Chapter 7 xx.

42 0 0
                                    

(A/N: Sorry for being inactive :) Madami kasing nangyari at namatayan po ako :( At tsaka naging busy narin sa school. So, Eto na. Pambawi! Sana magustuhan niyo guyz! :D)

Khaeyen's POV

Naging mabilis ang oras. Naging madali din ang pakikisama ko sa iba. Madami din akong nalalaman pero ako yung tipo ng tao na hindi nakikialam. In short, I don't give a shit. Pero naging magaan naman ang pakikitungo ko sa kanila.

Sa mga teachers, Okay naman ako. Although may mga professor talaga na sobrang strict. Meron din naman agad umamin na mababa siya magbigay ng grades, Meron din nagsabi na konting ingay lang, sa POD agad. Pero may mga teacher din naman akong mabait kung mabait ka, Meron din yung medyo may pagkataray pero masasakyan niya yung trip mo, Meron din naman akong teacher na mabait. As in MABAIT :) Swerte. Hahaha

Sa Classmates, Okay din ako. Kilala ko na yung iba pero di ko na masyadong kinabisado yung mga pangalan nila. Nakakatamad na din kasi :3 Mahirap makibagay sa iba. Hindi ka nila maintindihan base sa nakikita ko. Mga batchmate ko sila but iba parin yung dati kong section. Parang mas malaya ako dun. Pero naa-adjust ko na rin naman yung sarili ko. And now, finally, salamat naman. Ayos na ako.

Kami ni Vince? Ayun. Wala namang kami eh. Hahaha XD Actually, okay lang. Ang sarap niyang kausap, Ang ganda niyang kasama, Siya na gwapo XD Hiyang-hiya ako sa kagwapuhan eh. Heartthrob agad agad. Parehas sila ni Trick XD

May kulang pa ba sa mga nabanggit ko? Wala na siguro.

Bumangon na ako sa higaan na kanina ay nag iisip-isip sa mga bagay bagay.

 

“Ang bilis ng takbo ng oras. Sabado nanaman” Sabi ko sa sarili ko.

Naisipan kong maglakad-lakad kaya naligo na ako at nagbihis sabay kuha ng DSLR sa may study table ko. Pagkadampot ko ng camera ko, nakita ko nanaman ang Family Picture namin. Si Mommy, Si Daddy, Si Kuya, At ako.

Unpaid-back Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon