sino siya anak?" tanong niya habang tulalang nakatingin sa akin.
"ah ma. Si C-an po, kaibigan ko" sabi niya pa. Napayuko ako ng bahagya upang magbigay galang at ngumiti.
"good morning po" bati ko. Ngumiti rin siya pabalik.
"so it's--- good morning din hijo" sabi niya. Hindi niya itinuloy ang unang sasabihin nang makita kong nagsensyasan sila ng tingin ni Phia. Mukhang muntik nang madulas ang mama niya, may nais atang sabihin.
"papasok na muna ako. Sumunod ka na lang anak" sabi niya. Nagngiti pa kami tsaka ako muling yumuko bago siya pumasok muli sa loob.
"o siya. Mag aayos na ako. Dun ka sa sentro pumwesto para mas madali kitang makita" sabi pa niya. Pumasok naman na siya sa loob kaya umalis na ako ng dressing room at nagpunta sa audience. Marami ng nakaupo pero bungi bungi pa. Maghahanap na sana ako ng upuan nang harangin ako ni..
BINABASA MO ANG
[C-an] Love Encounters : #1 Blind Love (ON-HOLD, UNEDITED)
Novela Juvenil[Don't read yet! Dugyot pa 'to! Hahaha] A womanizer's 1st Love. Sino ang unang iibigin ni Kyle? Ang babaeng pinagkakainteresan niya? O ang babaeng tutulong sa kaniyang makuha ang interes ng babaeng nakakuha ng atensyon niya? Anong klaseng pag-ibig k...