Khaeyen’s POV
Here we go again.
“Huy. Alam mo ba si Rheen? Ang sweet niya kanina. Lalo na dun sa sinurprise niya ako. Akala ko talaga kung ano yun, yun pala para sa akin. May nagbigay ng flowers at chocolates na bata sakin kanina. Nagtaka pa ako. Tapos biglang nawala si Rheen. Hindi ko siya mahanap. Naiiyak na nga ako eh” Sabi niya at umarteng naiiyak nga.
“Tapos hinanap ko parin siya hanggang sa mapadpad ako sa Roller Coaster. Nakita ko siya dun at yayakapin ko sana siya kaso bigla siyang lumuhod tapos ang sabi niya..
Ugh yeah bes. Para siyang ewan na kinikilig.
“Would you be with me to take a ride in my messy life that you’ve arranged and turn it into an enjoyable life, Babe?” Waaaaaaah! Ang saya saya ko grabe Bespren!” Sabi niya na tila nag huhugis puso na ang mata na maiyak iyak pa.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Hay. Buhay lovelife nga naan nang isang to. Napakaswerte nga : )) Sana sila na talaga sa hanggang huli : ))
“Uy. Bespren. Ang haba ng litany ko tapos ngingitian mo lang ako? -_____-“ Sabi ni Jane sa akin at nag pout pa. Mukha mo Jane :3
“Masaya lang kasi ako para sa inyo : ))” Sabi ko at ngumiti ulit sa kanya.
“Ay.. Grabe :’) ILOVEYOU BESPREEEEN! Hahahaha” Sabi niya akmang lalapit sakin.. Uh oh.
And that’s it. Niyakap ako at pinupunas-punasan ang gilid ng mata niya kahit na wala namang luha. Tignan mo nga to, nainlove lang nag-drama pa :3
“Oo na, oo na. Nandito lang ako palagi ah? Kahit na anong mangyari sa inyo” Sabi ko at niyakap siya pabalik.
Eww bes. Ayaw ko talaga ng ganito eh -_-
“I love you na talaga” Sabi niya at hindi parin tinatanggal ang yakap.
“Alam mo kasi Jane, gutom na ako eh. Bawas-bawasan natin ang drama ah?” Sabi ko ng natatawa-tawa.
“Sorry naman ah? -____-“ Sabi niya at umalis na. Hahahaha!
“Ikaw na maghugas ah? Love mo ako diba? Hahahaha! Goodnight Jane!” Sabi ko at pumunta na sa kwarto ko ng tumatawa.
BINABASA MO ANG
Unpaid-back Love (On-Going)
Teen FictionIT HURTS TO LET GO.. but sometimes it hurts more to hold on.