Chapter 4. xx

35 0 0
                                    

Khaeyen's POV

"Hi KAYEN" Sabi ni Trick sabay flash ng sweet smile.

"Khaeyen po -____-"  Sabi ko. (Key-yen |/| ganyan dapat yung pronunciation, kung pano basahin yun key-yen, Hindi siya Ki. Ganito, Khae-key. Yen)

"Ah, Nice name" Sabi niya sabay kindat.

Jusko, kahit gwapo pa to kung araw-araw naman ganito. Ewan ko nalang po.

Umupo siya sa desk ng isa sa mga arm chair tapos pinatong niya yung paa niya sa upuan.

"Khaeyen, pwede ba sabay tayo mag snacks? Wala pa kong ka-kilala dito eh" Sabi niya ng nangungumbinsi 

"Ikaw lang, bukod sa nabangga ko" Sabi niya na natatawa-tawa.

Pinagtri-tripan ata ako nito eh. -____-

"Humanap ka ng iba, wag mo kong pag tripan Mr. Perez, di ako katulad ng ibang babae diyan" Sabi ko with my famous bored look.

"Di naman kita pinag tri-tripan eh, seryoso ako. Please, luluhod ako dito." Tapos pwe-pwesto na siya na mukhang lu-luhod na nga talaga.

"S-sige na nga. O-oo na, Sasabay ako sa snacks. Tumayo ka diyan" Sabi ko ng nauutal.

"Salamat" And again, his famous playful smile appeared.

Nako di ko na alam mangyayri sa buhay pag ganito lagi.

Trick plus Jane sa buhay ko? Ano nalang mangyayari saken?  Hustisya puhlease. Pag tri-tripan lang ako ng mga yan eh.

Bahala na si Batman.

-    -    -    -   -  -   -

*Canteen*

"Anong gusto mo?" Sabi ni Trick, as usual, naka-ngiti.

"Fries at float nalang, thanks" Sabi ko naman, nag smile na din ako. Baka sabihin pa nilang snob ako masyado. At nag mu-mukhang tanga tong kasama ko sa kaka-smile .

Mabait si Trick, playful nga lang. Mukhang mapagkakatiwalaaan din. All the qualities of a nice guy nasa kanya na ata. Pero i believe na sa likod ng mga ganyang personality niya, may bagay na nag bu-bukod tangi nakapangibabaw sa kanya.

"Here's your food" Sabi niya with smile.  Ankyut niya talaga *O*

"Thank you" Ganun din pala inorder niya, parehas lang kame.

"So san ka galing na school?" Sabi ko sakanya

"From St. Antony's High, Eh ikaw matagal kana dito?" Sabi niya

"Nope. Pero malapit lang kasi yung school na to sa condo namin, naisip namin kung ita-try kaya namin ni bespren" Sagot ko naman.

"Ahh. may bespren ka pala. Is it a girl? Or a boy?" Sabi niya sakin.

"Girl" Sabi ko naman.

"Ang saya naman, can I be your guy bestfriend?" Sabi niya flashing his sweetest smile with his adorable eyes.

Grabee naman to. Demanding, ka-kikita lang namin. Bespren agad? Pero okay na rin yun. At least may guy bespren nako :))

"Of course" I sabi ko nang naka ngiti. ewan ko kung bakit :)

"Yesss!! So we're bestfriends now? Right? ;)" Sabi niya sabay kindat.

Tumango ako nang naka-smile :) Loko to ah. Di maalis yung ngiti ko.

Pagkatpos ng break, bumalik na kami sa room.

Tapos dumating na yung next teacher.

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Discuss..

Nakaka-umay naman na discussion to oh. -____- Nakaka-sabog ng utak.

"Pssst. Picture nalang tayo. Diyan oh" Tapos nginuso niya yung DSLR ko. Sira ulo to ah. gusto ata kaming ma-detention. HAHAHAHA

I mouthed "Mamaya nalang, ma de-detention tayo " Sabi ko ng natatawa-tawa

Habang nakatalikod yung teacher, lumipat siya ng upuan sa tabi ko.

"Sabi mo yan ah, mamaya" Sabi niya hang natatawa-tawa at kumindat pa.

"Tigil-tigilan mo nga ako Perez." Sabi ko nang nagpipigil ng tawa.

"Yes boss Mendoza" With salute and wink.

-    -   -   -   -   -

*Dismissal*

"YAHH!"

"Ay anak ng!! Trick naman eh. Bat ka nanggugulat?!"

"May promise ka sakin. Paybacktime, bestfriend" Sabi niya then wink.

Bat ang hilig niya sa ganun? Ang cute *O*

"Yeah, yeah. I know. But can you please wait, bestfriend?" Sabi ko. Kinareer ko na rin yung word na "bestfriend"  ^____^

Tinapos ko nang ayusin yung mga gamit ko tapos bumaba na kami. Kinareer niya pa yung pagiging bestfriend niya, binuhat pa yung mga gamit ko eh :)))

Tumapat kami sa fountain.

"Dito tayo, maganda yung background" Sabi ko.

Tinignan niya lang ako tapos "Hindiii. Halika bilis, may pupuntahan tayo" Sabi niya ng naka-smile.

Naglakad lang kami, wala pa daw siyang liscence eh, di pa daw niya pwede i-drive yung car nila.

Dinala niya ako sa isang park na ang aliwalas. Ang presko, At tanaw ang sunset. Ang ganda.

"Ang ganda naman" Sabi ko na manghang-mangha

"Sabi sayo eh" Sabi niya with matching smile sabay titig sakin.

"Picture na tayo? Sunset na oh" Sabi niya ng nakatingin sa sunset.

"Sige, simulan na natin"

Nag picture-picture na kami. Ang gulo naming dalawa. Formal. Wacky. Cheese. May akbay pa. Loko to. Ang ganda pa ng background.

"Ah, Khaeyen, hatid na kita, pagabi na oh" Sabi niya habang tinatanaw ang lumubog na araw, sabay tingin sakin.

"Sige tara na"

Naglakad na kami papunta sa tapat ng condo ko. Hinatid niya ako sa tapat nung door ng unit ko.

"Oh pano, hanggang dito nalang ako. Salamat sa oras Khaeyen, I really enjoy this day with you" Sabi niya sabay smile.

"Salamat din para sa araw na to Trick, I appreciate your time :)"

"Sige alis na'ko" Sabi niya, ngumiti at nag-wave ng kamay saying goodbye.

Nag sign din ako ng goodbye at pumasok na sa Condo.

Wala parin si Jane?

Hayy. Pumunta na'ko sa kwarto ko at nag shower. Inayos ang mga gamit para bukas at humiga na.

First time kong may makasama sa sunset

I really enjoy this day with you

Paulit-ulit yan sa isip ko. Pero pinipilit kong huwag isipin.

Ano bang meron sayo Trick?

Unpaid-back Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon